Stay Or Leave

697 14 0
                                    

Chapter 32:

Dave POV:

Habang nasa daan papunta kay Art ay agad kong tinawagan si Bea. Kaso nakakailang missed calls na ako ay hindi pa rin siya sumasagot. Last na talaga. Kapag hindi pa siya sumagot di ko na siya tatawagan. So I dialed her phone number again and this time sa pagtunog ng ikatlong ring ay sinagot na niya ito.

"Finally! You answered! Kanina pa ako tumatawag sayo pero bakit di mo sinasagot. Pero di bale na. I badly need your hel--- wait.. Bakit di ka nagsasalita? Hello?" tanong ko mula sa kabilang linya

I heard first some sound of chains bago may sumagot

"hello pare.. Wazzap?"

Tabong ng isang tao na pamilyar yung boses. Teka..

"James?!" halos hindi ko makapaniwalang tanong

"yah. So, bakit ka tumawag?" casual niyang tanong sa akin

"Bakit na sayo yung phone ni Bea? Tsaka nasaan siya? May kailangan kaming pag-usapan." sunod sunod kong tanong.

"actually pare, katabi ko siya. Naka-kadena yung kamay niya sa headboard ng kama ko. Ilang beses kasi niyang balak tumakas. Ayan tuloy. Bakit pare? Ano bang problema?" tanong niya

"T*ngina pare! Psychopath ka ba? Bakit mo itatali si Bea sa kama mo!" sigaw ko

"pare kasama sa paglaki yon, wag kanang maraming tanong ano bang gusto mong sabihin kay Bea ha? Iniistorbo mo kami eh. Or kung gusto mo bukas ka lang tumawag." suhestyon ni James

"oo na. Sabihin mo nalang sa kanya na kausapin ako bukas. T*ngina pare buhayin mo yan ah!" sabi ko

"oo na. Ewan ko sayo bye!" sabi niya at ibinaba ang tawag.

Bakit ba magkasama si Bea at James? Kailan pa sila naging close! Matapos ipark yung sasakyan ko sa parking space ng shop Art ay agad akong bumaba at pinuntahan siya. Pagdating ko sa opisina niya ay puro chocolate na balot ang naiwan.

"love.." tawaga ko sa kanya na busy sa pagcocomputer.

"LOVE!" sigaw niya at nilapitan ako tapos hinalikan ako sa pisngi.

"love", kinain mo lahat ng chocolates na yan? " tanong ko

"yes love. Bakit?" tanong niya

Daming energy nanaman nito tskk.

"wala. Wala. Wala. Halika na umuwi na tayo. Pero linisin mo muna yung table mo." utos ko sa kanya.

"kaaaay!" sabi niya at inumpisahang linisin yung table niya. Pagtapos ay agad din kaming umuwi. The whole ride ay expected kong salita siya nang salita dahil sa sobrang chocolates na kinain niya at tama nga ako, walang tigil siyang salita nang salita hanggang sa makarating kami ng bahay. Pagpasok namin sa loob ay agad na humiga si Art sa sofa.

"sofaaa! Namiss kitaaa!" sabi niya at hinimas himas pa yung sofa.

"nababaliw ka nanaman." sabi ko

"lagi naman akong nababaliw sayo eh." sabi niya at dumapa sa sofa.

Kaasar. Babanat banat pa tss.

"wag ka nang kiligin diyan magluto kana ng pagkain. Nagugutom na ko." sabi niya at binuksan ang t.v.

Sinong kinikilig? Tss. Tsaka bakit parabg kung makautos to alila niya lang ako. Hello! Fiancé niya ata ako!

"ano? Di ka pa kikilos? Bilisan mo na. Nagugutom na ko love.." sabi niya at nagpout pa.

Kainis. Kung hindi ko lang to mahal kanina ko pa to iniwan. Umakyat muna ako sa kwarto at saglit na nagpalit. Bumaba ulit ako at nagtungo sa kusina para magluto. Habang nandoon ako ay biglang pumasok si Art at umupo doon sa stool bar.

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon