Changes

1.4K 29 1
                                    

Chapter 3:

Artemis POV:
Matapos parehas na makapagshower ay parehas kaming nahiga sa kama ni Dave. Wala namang kaso ang laki ng kama dahil queen size bed ito. Ngunit ang ideyang nasa iisang kama lang kami ay siyang di nagpapahinahon sa utak ko. I know Dave since elementary. Magkaschool mate kami that time, section 1 siya section 2 ako kaya madalas kaming magkita. Pero di kami close. Until high school, 1st year magkatabi lang yung room namin and tulad ng dati section 1 siya section 2 ako. Parehas na nasa star section kami at madalas na pinag-iisa ang section namin kapag may school activity. Medyo nakakausap ko na siya noon, pero we treated each other as acquaintance. Pero naging magbest friends kami nung nag 2nd year high school dahil sa parehas na kaming section 2 napadalas ang pag-uusap namin, kulitan, asaran at kopyahan. Hanggang sa magtuloy tuloy yun sa college. Parehas kami ng course na kinuha nung college, engineering. Pero bakit ako, wedding planner? Tas siya engineer na? Kinuha ko ang course na yon para meron akong degree at posibleng back up plan kapag nagdecide akong iwan ang pagiging wedding planner. In short I'm engineer by profession but I'm working as wedding planner.
"hey" tawag nito sa akin

"bakit?" sabi ko

"wala. Anong iniisip mo." sabi niya

"wala. I'm just remembering things about past." tugon ko

"tss. Wag kang iiyak ah." pang-aasar nito

"bobo. Bat ako iiyak? Hampasin kita dyan eh." saad ko sa kanya

"okay okay. Whatever. Anyway, may itatanong pala ako." sabi niya at tumagilid pa para tumingin sa akin

"what?" tanong ko

"yang color brown na stuffed toy na yan bago yan right? Nasaan na yung niregalo ko sayo na si Pinky?" tanong niya habang tinuturo pa yung yakap yakap kong stuffed toy.

Okay, first and foremost, hindi ako nakakatulog nang walang yakap na stuffed toy. Pangalawa, si pinky ay isang pink na human size teddy bear niregalo niya sa akin yon nung nag-18 ako, now I'm 23 so? Halos 5 years nang nasa akin yung teddy na yon.

"nasa kwarto ko yun. Siya yung yakap ko lagi kapag matutulog ako. I just don't bring her kapag ganitong may over night kasi ang laki laki kaya." sabi ko at humarap sa kanya.

I can see how blessed Dave are. May mahabang pilik mata, yung kilay niyang alagang alaga.. Yung mata niyang nangungusap, yung ilong niyang pango. Haha. Di medyo matangos naman tas yung labi niyang laging may lip balm hahaha. Kaya di nakakapagtakang gustuhin to nung high school pati college eh.

"kadiri na siguro yon, isipin mo 5 years mo nang yakap yakap so, ibig sabihin natuluan mo na ng laway mo yun. Yuck. K--ara-ouch! "

Di niya na natapos ang sinasabi niya dahil pinaghahampas ko siya. Bwiset to. Usong labahan yung stuffed toy na yon.

"alam mo bwisit ka dahil sayo monthly akong napapamahal dahil lagi kong pinapalaundry yon. Paano hindi kasya sa washing machine ko. Dapat nung binigay mo sa akin yon may lifetime cash supprot din sa pagpapalaundry ko nun!" sabi ko at itinigil ang paghampas sa kanya

" arte mo. Balik mo nalang sakin si pinky kung gusto mo." sabi niya at ngumit pa

" bat ko ibabalik? Regalo mo sa kin yon, kaya akin yon. Tss." sabi ko at humarap muli sa kisame.

Matagal na namayani ang katahimikan sa buong kwarto rinig na rinig mo ang pagdaan ng preskong hangin sa sobrang tahimik. Akala ko tulog na siya kaya tumingin ako sa side niya and to my surprise, nakangiti ito habang pinagmamasdan ako.

"hoy anyare sayo? Ang creepy mo." sabi ko para matauhan siya

"nagsalamin kana ba ha? Yung mukha mo ang creepy jusko." sabi niya at tumingin sa kisame. Umayos ako nang pagkakahiga at tumingin din sa kisame.

"what if ikaw yung kinasal ngayon no?ano kayang hitsura mo? Ano kaya ako sa kasal mo?" sunod sunod na tanong nito.

"sympre sobrang ganda ko sa kasal ko no. Hello, once in a lifetime yon kaya paghahandaan ko talaga. Tsaka ikaw? Kahit anong mangyare, ipaglalaban ko na ikaw ang gawing maid of honor sa kasal ko." sabi ko at pumikit pa habang ngumingiti na tila ba iniimagine ang sarili kong kasal.

" mali.." sabi ni Dave

Kaya agad akong lumingon sa kanya na may pagtataka sa aking mukha, anong sinasabi niyang mali?

"Mali na ako ang maid of honor mo, dapat..." pabitin nitong sabi

"ano? Pari ka ganun? Haha." pangunguna ko

"hindi" sagot niya kasabay ng pagpapalit ng masaya niyang mukha sa bored niyang mukha.

"eh? Sponsor kita! Owmayghad! Salamat sa walang sawang suporta best friend!" sabi ko with matching kumikislap na mga mata. Mayaman kasi tong lalaking to ang daming bigating projects kaya limpak limpak ang pera niya sa tatlong iba't ibang bangko.

"hindi rin." sabi niya

"laa? Ninong kita? Owshet. Ang bata mo naman para maging ninong ko? Hahah." sabi ko

Mariin itong pumikit na tila ba nagpipigil na magalit. Laaa.

"pwede bang patapusin mo muna ko. Wag mo kasing hulaan yung susunod kong sasabihin okay?! Panira ka naman eh!" sabi niya

"o-okay.." sabi ko at nagpeace sign.

Narinig ko ang mahinang pagmumura nito bago muling nagsalita.

"so as I was saying, mali ka.. Hindi dapat ako ang maid of honor mo.." putol nitong sabi

"eh ano?" tanong ko.

"dapat.. Ako ang ikakasal sayo. Ako ang magiging asawa mo." sabi niya tapos biglang tumalikod sa akin

For some moment I was stunned and shocked because of what he said. Nagbalik lang ang kaluluwa ko sa dati nang bigla siyang magsalita muli.

"good night. Dream of me." sabi niya at pinatay ang lampshade na nagbibigay liwanag sa side niya.

Yung kaninang utak ko na hindi mapakalma ay lalong nagkagulo at nakisabay pa ang puso ko. What the heck.

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon