Flashback

527 12 0
                                    

Chapter 31:

Artemis POV

October 30 na at heto padin ako walang ginagawa kundi ang magscroll up at scroll down sa social media. Nasa office ako ngayon at nakatunganga dahil pagkatapos ng tatlong wedding at yung wedding ko na nakastand by ay wala pa kaming wedding na nahahandle ulit. Hindi ko naman pwedeng tawagan at paountahin si Dave dito kasi busy siya sa work niya lalo na malapit nang mag-undas. Hayy. Bakit kasi hindi ako busy! Tumingin ako sa wall clock ko at nadismaya. Pinagsisisihan ko na tumingin pa ko sa orasan 12:30 pm palang mga 5 hours ko pang di makikita si Dave. Namimiss ko na siya.

Halos kainin na ako ng kalungkutan nang biglang nagring yung cellphone ko. Nagflash ang mukha ni James kaya sinagot ko agad yung tawag niya

"ART!" sigaw niya kaya inilayo ko agad ang cellphone ko sa tenga ko

"Hoy bakit ba?" tanong ko habang paikot-ikot na isinusulat ang isang linya.

"Art! Kasi si Jastin.." putol niyang sabi

"oh? Anong meron sa hayop na yon?" tanong ko

"nakatakas siya Art!" sabi ni James

"ha! Ano! Paano?" tanong ko

"HAHAHAA JOKE LANG!" sabi niya

"g*go ka" sabi ko sa kanya

"haha. Alam ko. Anyway, ipapatapon na saw siya sa rehab center sa ibang bansa." sabi niya

"ha? Pwede ba yon?" tanong ko

"nangyari kay Jastin baka pwede. Alam mo naman na mayaman ang angkan nun basta sa sapat na halaga makakalayas ka dito sa bansa. Oo nga pala balita ko gumagamit daw yung drugs." sabi niya

"di na ko nagtaka kung bakit ganun yung kilos niya. May sasabihin ka pa?" tanong ko

"art, pupunta ko dyan. May kailangan kasi akong itanong personally. Actually malapit nako. Bye I love you! Mwuah!" sabi niya at ibinaba ang tawag.

Nako ang lakas ng loob niyang nag i love you sa akin kasi alam niyang wala si Dave sa tabi ko. Tss. Pero kamusta na kaya di Dave?

Maya maya nga lang ay dumating si James at may dalang dalawang box ng donuts. Kinuha ko yung isang box at binuksan iyon. Halos magningning yung mata ko nang makita ko na puro chocolate yung binili niya. Teka..

"anong kailangan mo?" straight forward kong tanong sa kanya

Saglit itong napakamot sa ulo bago nagsalita..

"kasi.. Art, baka naman pwede mong ipatawag yung secretary mo." sabi niya sa akin

"bakit? Anong kailangan mo?" tanong ko

"Yung pangalan ba ng secretary mo Beatrice Paloman?" tanong niya

"oo. Bakit?" tanong ko

"eh ilang taon na siya?" tanong niyang muli

"23 lang. Bakit ba?" tanong ko

"sagutin mo muna ako pwede. So, may boyfriend ba siya?" tanong niya

I rolled my eyes as I speak to him. Nakakaurat na ah. Daming tanong, hindi ko maenjoy tong donuts dahil sa tuwing pakagat na ko ay siya namang tanong niya. Tss.

"walang boyfriend yon. Bakit ba kasi?" tanong ko ulit

"basta. Dali na please Art, ipatawag mo na siya! Para rin to sayo. Pagnagka-anak ako ninang ka. Dali na Art." sabi niya

Tumango na lang ako para makain ko na yung donuts na dala niya at kinuha yung telepono sa harap na agad na nakakonekta sa secretary ko.

"Bea, pumunta ka dito." sabi ko

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon