MY BESTFRIEND’S BROTHER ni Fhrell Cee
19) – REVENGE PLAN
Hi guys… I’m back again and heto na ang update for this book. This is short but it gives a lot on another side of this story. Please VOTE and COMMENT plz. ~fCee
SHOUTOUT: for imjayzy salamat for waiting for the UD and for the comment and the vote. Naapreciate ko talaga. ~fCee
-****-
Lahat na nga ay sumasangayon na sa aking plano. Finally, sa tagal ng pagpapalakad ko ng project na ito, it’s now on the go. At tiyak akong magtatagumpay ako.
Iwan ko lang kung ano ang nasaiisip ngayon ni June and Jake. Especially kay June, nagbago sya ngayon.
Pero alam ko parin na may nararamdaman parin sya kay Jake, hindi lang niya ipinakikita.
“Hey little sis,” kumaway sa akin si Felicity, na kararating lang sa coffee shop.
Kumaway naman ako pabalik with my sweetest smile. Nagpunta agad sya sa couch na kaharap ng couch na inuupuan ko, at nilagay ang bag nya.
“I’ll just order something,” sabi nya saka pumunta sa counter. Maraming cakes and pastries and nasa display at favotire nya iyon.
Pagbalik nya ay may dala na syang number at resibo.
“What did you order?” Tanong ko sa kanya kasi parang ang saya-saya nya. “At bakit dito mo talaga gustong makipagmeet?”
“Bakit takot ka na makita ka dito ng napipisil na maging girlfriend ni Jake?” sabi naman ni Felicity.
“Of course not!” sagot ko naman agad. Pero sa totoo worried ako na baka makita ako ni June. It might have an effect sa plans ko pagnagkataon. At baka din marami syang itanong that I don’t want to answer just yet.
“So anong inorder mo?” Balik ko sa topic namin.
“Isang blueberry cheese cake,” sagot nya. “With a hot service crew,” and she winked at me.
“What?” at napatawa lang si Felicity.
“Ang dami kaya nilang cute na service crew dito,” sabi nya sabaw turo ng labi sa isang lalaking naka dark blue na medyo fitting at naka black apron.
Tinitigan ko ang lalaki na may dalang tray, he was cute. Maputi ang kanayang balat at matangos ang ilong.
“Half?” Tanong ko kagat labi syang tumango.
“Gaga, kaya pala gustong gusto mo dito,” napangiti naman ako.
“Hindi naman masamang magkape habang siniservisan ka ng mga magagandang lalaki ah,” sagot naman nya. “Nagbabayad naman kaya ako noh!”
At dumating na nga ang order nya na dala ng lalaking tinititigan nami kanina.
“One slice blueberry chheese cake and mediun hot capuccino for, miss babe,” sabi ng lalaki sabay lapag ng odrder ni Felicity.
“Jeric,” sabi naman ni Felicity at nakita ko nga na Jeric ang pangalan na nakalagay sa nametag ng lalaki. “I told you di bah, tanggalin mo na ang miss, babe nalang.”
“I’m sorry ma’am...” medyo namula ang lalaki. “Este babe pala.”
Napangiti naman si Felicity.
“Anything else po?” Tanong naman ni Jeric kay Fel at sa akin.
“Okay na,” sagot naman ni Fel. “And Jeric, tanggalin mo na din ang po, okay.”
“Yes...” nagaalangang sagot ng binata. “Babe?”
“Much beter,” at umalis na nga ito na medyo nagblush.
“Gaga ka talaga, kita mo namula tuloy,” sabi ko naman sabay ngiti. Pinigilan ko ang pagtawa baka maoffend si cute service crew.
“Cute nga sya pagnagbablush,” sabi naman ni Fel na kinilig-kilig pa.
“At anong pa-babe-babe pa,” tanong ko.
“Wala masarap lang pakinggan na may tumatawag sa aking babe,” sagot naman nya. “Iyan kasi ang problema ng pagiging single, wala nang nangangamusta sa iyon. Wala na dingtumatawag na babe.”
“Eh si Jake?” Tanong ko naman.
“Naku little sis, move on na ako jan,” explaina naman ni Felicity habang kumakain ng cake. “Jake is not for me. Friends nalang talaga kami.”
“But you kissed him?”
“Gaga, you’re the one who told me to kiss him,” sabi naman nya sa akin. “Akala o nga magagalit sya, buti hindi ako sinuntok.”
“May galang sa babae iyang si Jake, hindi yan nananakit,” sabi ko naman. And that’s true.
“Masakit kaya teh,” sabi naman ni Felicity.
“Sinaktan ka nya,” tanong ko naman. “But...”
“Gaga,masakit noong una. Pero nung sunod hindi na...” At napatawa kami.
“Ang bastos mo talaga no,” sabi ko aman sa kanya.
“Gaga, I’m in the right age na kaya,” sagot naman ni Fel. “And it’s love, so its okay. Basta ba hindi lang magkalaman, okay lang.”
“Hay naku, you’re so perverted,” pagsaway ko sa kanya.
“Pero maiba ako little sis, ano ba talaga ang plano mo?” Nacuriosu nyang sagot.
Wala pa kasi akong pinagsasabhina ng plano ko. Kahit si Felicity na naging kasangkapan ko in making it work ay wala ding alam.
“Secret pa muna, but you’ll see. It woould be a great show,” sagot ko naman.
“So, sumusunod ba lahat sa plano mo?” Hinipan ni Fel ang mainit na tasa ng kape.
Ngumiti lang ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
“Everything is according to plan,” sagot ko naman. “Ni hindi ko man lang kinailangang mag-hands on. Lahat ng pwesa sang larong ito ay gumalaw ayon sa plano ko. But not I guess kailangan medyo makialam naman ako. This is my time to shine.”
“Bakit mo ba ginagawa toh?” Tanong naman ni Felicity sa akin. “You know my reason, para maturuan ng leksyon si Jake. To make him feel what I felt. But ikaw, hindi ko alam kung ano ang dahilan mo.”
“Revenge!” sagot ko sa kanya with an evil smirk.|| itutuloy
Sana naman nagustuhan nyo guys. I hope maymagVOTE and COMMENT din.
SUSUNOD: “Jake...” Tawag ko sa kanya habang nakatalikod sya sa akin. Liminggon sya, at nakita kung malungkot ang kanyang mga mata. “Are you okay?”
“Bumalik ka nadoon sa Ferdy mo,” sabi nya sa akin at tinalikuran uli ako.
“Jake please, naman... alam mo naman di ba. I was just acting,” sabi ko naman. I lied. Dahil totoo naman talagang concerned ako kay Ferdy pero parang mas concerned pa ako for Jake.
“Masakit parin June...” sagot nya sa akin. “Masakit pa rin kahit alam kong hindi totoo dahil ang alam ng iba sya ang mahal mo at hindi ako.”
Pero di ba nga may Felicity na din sya. Nalulungkot ako at nagagalit... Pero masaya na din ako dahil nasasaktan sya because of me.
Kulang pa iyan Jake, kulang pa. ABANGAN~fCee.
BINABASA MO ANG
Bestfriend's Brother
Teen FictionROMANCE (Tagalog) || "Let me do the honors..." At bigla at hinawakan nya ako sa baba. Napatingin lang ako sa kanya, starstrucked sa ginawa nya. At nakita ko nalang na unti-unti nang lumapit sa mga labi ko ang mga labi nya. Medyo napanganga pa ako s...