Plans And Prints

573 17 0
                                    

Chapter 24:

DAVE POV

Halos 2 days na yung nakakalipas simula nang ibigay ni Art yung number niya kay Jastin. Wala naman itong ginagawa kay Art kaya okay lang pero hindi parin ako kampante. Ngayon ay linggo at tulad ng ipinakangako ko kay Art, sasama ako sa wedding na inorganize niya.

"love! Bilisan mo dyan." sabi niya mula sa sala.

Nasa kwarto kasi ako ngayon at nagsasapatos. Naka semi formal attire ako kasi ganun daw yung theme ng kasal na pupuntahan namin. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad akong lumabas at pumunta sa sala. Nakita ko si Art na nakaupo sa couch. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"done?" tanong niya

"yeah. Lets go?" tanong ko

Tumayo ito at kinuha ang hand bag niya sumabay siya sa akin aa paglabas ng condo. Nang nasa sasakyan kami ay nakatutok lang siya sa tablet niya. Sandali kong sinilip lung ano yung ginagawa niya.

Hanggang ngayon sinisigurado niyang tama lahat ng mangyayari sa wedding mamaya.

"ang tahimik mo yata" tanong niya habang nakatingin sa tablet niya

"eh busy ka eh. Baka maistorbo kita." sabi ko

"Okay lang I can do multiple things at the same time." pagmamalaki niya sa akin

Tss.

"anyway, akala ko ba yung susuotin mo yung hollow dress na color gray? Bakit yang Lace na long dress na color white yung sinuot mo?" tanong ko

"wala lang. Agaw atensyon pagnaggray ako isa pa, two inches above the knee yon kaya naman di bagay yon para sa event." sabi niya habang nakatingin padin sa tablet niya.

Tama naman. May point.

Nang makadating kami sa cruch ay naging busy na talaga si Art, habang ako nasa gilid lang ng simbahan kasama yung iba niyang staff. Ilang sandali lang ay tumahimik na ang loob ng simbahan kasabay ng pagtugtog ng wedding song. Nagsimula nadin ang paglalakad ng groom, mga abay, ninong at ninang, mga flower girls and ring bearer. Nang matapos iyon ay lahat ng tao nakatingin sa malaking pintuan kung saan sa kabilang dako nito ay naroon ang bride. Ilang sandali lang ay bumakas ito at kasabay ng pagsilip ng liwanag ay ang paglakad din ng bride papunta sa groom niya. Nasa magkabila niyang sode ang kanyang magulang upang ihatid siya sa magiging asawa niya. Tumingin ako sa groom na hindi na mapigilan pa ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tss. Pag-ako kinasal. Ipinapangako kong hindi ako iiyak!

Nang makarating ang bride sa tabi ng groom ay tumuloy ito sa altar at nag-umpisa na ang seremonya. Maya maya lang ay tumabi nadin sa akin si Art habang nakatingin sa Altar. Hindi kami nag-usap ni Art hanggang sa matapos ang seremonya at dumako na sa pagbibigay ng vow. Nauna ang groom.. Pagkabigay ng mic sa kanya ay sandali niyang pinunasan ang luha na umaagos sa kanyang mata bago nagsalita.

"Giselle, The first time I laid my eyes on you. Sinabi ko na dapat kitang pakasalan hindi dahil maganda ka lang, matalino, kundi dahil alam kong sa umpisa palang ikaw na ang destiny ko. Napacorny ko mang pakinggan pero wala. Pagdating sayo lagi akong corny. Hindi ko ipopromise na magiging perfect husband ako sayo pero gagawin ko ang lahat, just to be the right husband, best friend, partner at kung ano ano pa. I love you sweetheart." saad niya

Isinuot nung Groom yung singsing sa bride after nun ay sumunod naman yung bride para sabihin ang vow niya.

"Nate, Thank you for being my life savior when I'm about to give up. Noong una di ako naniniwala na may magmamahal sa akin ng totoo at sobra sobra tulad ng ginagawa mo. I will always be by your side. To support, help and make you happy. I know that after this day, we will face a lot more problems in life pero, asahan mong kasama mo ko haharap sa mundo holding your hands tightly and gently. Di ako magsasawang tumawa sa corny jokes mo. Di ako magsasawang maging bestfriend, asawa, at partner sa buhay mo. I love you sweetheart." saad niya at isinuot din ang singsing sa groom and in just a flash.. Kasal na sila..

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon