Chapter 19:
Dave POV
Sabay naming kinalabit ang gatilyo at lumabas ang mga tubig.. Dumaplis ang itinira ni, Santillian sa tabi ko samantala, tumama sa huling buhay ni Santillian ang huling patak ng tubig na inilabas ko. Mabilis na napunit ang papel. Kasabay nito ay ang pagsabi niya ng kanyang huling salita..
"Paalam, De Vera."
Matapos sabihin iyon ay dahan dahan siyang nag collapse sa harap ko. Humandusay siya sahig habang nakangiti. Agad ko siyang nilapitan. Parang dinurog ang puso nang makita si Art na nasa ganitong sitwasyon.
"love.." tawag ko sa kanya habang yakap yakap siya
"love gumising kana please." sabi kong muli.
"love.." sa pag kakataong ito ay hindi na napigilan ng mga luha ko na magsitulo.
"love... Patawarin mo sana ako... Love... LOVE!!!" sigaw hanggang sa humagulgol na ako ng iyak..
Naramdaman ko na may nangalabit sa balikat ko. Tumingin ako at nakita ang staff na nagbabantay sa lugar na ito.
"bakit?" tanong ko
"sir nakakaistorbo na ho kasi kayo para sa mga susunod." sabi niya at tumingin sa kasunod namin
"ay tapos na ba ang oras namin dito?" tanong ko
"opo mga 3 minutes na po." sabi niya.
Pinunasan ko ang luha ko sa mga mata tinapik ang balikat ni Art.
"art, tapos na daw tayo dito. Dun na tayo sa last session natin." sabi ko sa kanya
Iminulat ni Art ang mata niya at umupo.
"ano? Magaling na ba yung acting skills ko?" tanong ko
Ginulo niya ang buhok ko at tsaka nagsalita.
"yeah. Mananalo kana ng award niyan." sabi niya sa akin
Natawa kaming dalawa sa mga pinaggagawa namin, nang umubo yung staff at naalala naming kailangan na nga pala naming umalis
"tara na. Parang imbis na marelax ako eh lalo lang nagkatension yung buong katawan ko dahil sa ginawa natin kanina." sabi ni Art
Tumayo ako at hinila ang kamay niya para makatayo din. Bago umalis ay binigyan namin ng tip yung staff para naman matuwa siya kahit papaano. Pagtapos noon ay umalis na din kami para pumunta sa last session namin. Iniabot ng isang staff yung mga tuwalya na siyang susuotin namin for last session. Sabay kaming nagpalit ni Art ng damit pero sa magkaibang CR sympre. Pagtapos noon ay pumasok kami sa iisang kwarto kung saan naghihintay yung magmamassage sa amin. Nahahati yung kwarto ng isang silhouette na kurtina na hanggang sa balikat lang namin. So bale nakikita pa din namin ang isa't isa habang inuumpisahan na ang massage.
*Kinabukasan*
Narinig ko ang pag-alarm ng cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at pinatay ang alarm. Muli kong niyakap si Art na nasa tabi ko at tulog na tulog. Sobrang sarap ng tulog namin ngayon dahil sa massage na pinuntahan namin kahapon. Matapos nga pala kaming magpamassage kahapon ay umuwi nagpunta muna kami ng simbahan bago umuwi sa condo ni Art at nagpahinga na. Gusto ko pa sanang magstay sa tabi ni Art kaso, lunes na. May pasok na kami, kaya di kalaunan ay tumayo nadin ako at pumunta sa Cr sa labas ng kwarto ni Art. Sandali akong nagtooth brush at hilamos tapos nagtungo na ako sa kusina para maghanda ng breakfast namin ni Art. Binuksan ko ang refrigerator ni Art at humanap ng pwedeng lutuin.. Hmm.. Mayroon siyang bacon, tapos tocino.. Tapos hotdog.. Tapos.. Teka? Bakit puro process meat yung nandito sa loob ng refrigerator niya? Wala man lang siyang chicken or pork? Tapos yung itlog naman tatlo lang?
BINABASA MO ANG
A Wedding Planner
RomanceKinasal ang ex niya sa bestfriend niya at sino ang nag-organize ng kasal? Edi siya. Pero ang akala niyang heartbreaking na sandali ay siya palang umpisa ng bagong pag-ibig nang makita niya si Dave.