02 monster eater

2.3K 97 45
                                    

A/N: Flashbacks po pag naka-italics. 'Yun lang, G na sa pagbabasa~! ^^

__

Nasa isang napaka-importanteng Family meeting ako ngayon. Umaga't maliwanag na. Sa wakas ay tumila nadin ang bagyo ngunit wala parin kuryente.

Naupo ako sa stainless chair namin. Hinarap ang dalawang kutong lupa na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Nagtitigan kaming tatlo.

Napapikit nalang ako dahil jusko, nababaliw na yata ako.

Isang aso at isang asal aso ang mga ka-meeting ko. Anak ng tokwa, I'm cray cray na talaga.

Pinagmasdan ko ang taong-aso. May saplot na siya. Binigyan ko kasi kagabi ng kumot. Nakakaawa kasi.

Bigla ko tuloy naalala ang mga pangyayari kagabi.

"Arf!"

"At aba, nagtago ka pa d'yan sa likod ni winter." Tumingin ako kay winter at itunuro ang busabos.

"Winter, bite!" Utos ko.

"Grrr.. arf!" Tutol nito sa utos ko. At nag growl pa kamo.

"What's the meaning of this?" Ngayon lang ulit tumanggi sa utos ko si winter.

Pinag nilinsikan ko ang busabos. "Oy, unggok! Show yourself!" Pagtataray ko. Wala akong oras para makipagtaguan.

Lalo lang ito tumiklop at nagtago.

"Kuya, ano bang ginagawa mo rito? Pwede kitang ipapulis, alam mo ba 'yon?" Pilit at mahinahon kong tanong.

Hindi ito umimik. Napahawak ako sa aking noo at minasahe ito saglit. Mukhang sasakit ulo ko dito.

"Saang mental hospital ka nakatakas?" Oo, malamang sa mental 'to nanggaling, sino ba ang taong nasa matinong kaisipan ang lalabas sa public ng nakahubad? Doon palang, given na.

Hindi parin ito nagsasalita. Nakasilip lang siya mula sa likod ni winter. Naiimbyerna na ako. Dadaigin ko pa ang bagyo sa galit na namumuo na sa kaloob-looban ko.

"Hindi ka ba nakakaintindi?! Ang sabi koㅡ"

Namulagat ako. Bigla nalang itong tumumba sa sahig. Umikot si winter at dinilaan ang pisngi nito.

Agad agad kong pinuntahan ang lalaki.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kawalan, more like tanong ko sa nagpapanic kong sarili.

Tinignan ko ito at tila nangangatog ang buo niyang katawan. Hinawakan ko ang noo nito at tama nga ang aking hinala. Ang taas ng lagnat niya. Ilang oras na ba siya sa labas?!

Pinaurong ko si winter sa tabi at pilit na binuhat sa likod ko ang kawawang nilalang. Wala na akong pakialam kung nakita ko na ang lahat sa kanya at ang thingy niya na sa tingin ko ay pretty much juicy mighty meaty. Ginawang hotdog? LOL.

Ay naku Lia! tumigil ka nga sa mga perverted thoughts mo, ang importante ngayon ay hindi ito mamamatay! Shocks! Ang bata ko pa para makulong.

Inihiga ko siya sa puti naming sofa. Sorry mama, madudungisan ang munti mong sofa. Dumiretso ako sa taas upang kumuha ng kumot.

Nang makabalik ako ay wala na ito sa sofa at nasa sahig na naman. Shete, ang bigat bigat nitong bulas na 'to, e.

"Crap! Why you so heavy?" Hingal kong pagkabigkas habang binabalik ito sa sofa.

Kinumutan ko ito ng tatlong layers ng kumot.

"Winter, do me a favor and boil some waterㅡeste you watch after him, I'll boil some water. Ok?"

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon