04 Name him, mark him.

1.8K 89 22
                                    

It was a long hell of a story-telling but Rebecca managed to take it all in. I respect this girl. She has the same level of mentality as me. Kaya naman, since grade school palang ay mag-bestfriends na kami.

"Lia, let's think of a name for him. Wala pa siyang name 'di ba?" Rebecca suggested while munching the pizza in her mouth. We decided to order dinner since madilim na at wala parin kuryente. Mahirap magluto sa dilim.

I nodded as I watch the scene before us. Winter and the mokong are playing together.

We dressed him up with my brother's clothes, combed and blow-dried his hair and I can't believe he is this handsome when groomed. I'm just overly breathless after looking at his clean features.

"Huy," untag sa 'kin ni Reb. "Nakikinig ka ba? Ang sabi ko anong name ang bagay sa kanya?"

"He has a name." I answered and took a bite of my own pizza.

"He do? What is it?"

"Moks."

"Moks? Why moks?"

"Mokong kasi siya, e."

Naramdaman ko nalang ang paghampas ni Reb sa braso ko.

"Sira ka talaga, wag 'yon! Hindi bagay sa gwapo niyang mukha." Pinaglinsikan ko siya ng mata. Gwapo? GWAPO?

Oo nga, gwapo nga sabi ko nga! kaso taong-aso naman.

"How about Jose?"

I cringed. "Jose Manalo? Yung sa Eat Bulaga." Tumawa ako nang sumimangot sa 'kin si Reb.

"Seriously, Antlia Garcia. I can't deal with you." Inirapan ako nito at pumaroon kay winter at moks. Umupo ito at parehas hinaplos haplos ang ulo ng mga ito.

"Hey, Lia! I got an idea," lumingon ito sa 'kin. "Mag-contest tayo, we're going to show our palms tapos kung sino sa ating dalawa ang una niyang hahawakan will get the chance to give him a name." She wiggled her brows.

'Susssss! Ganoon lang pala, e. Ako pipiliin ni moks for sure. Ako nagpaligo at nag-alaga sa kanya, kaya ako dapat ang piliin niya.

"Deal." I said with confidence.

Lumapit ako sa kanila at nag-indian sit sa tabi ni Reb. I showed my right palm and Reb did the same. Moks stared dumbly at our palms. I rolled my eyes.

"Marcelcius~ Shake hands~" parang engot lang na winawagayway ni Reb ang kamay niya pero si winter ang nakikipag-shake hands sa kanya imbis na si mokong. 'Di ko mapigilan ngumisi. Marcelcius? Is she serious? Ano tayo nasa 1700 B.C?

"Oy Moks, shake hands tayo." Pabarang kong utos. Tumingin ito sa 'kin tapos sa palad ko.

"Grrrr..." Kibo nito.

"Kasi naman, tinatakot mo 'e!" At napalo na naman ako. Nakaka-second strike na 'to, a.

"Pwede ba, kanya-kanyang diskarte 'yan." Katwiran ko kay Reb.

"Ewan. Tignan mo ko, ganto dapat ang ginagawa," Hinaplos niya ang ulo ni Moks at saka pinakita ang palad. Tumingin si moks at umatras ng paunti upang yumuko. Inamoy amoy niya ang kamay ni Reb. Dinilaan niya ito at napangiti naman si Reb. Napataas ang kilay ko. Huwag na huwag mo lang balakin na ibigay ang kamay mo kay Reb. Patatalsikin kita sa bahay.

"Now, shake hands~ your hand.. here." pilit at turo niya kay Moks.

Hindi ako pwedeng magpatalo. I found him, I'll take him and I'll mark what's really mine.

Tinulak ko palayo ang kamay ni Reb. Rude na kung rude. I don't back down from competitons and I absolutely doesn't tolerate losing to anyone. Even to my bestfriend. I was raised to be competitive. Ako palagi ang first. Kung maaari lang, tatakbo ako bilang presidente ng Pilipinas. Ok, medyo O.A ako dun. Basta I'm competitive. Tapos.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon