14) Mantsa sa Puso ni June

790 11 2
                                    

KUYA NI BESTFRIEND ni Fhrell Cee

14) – Mantsa sa Puso ni June

 

This time pinalitan na ang title, medyo tinagalog lang naman. Baka kasi akala ng iba, English ito kapag english young title. I hope marami pa din ang bumabasa nito despite the fact na ilang years din itong hindi naupdate. But PROMISE, sisikapin kong every week maAupdate ko sya. So I hope my readers come back to me. ~fhrell cee. 

P.S. Also, mag-advertise lang ako for you to read PABILI NG BOYFRIEND also by me. Mas wholesome sya kaysa dito.

 

*June*

        Ano nga ba naman ang ineexpect ko di ba? Wala namang sinabi sa akin si Jake  about sa feeling nya. Hindi nya naman sinabing mahal nya ako. Hindi nya din sinabing magiging kami kapag nakuha nya na ang aking pagiging innosente. Wala syang sinabi, wala syang ipinangako.  

        Ako naman kasi si gaga, naglandi. Bakit naman kasi ako tumihaya at hinayaan nalang syang ipasok yong alaga nya sa gitna ng hita ko. Bwisit ka June. Bwisit.

        Thank you!

        Naalala ko pa ang sinabi nya. Yon lang iyon, thank you. Malambing na thank you lang. Para bang binigyan ko sya ng isang masarap na pagkain dahil gutom sya, and he says thank you.

        Gusto kong sampalin ang sarili ko. Isa akong nakakahiyang babae. Gusto kong maluha. Gusto kong umiya. Pero magkatabi pa din kami ni Liz na nakatingin sa kanila. At wala syang (si Liz) alam sa mga naganap. Hindi nya alam na hindi na ako inocente. At mas lalong hindi nya dapat malaman na ang kuya nya ang may kagagawan ng pagkawala ng aking pagkababae.

        Alam kong mawiwindang sya, o di kaya ay baka magwala. Hindi ko alam actualluy kong ano ang gagawin nya. Basta ang alam ko, nahihiya ako sa kanya. At naiiyak na din ako dahil sa aking nakikita.

        Nakikipaghalikan si Jake kay Felicity. Tumalikod na ako.

        Maybe deserve ko ding masaktan ng ganito kasi nagpakagaga ako.  Bakit kasi ako nagpadala kahit alam ko namang walang patutunguhan. Hay, puso, katawan, kalibugan, dapat matoto na ako.

        “June,” narinig kong tawag ni Liz habang papalayo ako sa kanya pabalik sa loob ng bahay.

        “Matutulog akong ulit,” sabi ko pigil ang pagtulo ng luha at paghikbi. Ayokong umiyak sa harap ni Liz.  Ayokong makita niyang nasasaktan ako kapag nakikita si Jake with Felicity. Alam kong malalaman nya agad kung ano ang nararamdaman ko. Baka mabuking nya pa ang mga nangyari.

        Hindi na kami nagkita pa ni Jake pagkatapos ng mga pangyayaring iyon. Nauna akong umuwi with the reason na masama ang pakiramdam ko.

        The moment na dumating ako sa bahay ay nasa sala na si Dad. Kasama nya ang kanyang business partners.

        “June,” tawag nya sa akin kaya humalik ako sa kanya saka dumiretso na sa kwarto. Sa kwarto ko lahat binuhos ang luha ko. Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko.

        Ilang minuto pa ay may kumatok sa pintuan. Pinunasan ko muna ang mga luha ko saka nanalamin. Nagsuot din ako ng shades, sasabihin ko  nalang na nahang-over ako. Mas okey na iyong mapagalitan ako dahil uminum ako ng alak kaysa naman magtanong pa sila kung bakit ako umiiyak.

        Binuksan ko ang pinto at si Mama and pumasok. “Anong nangyari,” tanong nya agad noong makita nya akong nakashades. Bumalik kaagad ako sa kama pagkatapos ko syang pagbuksan  ng pintuan ng kwarto ko.

        Gustong kong umiyak noong nagtanong na sya. Gustong kong sabihin sa kanya ang mga nangyari, na winasak ni Jake ang puso ko pati na din ang pagkababae ko. Gusto kong magsumbong, pero hindi ko ginawa. Tinabunan ko nalang ng unan ang ulo ko.

        I welcomed the darkness na dala ng pagtatago sa anino ng unan ko. “Hang-over,” matipid kong sagot kay Mama para hindi nya mahalata na parang maiiyak na ako.

        “Really?” Tanong nya na hindi naniniwala. “You can be honest with me, pero kung ayaw mong sabihin I understand.” Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang syang magpatuloy. Sya na din naman ang nagsabing kong ayaw ko, hindi nya ako pipilitin.

        “Meron lang sana  kaming gustong sabihin ng Dad mo,” sabi ni Mama at nakinig lang ako without responding. “Medyo nakakagulat ito for you, you  might not agree pero it’s for your own good.”

        Huminto muna sya sa pagsasalita at sinuklay ang buhok ko.

        “You know anak that we will always do everything for your own good. This time, iyon pa din ang iniisip namin ng dad mo.”

        “Uhum...” sabi ko lang. Gusto ko na talagang mapag-isa pero ayoko namang pagsungitan si Mama kaya tiniis ko nalang.

        “Well we’ve set a date with Ferdy for you,” sabi naman ni Mama. Si Ferdy, the guy na anak ng business partner ni Papa. Isa sya sa mga tao sa salas kaninang pumasok ako.

        “Okay,” sabi ko naman. I don’t care na. Kung naging maganda lang sana ang kinahinatnan ng sa amin ni Jake, magrereklamo ako. Pero wala namang nangyari. Kaya fine, I’ll date Ferdy or kahit sino pa jan.

        “I think pareho naman kayo ng school ni Ferdy, so feeling ko magkakasundo kayo at mas magiging marami pa kayong oras na magkasama.”

“Okay...” matipid ko pa ding sagot.

“I think kilala mo iyong kapatid nya,” dagdag pa uli ni mama. I get it na, si Ferdy. I don’t have to know him right away but tiniis ko pa din. “Sya iyong...”

Nagisip pa si Mama bago nagsalita muli. “Kapatid nya iyong si Felicity.. iyon bang girlfreind ni Jake...na kuya ni Liz.”

        Ilang oras din akong nakatihaya lang sa kama thinking about my life at kung ano na ang mangyayari sa akin dahil nakuha na ng isang lalaki ang aking dangal.

        May magmamahal pa kaya sa akin? Paano kapag nalaman nila na hindi na ako virgin?

        Naligo ako, scratching myself and the dirt from my skin. And then lumabas na ako na nakasuot pa din ng glasses. Magpapagupit ako ng buhok. Ganoon naman daw eh, parang sign na dapat magmove on na ako. Alam ko mabilisan, sapilitan, pero dapat akong mag-move on.

        “Hey, you’re feeling better?” Si Mama ang bumati sa akin galing sa dining hall. Nandoon pa din ang mga bisita. At isang matangkad at matipunong lalaki ang hindi nakatakas sa aking mga mata.

        Ngumiti sya sa akin. Hindi ko naman sya ginantihan ng ngiti. Kapatid kasi sya ng umagaw sa Jake ko.

        But wait? Maybe this is revenge? Maybe this is fate?

        Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.

        Hindi na nga pala ako inocente. I’m a woman now, a changed person. And maybe it’s for the best.

        “Ferdy,” sabi ko sabay lapit sa upuan na nasa tabi nong sa kanya.  Bumalik na din ang mga tao sa pagkain, at nag-usap nalang kami ni Ferdy.

        Humanda kayo, Ferdy, Felicity at Jake. |End Chapter|

I hope nagustuhan nyo itong update na ito. I know it’s a little short pero ito lang ang nakaya ng powers ko. I still have to update my other stories kasi. ~Fhrell Cee.

Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon