18 Uninvited Part 2

1.4K 76 12
                                    

"Bitawan mo si Lia, Moks."

Patay tayo Lia, anong gagawin natin?

Lalong humigpit ang hawak nila sa pulsuhan ko. Medyo masakit na kaya nagsalita na ako.

"Bitawan niyo nga ako!" Asar kong sigaw sa kanilang dalawa. Walang bumitaw bagkus ay naghilaan pa sila. "Shit! Wag niyo akong gawing tug of war!"

Dahil sa sinabi ko, napabitaw si Jin at nang dahil sa naipon na pwersa ay napatalisod ako papunta kay Moks na sobra naman kung makahatak, parang madidisconnect na yung braso ko. Sumumsob ako sa dibdib ni Moks pero madali rin akong nakatayo ng maiige.

"Sorry Lia," Jin apologized, his gentle eyes are back again.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa, "Ano bang problema niyong dalawa? May pinag-aawayan ba kayo, ha?" Tumingin ako kay Jin, naghihintay ng explanation dahil hindi naman nakakapagsalita si Moks. "Ano Jin?"

"Ayoko lang ng may kaagaw," sagot niya.

"Kaagaw ba saan?" Tanong ko. Parang mga bata pala 'tong mga 'to nag-aagawan pa.

He sighed, ". . . Sa taong gusto ko."

Teka, may gusto din si Moks sa babae? Wow, ang huli ko sa balita?! Halos araw araw kaming magkasama tapos hindi ko man alam kung sino?! Ang haba lang ng hair ng bruha ha! Dalawang gwapo ang may gusto sa kanya.

Lumingon ako kay Moks. "May type ka na ngayon ah?"

Jin released a huff. "You seriously have no idea, don't you?"

"Bakit? Kilala ko ba?" Napaisip ako kung sinong babae pa lang ang nakikilala ni Moks. Lumaki ang pupils ko. "NO WAY! SI REBECCA?" I shrieked in terror.

I looked at them incredibly. I pointed a finger at Jin. "Y-you like Reb?!" then I slowly faced Moks, "You too?"

They gave me a are-you-serious look.

"Tsk! Nevermind. You're so cute, Lia. Hindi ko alam kung clueless ka lang talaga or bato ka lang talaga." Jin chuckled.

"Wow, I'll take that as an offense."

"It's balanced."

I smiled. Ngayon lang ata ako ngumiti ng maayos kay Jin since the thing happened? Medyo nawala yung awkward atmosphere kaso deep inside, nalulungkot ako. May gusto si Jin kay Rebecca? Jin naman, may boyfriend na si Reb! Sayang ka!

"I think we don't need to talk alone? Let's just end this awkwardness na. Nakakabagot din eh." Sabi ko kay Jin. Maybe it's time to let it go. Two years na nga ang nakalipas di ba? May mapapala ba ako kung patuloy kong iiwasan lang 'tong si Jin, wala naman di ba?

"But I want to tell you something. . . in private." Pagpipilit ni Jin bago sumulyap kay Moks.

"Ah, ok fine, I'll go with you," Sagot ko kay Jin tapos nilingon ko si Moks, "At ikaw naman, babalik ako agad. Behave."

Just when I turned around to face Jin, I saw him mocking a smirk at Moks. D'yos ko parang bata mag-inisan itong dalawang 'to.

"Huy, tumigil na nga kayong dalawa para kayong mga ewan." I said, shaking my head at their behaviour.

We headed to Jin's car. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. What a gentleman. I thought.

"Okay, spill it."

I saw him taking a big breath, his fingers fidgeting on the steering wheel. Ano bang problema nito?

"Oy, kung pera lang yang problema mo, kaya kitang bigyan pero kung sasabihin mong may krimen kang ginawa--Nako! You found the wrong person." Pagbibiro ko para ma-relax naman siya. Masyado siyang tense eh. Akala mo naman first time na magpapatuli.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon