CHAPTER 1:
Artemis POV:
"First and foremost, I want to thank my dearest bestfriend Artemis Santillian for being our wedding planner, Art thank you for making this day possible and ganito kabongga. Hindi talaga kami nagkamali for choosing you as our wedding planner. Thank you so much. To my mom and dad, and to my relatives at sympre to my new family salamat po sa lahat. To our guests thank you po for being the witness of this precious day of our lives. Thank you and have fun!" sabi ni JessieAgad na nagpalakpakan ang mga bisita at may isang pinatunog ang kaniyang baso dahilan para gayahin ng iba. Ito ang indikasyon na maghahalikan sila sa harap ng mga tao. Agad na nagtingan ang dalawa, dahan dahang lumalapit ang kanilang mga mukha sa isa't isa. Palapit, nang palapit, nang palap----
Natapos ang pagdadaydream ko nang biglang sumulpot si Dave sa harap ko at tinakpan ng malaki niyang katawan ang bagong kasal.
"Mr. De Vera, nakaharang ka po." sabi ko sa kanya.
"hayy. Ano ba yang mukha mo. Iiyak kana oh." sabi niya at ngumisi pa
"hahaha. As if no. Teka nga kung nandito ka para mangbwiset dun kana. May trabaho pa ko." sabi ko
Nagkunwari itong nasasaktan at nagsabing,
"hindi mo na ba ako mahal? Ganyan kana, dahil ba tumanda na tayo. Grabe ka art! Sinasaktan mo ko!" sabi niya
"bwiset ka talaga kanina kapa eh." sabi ko
Agad itong ngumiti na nakapagpawala ng mata niya. Tss. At ipinatong kamay niya sa ulo ko.
"ayan, okay kana. Pero ang pangit mo padin haha!" sabi niya kasabay ng paggulo ng buhok ko. Agad itong tumakbo palabas ng resort kaya hinabol ko ito upang sundan. Sa kakatakbo ay nakarating kami sa garden ng resort. Tumigil si Dave sa pagtakbo at medyo lumayo sa akin.
" bakit mo ba ko hinahabol ah? " tanong nito
"lagi mo kong trip. Kanina ka pa sa simbahan tapos ngayon. Alam mo bang almost 30 minutes kong inayos yung buhok ko tas just a couple of seconds ginulo mo." sabi ko sa kanya at mabilis na lumapit, inambahan ko siya ng suntok ng bigla niyang mahawakan ang kamay ko.
" alam mo art.. " sabi nito
" ano? Bitawan mo nga ako!" sabi ko at nagpupumiglas.
" kahit saang anggulo ang pangit mo hahaha. Kitang kita yung dark spots mo oh pati black heads kadiri." sabi nito at natatawa pa
"WALANG HI---" di ko natapos ang sinasabi ko ng biglang sumigaw ang secretary ko
"MA'AM NANDITO KA LANG PALA! HINAhanapkanaposalo-----" di niya natapos ang sinasabi niya nang makita niyang kasama ko si Dave at malapit kami physically sa isa't isa.
"ah.. Eh?? Ahhh.. Ma'am, ano.. Uhmm. Ano po, punta ka nalang don ma'am sige po." sabi ng secretary ko at nagmamadaling umalis.
Nagkatinginan kami ni Dave at natawa nalang sa inasal ng secretary ko hahaha.
"hinahanap kana pala." sabi ni Dave at binitawan ako
"mauna kana sa loob." sabi ko
"eh ikaw?" sabi niya
Itinuro ko ang magulo kong buhok at isa isang tinanggal ang mga hair pins.
"sunod ka sakin." sabi niya at naunang lumakad.Sa di kalayuan ay may upuan at lamesa, pinaupo niya ako at siya na mismo ang nagtanggal ng mga hair pains sa buhok ko
"ginagawa mo?" tanong ko
"di ba obvious? Ibabraid ko yung buhok mo." sabi niya at may kinuha sa suit niya.
Iniabot niya sa akin ang isang hair accessory na may design na butterfly ang cute!
"hawakan mo" sabi niya
"san mo nakuha to?" tanong ko
"may nagtinda saking bata niyan kanina ayun, binili ko. Di ko alam na magagamit ko pala ngayon." sabi niya.
Ilang minuto din akong naghintay dahil sa pag-aayos niya sa buhok ko. After some time,
"tapos na." sabi niya
"talaga? Thank you." sabi ko
"ang pangit mo." sabi niya at ngumisi.
"kahit kailan talaga." sabi ko nalamang.
"halika na sabay na tayong bumalik sa loob." sabi niya at naglakad.
Sinundan ko siya sa paglalakad at kinulit bilang ganti sa panggugulo niya sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
A Wedding Planner
RomanceKinasal ang ex niya sa bestfriend niya at sino ang nag-organize ng kasal? Edi siya. Pero ang akala niyang heartbreaking na sandali ay siya palang umpisa ng bagong pag-ibig nang makita niya si Dave.