EpilogueArtemis POV:
Halos 1 month nadin ang nakakalipas ng maikasal kami ni Dave. Napagdesisyunan naming dito na ko sa bahay niya or should I say namin tumira. Hahaha.
Ngayon ay first christmas naming dalawa as huband and wife kaya super excited na talaga ako. 24 na nang umaga parehas kaming walang work kaya nakatambay kami ngayon sa kusina para magluto ng mga napagplanuhan naming lutuin.
"love tikman mo to dali." sabi niya habang niluluto yung Caldereta saglit kong iniwan yung niluluto kong pininyahang manok at lumapit sa kanya kinuha niya yung kutsara ang nagscoop sa niluluto niya, hinapan ito at pinatikim sa akin.
"eh... Sarap talaga love." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"sure ka? Feeling dapat ko pang lagyan nung liver spread." sabi niya
Umiling ako dahil kapag nilagyan niya yon ay aanghang na yung Caldereta sapat na yung sakto lang. Pagtapos nun ay bumalik ulit ako sa pagluluto nung chicken. Afternoon na nung natapos kaming magluto. Medyo madami kaming niluto kasi pupunta daw sila mama at mommy para maki-celebrate, pupunta din daw ai James kasama yung soon to be girlfriend niyang si Bea, yung secretary ko.
Nasa sala kami ngayon at nagpapahinga habang nanonood ng t.v. Nakaakbay siya sa akin habang yakap yakap ko siya.
"love.. Anong regalo mo sa akin?" pag-oopen ko ng topic dahil sa halos 5 days na kinukulit ko siyang sabihin yung regalo niya ay di niya sinasabi sa akin.
"sabihin mo muna yung iyo, tapos sasabihin ko yung akin." sabi niya
"sabihin mo muna yung iyo bago ko sabihin yung akin." pagrerephrase ko sa sinabi niya.
"ginaya mo lang ako eh." sabi niya at isinandal ang ulo niya sa ulo ko na nasa balikat niya
"ano nga kasi yung iyo? Ang daya mo naman eh. Limang araw ko namg tinatanong yung sa regalo ko tapos di mo sinasabi. Daya." sabi ko
"ilang araw ko na ring tinatanong yung regalo mo sa akin pero lagi kang nagchachange ng topic.oh sige sabihin mo kung sino yung totoong madaya." sabi niya akin.
Nanahimik nalang ako at nanood sa t.v.
Dave POV:
10:30 pm dumating sila mama naka-ayos na lahat ng pagkain sa lamesa. Tapos nakapag-bihis nadin kami ng Art. Maya maya lang ay sununod nadin si James kasama ai Bea at may dala silang bilao. Dagdag daw nilang pagkain dahil makikikain sila dito. Habang naghibintay mag-12 ay binuksan ni James yung karaoke ko at kumanta. Halos mabasag lahat ng glasses sa bahay ko nang kumanta na si James. Miski ear drums namin dahil sa sobrang sintunado ng kanta niya. Nang di na makapagpigil si Kuya fred ay inagaw na niya ang mic kay James at siya na ang nagpatuloy ng kanta. Naki-sing along na din ang buo naming pamilya habang si Art, busy sa pagkain ng ubas. Feeling ko talaga mauubos yung ubas namin nang hindi umaabot sa new year eh. Pang-ilang bili ko na yan.
Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya
"love.. Baka bumili nanaman ako ng ubas bukas niyan." sabi ko sa kanya
"eh? Kaya nga bumili tayo ng ubas para kainin hindi para idisplay tsaka tayo naman dalawa laging bumibili kapag nagkukulang yung prutas eh. Okay lang yan." pagdadahilan niya sa akin.
"oo na. Oo na. Papayag akong ubusin mo yan basta kiss mo ko." sabi ko sa kanya
Humarap siya sa akin at sandali akong hinalikan. Ayiiieeee.
"I love you." sabi ko sa kanya.
Saglit muna siyang ngumuya bago nagsalita.
"I love you too!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
A Wedding Planner
RomanceKinasal ang ex niya sa bestfriend niya at sino ang nag-organize ng kasal? Edi siya. Pero ang akala niyang heartbreaking na sandali ay siya palang umpisa ng bagong pag-ibig nang makita niya si Dave.