03 Bath time!

2K 100 35
                                    

I have the right to be pissy. Wala pading kuryente. And I'm stuck in this horrible mess of a dining room. I'm getting all sweaty and sticky as I vacuum around.

Pinagdilatan ko ng mata si mokong. "This is all your fault!" I said while shaking off the sweat out of my eyes.

I looked at mokong and he can't even move. 'E, pano naman kasi, ginapos ko lang naman siya sa upuan at tinape ang bibig. Tinakpan ko ng twalya yung private part niya, nakakaasiwa lang. 

Nakikita ko sa mukha niya ang frustration dahil hindi ito makagalaw. Oh well, he deserve this.... for a while. Kinuha ko ang fone ko mula sa bulsa ng sweat pants ko. Halleluya praise the Lord! May signal na ang globe! I searched my contacts and dialed my best friend. Tengeneng call wait ringtone 'to, nakakabanas lalo ng mood.

What does the fox say?

Ring-ding-ding-ding-dingeringeding!

Gering-ding-ding-ding-dingeringeding!

Gering-ding-ding-ding-dingeringeding!

What the fox say?

The fox says Fotang Eyna. Buset.

"Hello?" Finally, she picked up.

"Reb, come over,"

"Wow, 'di mo man lang ako kinamusta after bagyuhin."

"Well, you picked up the fone so you're alive! Waaa, congrats!" Sarkastiko kong pagkakasabi.

I heard her snicker, "Ok. what time?" She asked.

"Basta before evening,"

"Sleep over?"

"Mmm."

And the line went dead. Binabaan ako ng bruhilda. Dapat ako unang magbababa, e. Alam niyang ayoko ng una akong binababaan. Psh.

"Ano tinitingin-tingin mo d'yan?" Ang mataray kong tanong ng mapansin kong pinagmamasdan ako ni mokong. Bumali lang ng leeg ito. Parang aso na nagtataka.

"This guy's really mental.." I exhaled while shaking my head.

Nasayang lang tuloy ang breakfast ko. I love eggs pa naman, asar. Napa-fresh milk at bread nalang tuloy ako. Umagang umaga palang 'e pagod na ako agad. Akyat muna ako sa taas, namiss ko ang kwarto ko at at least doon, hindi maalingasaw. Iniwan kong nakatali lang si mokong doon sa baba, kasama si winter.

Nagpasya ako humiga muna sa kama ko. Mga thirty minutes lang na nap. Kailangan ko pang mag-ayos ng lunch later.

---

Naalipungatan ako nang aking maramdaman ang tuloy tuloy na pag dila ni winter sa pisngi ko.

"Mmm, winter. Go away, gusto ko pang matulog---" Bigla ako napamulat. Anong oras na nga ba? Dali-dali akong napabangon at tinignan ang oras.

"Four na?!?" Hapon na pala! That means I skipped lunch. Napabatok ako sa sarili ko. Kailangan ko din pala paliguan si mokong. Hindi pwedeng abutan ni Rebecca ng ganoon ang itsura at amoy ng hinayupak.

Bumaba ako at ayun, tulog si mokong. Nilapitan ko ito.

"Oy, gising." Ang marahas kong untag. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito. "Oy," Wa epek.

Sinampal ko nalang. "Gising!"

Nagulat ito at napatingin sa paligid.

"Oy panget, oras na para maligo."

Tinanggal ko ang pagkakagapos niya sa upuan pero iniwan kong nakatali ang mga kamay nito, pati narin ang tape sa bigbig niya ay hindi ko ginalaw. Mas mabuti ng hindi siya makagalaw habang pinapaliguan ko. Aba, baka ang banyo naman namin ang siraain niya. Mahirap na.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon