07 Training Lesson Part 1

1.6K 81 17
                                    

Mabuti na lamang at isang linggong walang pasok sa unibersidad namin. Dahil pagkatapos ng hagupit ni bagyong glenda ay nag iwan ito ng mga bakas niya sa parte na kinatatayuan ng aking pinapasukan na kolehiyo. Madami dami ang pinsalang natamo nito kaya kailangan pa ng matinding renovation.

Hindi sa masaya ako dahil madaming napinsala ang bagyo, masaya ako dahil mayr'on akong oras upang maturuan si Moks. Naalala ko ang deal ko kay Lumin at ang promise ko kay papa. Hindi dapat ako mabigo. Mahiya naman ako sa pride ko kung hindi ko makakayang panindigan ang sarili kong salita. Lumipas na ang isang linggo magmula ng dumating si Moks. Mabilis siyang matuto ng mga bagay bagay, na siya ko namang ikinagulat.

Mukhang kakayanin ko ang isang taon.

"Antlia, nakahain na ang pagkain. Lumabas na kayo ni Moks." Tawag at katok mula ni ma sa labas ng kwarto ko.

"Opo, sandali lang," Sigaw ko pabalik. Hinarap ko si Moks. "Alam mo na kung ano ang kutsara at tinidor 'di ba?"

Tumango ito.

"O'sige nga, ano sa mga nakahilera dito ang tinidor?"

Yumuko ito at ginamit ang nguso pangtulak sa tinidor at pinakita sa akin.

"Hindi ka dapat ganyan kumilos," Inabot ko ang kamay nito at inilalayan papuntang mini table sa harap namin. Hinawakan ko ang kamay niya at ginabayan siya sa tamang pagkakahawak ng tinidor. "Ganto, 'yan--ganyan dapat ang paghawak." I explained.

Tumango ulit ito at napangiti sa akin. Yunuko ito at pinagsuksukan sa harap ko ang bunbunan niya. Nasanay siya na hinihimas ko ang ulo niya sa tuwing may nagagawa siyang tama.

Napangiti ako. Hinawakan ko ang buhok niya at hinimas himas ito saglit, "Very good, Moks."

"Ngayon naman, i-try mong kunin ang kutsara gamit ang kabilang kamay."

Tinignan niya muna ang kanan niyang kamay at itinaas ito, tumingin ito sa akin na parang nagtataka.

Napangiti ako. Ang inosente talaga niya. "Oo, iyan. Kunin mo ang kutsara gamit iyang kamay na 'yan."

Tumango ulit ito. Nagsalubong ang mga kilay niya nang tumingin ito sa hilera ng mga kitchen utensils. Mayroon kasing kutsarita, kutsara, sandok, spatula, can opener, cork screw, at marami pang iba. Marahil ay naguguluhan siya sa kutsarita at kutsara.

Kinalabit ko ito mula sa konsentrasyon niya na nagdudulot ng frustration naman sa akin dahil mag lilimang minuto na siyang nakatitig sa dalawang pinagpipilian. Dinemonstrate ko sa kanya ang kutsara. Para akong tange na nag gesture sa harapan niya.

I sighed. "Yung mas malaki, Moks."

Nagpapikit pikit pa ito ng mata bago tinignan muli ang mga nakahilerang gamit. Maya maya pa ay hinawakan niya na ang kutsara at ngumiting aso sa harapan ko. Hinimas kong muli ang ulo niya.

"Very Good."

"Hoy, tama na ang landian niyo. Kakain na daw." Si Lumin naman ang kumatok ngayon sa kwarto ko.

"Yeah, we're coming." Sagot ko.

"Hinay hinay lang kasi sa paglabas baka ano ang coming na 'yan." Dinig kong pabungisngis na sabi ni Lumin. Ang bantot talaga ng isipan ng kapatid kong 'to.

"Moks, let's go."

---

Si papa ang nag lead ng prayer. Habang nakapikit ang mga mata nila ay abala ako sa pagbabantay kay Moks. Mukha kasi siyang mag da-dive in ulit sa lamesa. Ayoko na mangyari ito for the second time at ang masaklap ay sa harap pa mismo ng pamilya ko.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon