20 Dreadful Visions

1.3K 67 10
                                    

Ang dilim, nasaan ba ako?

Kahit ni isang bagay, kahit katiting na ilaw. . . wala. Then, there was a sudden fleeting voice.

"Follow my voice, Antlia. . ."

Napalinga ako sa kanan at kaliwa kahit wala akong nakikita. Kaninong boses ito? Hindi ko kilala ang may ari ng boses na iyon.

"Antlia. . ." muling tawag nito sa pangalan ko.

"Sino ka?" tila tanong ko sa kawalan.

Hindi nagbago ang bulong ng boses. Iisa lang ang kagustuhan nito. Ang sundan ko ang boses niya pero saan ako dadalhin nito?

"Follow my voice. . ."

Dahan dahan akong naglakad, sunod sunuran sa boses gamit ang matalas kong pandinig. Bawat yapak ko papunta sa kawalan ay tila painit ng painit ang kapaligiran. 

Huminto ako. Nawala ang boses. Lumingon ako sa likod, madilim parin. Lumingon ako pabalik sa harap at isang kulay pulang pinto ang bumungad sa aking mga mata. Nilapitan ko ito at maingat na ipinihit pabukas ang busol ng pinto. Hinayaan kong bumukas ito ng kusa.

*Klang. . .*

*Klang. . .*

Tunong ng kampana.

Isang simbahan, isang abandonadong simbahan. Madilim, walang ilaw kundi ang liwanag ng buwan na nanggagaling sa buwan. Pumasok ako sa loob, tila lalong uminit ang paligid. Humahawi ang mga butas-butas at puting kurtina ng mga bintana at napatingin ako bigla sa kabilang dulo ng pasilyo. Isang babaeng naka-itim. Itim lahat pati ang kanyang belo na nakatakip hanggang sa kanyang mukha. 

Bigla ako nakaramdam ng takot. Ano ang lugar na ito? Anong ginagawa ko dito?

Naglakad ang babae sa pasilyo, palapit ng palapit sa kintatayuan ko. Tumigil ito saglit sa harapan ko at lumiko palabas. Sinundan ko ng tingin ang babaeng nakabelo ngunit nang mawala na ito sa paningin ko ay humarap muli ako sa harapan. 

Gulat ko nang may isang itim na lalaki ang nakatingin sa akin. Hubo't hubad, sobrang itim at kalbo. Wala siyang genitals. . . parang sa mga mannequin lang. Natakot ako kaya napahakbang ako paatras ngunit nahawakan niya agad ang aking pulsuhan. Napatingin ako sa kanyang mahigpit na pagkakahawak at nagpumiglas.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko rito at tumingala. Unti-unting nagbabago ang anyo ng itim na lalaki. Nagkakaroon siya ng buhok sa ulo, pumuputi ang kutis niya at lumalaki ang ngiti niya. Hindi naglaon, ang kaninang itim na lalaki ay naging si Janus. Si Janus na nakasuot ng puting damit at puting band sa kamay.

Lalo akong nabalot ng takot at nagpumiglas pa lalo. "Bitawan mo ko please! Ayoko na, ayoko na! Tigilan mo na ako!" paulit ulit kong sinisigaw ngunit hindi ito bumibitaw. Humalakhak siya ng malakas, sa sobrang lakas ay nag-eecho ito sa buong simbahan. Kasabay ng walang humpay niyang pagtawa ay ang pagsiklab ng apoy sa paligid. 

Nasusunog ang lahat, ang mga upuan, ang mga kurtina. Tumatagatak na ang aking pawis at nararamdaman ko na ang sobrang init na dulot ng apoy.

"TAMA NA!!!!!!!"

Napabangon ako bigla. Naghahabol ng hininga. Ang panaginip na iyon na naman. Simula ng nangyari sa hacienda ni lola ay tuwing gabi nalang akong nananaginip ng ganito. Paulit-ulit. Madilim, isang boses, pulang pinto, abandonadong simbahan, itim na babaeng nakabelo, si Janus at apoy. Ganoon palagi ang panaginip ko, hindi nagbabago.

Tumayo ako at nagpahid ng pawis. Nagpasya akong lumabas para uminon ng malamig na tubig, I need a refreshment.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon