16) Karibal ni Jake

661 11 1
                                    

KUYA NI BESTFRIEND ni Fhrell Cee

16) – KARIBAL NI JAKE

I think I lost some of my readers noong nagHIATUS ako sa storyang it nang ilang buwan... I’m back guys so please share this story... and promise weekly na talaga ang update, until matapus ito.

Dedicated to @EmjeyTorres for being the last one to vote! Thanks sa vote!

Actually medyo walang kwenta ang chapter na ito...

*Jake*

Haaaay, bakit ba umalis nalang basta ng walang paalam si June? Wala man lang tuloy akong goodbye kiss. Sabi ni Liz nagmamadali daw. Bakit kaya?

Nahihiya kaya siyang makita ako matapos ang nangyari sa amin? Nakakahiya ba talaga iyon? Parang hindi naman ah.

Iyong iba ngang girls halos ipagsigawan na nga na may nangyari sa amin kahit wala naman. Hindi ko talaga maintidihan minsan si June. Pero alam ko, hindi pa kami tapus. May karugtong pa ang love-story namin.

Maaga pa akong pumunta sa school. Pareho lang naman kami ng school eh.  Fourth year sya sa High School ako naman college na sa kursong engineering. Magkalayo nga ang college department sa hig school department pero iisa pa din ang entrance kaya hindi maaring hindi ko sya makasalubong just in case bantayan ko sya sa entrace ng school, just in case lang naman hindi ibig sabihin babantayan ko na sya.  

Naisipan ko na ding bisitahin sya kahapon noong nalaman kong umuwi sya. Kaso baka maging masyadong halata na. I think we should give it time for people to cope up at realize na may namamagitan na nga sa min ni June.

Baka kasi sabihin ng kuya ni June na kaya ko ginagawa ito dahil sa past nila ng kapatid ko. Bakaisipin noon paglalaruan ko lang ang kapatid nya para makaganti. No, at hindi ko parlalaruan si June. I know I care for her, I don’t know lang if love na ba ito.

Hindi naman ako ganoon kaaga. Nagising ako 4:00 para magprepare. Ang morning routine ko eh mag jogging, mag exercise sa mini gym namin sa bahay at kumain ng breakfast. Hindi pa din bumabalik ang parents namin kaya kami lang ni Liz ang nasa bahay. I prepared food for her at kagigising nya pa lang ng paalis na ako.

“Ang aga ah...” sabi pa noong kapatid ko na nakapajama habang kamot ng kamot sa buhok. Parang hindi babae kung umasta. Bahala sya.

“I’m going,” sabi ko sa kanya. “Magtaxi ka nalang,” at umalis na ko. May sinabi sya pero hindi ko nanarignig.

Dumating ako sa school 6:30, hindi naman masyadong maaga. Guto ko lang kasi na hindi mamiss ang pagdating ni June sa school. Ang parking lot ng school ay malapit naman sa gate kaya kahit sa harap lang ako ng kotse ko na nakikinig sa mp3 playlist ko kitang kita ko pa din ang mga taong dumadaan.

Dumating na ang alasiete at wala pa din si June. Si Liz naman wala pa din. At ilang sandali lang ay may pumarada sa tabi ng sasakyan ko. I know the car, familiar ito.

Bumaba sa backseat si Liz.

“Oh, akala ko bussy ka?” Tanong nito sa akin while removing her shades. Nakuniform ito noong para sa girls ng high school department: blue skirt na hangang tuhod at long sleeved blouse na may blue necktie.

“Iyon pala tatambay tambay ka lang dito,” kinuha nya ang bag nya sa loob ng sasakyan.

“Kanino...” bago pa man ako matapus magsalita, magtatanong sana kung kaninong sasakyan sya nakisakay ay nakita kong lumabas si Ferdy. Si Ferdy ang nakakatandang kapatid ni Felicity, third year college na ito sa school namin.  

Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon