Chapter 16: DEMON ART
Artemis POV:
Nakaramdam ako ng sunod sunod na paghalik sa mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang mukha ko at nakita si Dave. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. Bigla kong naalala na nasa sala pala kami kaya mabilis kong tinanggal ang pagkakayap ko sa kanya at tumingin sa paligid baka makita kami nila mama. Awkward kaya yon. Pero napansin kong nasa kwarto pala kami. Eh? Pano nangyari yon?
"pano tayo napunta dito?" tanong ko sa kanya
"nakatulog kana agad, kaya dinala na kita dito." sabi niya sa akin at muli ako niyakap.
"anong oras na ba?" tanong ko sa kanya
"Shh. 5am pa lang. Wag kang maingay. Matutulog pa ako." sabi niya kaya yumakap din ako sa kanya at muling ipinikit ang aking mga mata.
Muli akong nagising dahil sa ingay ng tubig na galing sa CR ng kwartong ito. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Sakto naman ang paglabas ni Dave mula sa CR kung saan nakatapis lang parte ng katawan niyang di dapat makita. Naka ilang lunok ako kasabay ng bawat pagtulo ng tubig sa buhok niya.
"oh, gising kana pala. Maligo kana tanghali na." sabi niya at pumunta sa cabinet niya para kumuha ng damit habang ako sunusundan lang siya ng tingin.
Isinara niya ang pinto at nagsuot ng t shirt. Tumingin siyang muli sa akin at kumjnot ang noo.
"oh bakit? Hindi ka ba tatayo diyan?" tanong niya
Ilang beses akong napakurap bago muling nagsalita..
"h-ha? A-ah! Hehe. Oo nga. Eto na oh. Tatayo na nga." sabi ko at sinipa ang kumot tapos tumayo na. Pumasok agad ako sa CR at nilock iyon.
Hoy Artemis! Ano bang nangyayari sayo ha?! Si Dave lang yon, na bagong ligo!
Sabi ko sa sarili ko at biglang nagflash back yung hitsura ni Dave kanina paglabas niya ng CR...
Yung katawan niyang pinapadaus-uusan ng tubig na galing sa buhok niya.. Tapos yung perfectly shaped na balikat niya.. Yung leeg niya.. Grabe..
T-teka! Potek ka Artemis! Anong pinagsasabi mo! Pinagnanasaan mo ba si Dave ha?! Yung lalaking yon! Hoy Artemis umayos ka nga! Hindi porket engaged kana sa kanya di ibig sabihin nun na dapat mo na siyang pagnasaan! Siya padin yung bestfriend mong si Dave na walang ibang ginawa kundi pagtripan ka. Ano ba!
Sabi ko sa sarili ko habang nakasandal sa likod ng pinto. Halos, dumoble ang tibok ng puso ko nang kumatok at magsalita si Dave.
"love, mauna na akong bumaba sayo ah. Titingnan ko muna sila mama."
Huminga muna ako ng malalim dahil sa sobrang kaba at tsaka nagsalita.
"sige love.. Susunod nalang ako." sabi ko sa kanya
Pagtapos noon, ay narinig ko ang kanyang yabag at pagbukas ng pinto. Dahn dahan kong binuksan ang pinto ng Cr upang tingnan kung naroon pa siya sa loob ng kwarto. Nang masigurado kong wala na siya ay lumabas ako ng CR, kumuha ng damit ko sa iilang damit na nasa cabinet ni Dave at ang tuwalya at pumasok na sa CR para maligo.
After 30 minutes ay bumaba ako sa first floor at sumalubong sa akin si Kuya Arc na may dalang ice cream isang gallon ata yon. Tumingin ito sa akin sandali tapos dire-diretsong pumunta sa sala.
"oh Art, buti naman bumaba kana. Halika ka na dito at kumain kana." sabi ni tita ay hindi, mommy pala.
"hayy nako Art, ganyan ba ang gagawin mo sa bawat araw kapag nag-asawa kana? So ano? Si Dave na ang gagawa sa bahay? Hoy Artemis hindi kita pinalaki para maging b---"
BINABASA MO ANG
A Wedding Planner
RomanceKinasal ang ex niya sa bestfriend niya at sino ang nag-organize ng kasal? Edi siya. Pero ang akala niyang heartbreaking na sandali ay siya palang umpisa ng bagong pag-ibig nang makita niya si Dave.