16 That Escalated Quickly

1.4K 73 8
                                    

Nakalipas na ang dalawang araw mula nang mahuli at naipatapon si Janus sa hospital ng mga baliw. Napag-alaman namin na may saltik pala sa ulo ang binatilyong iyon. Medicine pa naman din ang kurso niya, bakit hindi niya doktorin yung utak niya?

Madami din nagbago dahil sa insidenteng nangyari. Sa isang iglap, biglang nagbago ang pakikitungo ni Lola kay Moks.

"Moks, kuha mo ko ng tubig. Nauuhaw ako." Utos ni Lola, habang nanunuod ng balita kung saan nakabalandra ang mukha ni Janus.

Humihingi ang mga reporter ng komento mula sa mga magulang ni Janus ngunit hindi sila nagsasalita. Kilala sa showbiz ang mga magulang ni Janus. Anak siya ng mga artista kaya naman ganoon nalang ang pagka-uhaw ng publiko sa sagot ng mag-asawa.

"'La, 'wag mo na nga panuorin yan. Nakaka-stress." Iling ko at saka inilipat ang chanel. Bwisit, ganoon din ang balita sa kabilang station.

Bumalik si Moks na buhat buhat ang isang container ng tubig. Napabungisngis ako.

"Ano 'yan? Bat dala-dala mo ang isang galon?"

Lumingon si Lola at napamasahe sa kanyang sentido, "Isang basong tubig, Moks. Hindi isang galon."

Nagpapikit-pikit ito bago tumango at bumalik sa kusina.

"Mukhang nagkakaigehan na kayo ni Moks," ngiti kong saad kay Lola.

"Well, that thing saved us," she pointed out. Kinuha niya ang dyaryo sa lamesa at binuksan ito. I sighed again as I saw Janus' face on the front page.

"Stop calling him a 'thing', la. And stop reading news about what happened!" I exclaimed. Ayoko na maalala ang mga pangyayari.

"I need to stay updated, dear." She said as she flipped on another page.

I shook my head. "By the way, I'm going home already. Pa will pick me up, School is starting again."

Sinara niya at itinabi ang dyaryo, "So soon? It felt like it was just yesterday when you arrived," she frowned.

"Pfft. Dapat nga tatlong araw lang ako dito, naging limang araw na." Nakanguso kong sagot.

"Then why don't you make it a whole week? Sa sunday ka nalang umuwi."

I snapped my head at her suggestion. Like no way I'm going to stay for another two days in here. Aba, ang daming masamang nangyari dito. Kailangan ko ng change of nature kung hindi babangungutin ako araw-araw.

Speaking of bangungot, dalawang madaling-araw na akong gumigising sa malamig kong pawis. Napapanaginipan ko palagi si Janus. Iniisip ko nalang na dala ito ng troma ko at 'di kalaunan ay matitigil din ito pag nakauwi na ako sa bahay. Miss ko na rin si Winter.

"No thanks, la. Uuwi na ako. Madami pa akong gagawin na school works." Oh lies.

Dumating din si Moks at salamat naman, nakuha niya ng maayos ang utos ni Lola this time. He's improving much. Nakakintindi na talaga siya, hindi katulad ng dati na kailangan pang mag effort i-demostrate sa kanya para lang maintindihan niya.

"Salamat Moks," sabi ni Lola at kinuha ang tubig. Pagkatapos nito lumagok ay tumingin uli ito sa akin. "Anong oras ba kayo aalis?"

Napatingin ako sa taas. Anong oras nga ba?

"Basta hapon," ang sinabi ko nalang.

She nodded in understanding. "Then we still have time for some training, Moks." She said and patted Moks' cheek.

Wow, talagang desidido si Lola na may matutunan si Moks.

---

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon