Last Time

752 13 0
                                    

Chapter 33:

Artemis POV:

"ma'am." tawag sa akin ni Bea at iniabot ang mga folders na may lamang files tungkol sa isang couple na kinuha kami para iarrange yung kasal nila.

"eh ayos naman na pala lahat ng papers nila eh. Tapos yung simbahan na pagkakasalan nila dun din kami ikakasal ni Dave soon, kaso yung reception nila dun lang kami magkaiba. Bakit nga pala tayo ang kinuha nilang wedding organizer? Di ko naman sila kilala." sabi ko

" ma'am malay mo naman inirecommend tayo. Tsaka nga po pala, gusto nila ng forest theme sa wedding nila. Hindi na daw sila pupunta dito para icheck yung venue pati yung ayos sa simbahan gusto nila na isurprise natin sila." pagpapaliwanag sa akin ni Bea

"malamang di na pupunta yon dito eh halos ayos na yung wedding nila, may catering na, may gowns and suits na sila, tapos yung papers nila buo na pati yung wedding invitations. Yung designs nalang talaga pati venue yung problema eh. Tsaka ano? Forest theme din? Napapaghalataan ko nang walang originality yung couple na to ah." sabi ko kay Bea

" eh ma'am hindi lang naman ikaw at si Sir Dave ang may gusto ng forest theme. Anyway, speaking of Sir Dave kamusta na kayo ma'am? 4 days na simula nang umalis siya para sa business meeting ba yon?" pang-uusisa ni Bea sa akin

"dami mong alam eh no. Okay naman siya doon. Nag-iisnow na daw doon kaya sobrang lamig. Sabi ko nga sa kanya subukan niyang humanap ng babae don para painitin yung gabi niya baka doon ko siya ilibing. Kung nilalamig siya gumamit siya ng heater." sabi ko.

"napaka-dominant mo talaga ma'am. Paano na kaya kayo kapag mag-asawa na?" tanong ni Bea

"ganun padin. Di naman namin kailangang magbago eh. Wait lang. Hindi mo padin kasi sinasagot yung tanong ko eh. Anong nangyari sa inyo ni James! Ano yung court na sinasabi niya? Ano yung nababalitaan kong kinadena ka niya? Ano ba yun Bea ha." pangungulit ko sa kanya.

Magsasalita na sana siya kaso biglang nagring yung cellphone niya. Sumenyas siya sa akin na lalabas na daw siya kaya tumango nalang ako. Hayy. Naiintriga na talaga ako sa dalawang yon eh! Panira naman kasi yung tumawag na yon. Tss. Kung sino man yon, sana magkaubo siya tss.

Wala akong nagawa kundi magtrabaho nalang. Dahil halos one week nalang bago ang wedding nila kaya eto ako, feeling runner. Hinahabol yung oras. Tss.

Bea POV

Agad akong lumabas at sinagot ang tawag niya.

"Hello po." sabi ko

"kamusta, okay na ba lahat? Maayos niyo ba yon?" tanong niya

"Yes po. In just one week, sure na pong ikakasal kayo sir." sabi ko

"sige ha. Asahan ko yan. Sige na, tinatawag na ko ng boss ko." sabi niya at pinatay na ang tawag.

Ilalagay ko na sana sa bulsa yung phone ko nang bigla ulit iyong tumunog..

"HELLO PO MASTER."sarcastic kong sagot sa tawag niya

"Bakit hindi ko matawagan yung phone kanina pa ha?! Sabi busy daw! Ano yan ha! Sino yung kausap mo!" sunod aunod niyang sigaw.

"pake mo kung sinong kausap ko ha. Bakit kailangan kong ireport sayo? Bakit police ka ba ha?" sabi ko at pinatayan siya ng tawag.

Tss. Kabanas. Nakakainis talaga yung lalaking yon! I compose myself as I go back to the team.

"ano? Kamusta? Push daw ba natin?" tanong ni bakla.

"oo okay naman daw eh. Kaya ngayon umpisahan na natin ang Project AD." sabi ko at umupo na sa pwesto ko

Buong araw kaming puro trabaho at babad na babad sa computer. Mga 6 pm na din nang lumabas si Ma'am sa opisina niya at kasabay naming umuwi. Pagalabas ko ay nakaabang doon yung pestwng lalaki na yon habang nakasandal sa kotse niya

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon