Jastin

581 12 0
                                    

Chapter 21:

Artemis POV:

Dahil walang nangyari sa walang hiyang plano ni Dave na biglang magpasakal este pakasal ay umuwi nalang kami. Sabi ko sa kanya kanina na papasok nalang ako sa work pero ayaw niya. Sabi niya nagpaalam naman na daw kami na hindi papasok kaya wag na daw kaming pumasok. Diba? Napaka-Bad influence ng lalaki to. Tss. Tapos ang landi landi pa kanina. Jusko. Papagilitan ko na talaga ng ulo to!

Pumasok kaming dalawa sa condo ko. Nauna akong pumasok  at pagod na pagod na unupo sa sofa haayy. Umaga palang pero stress na ko. Tumabi si Dave sa akin at inakbayan ako. Tinanggal ko yung kamay niya at lumipat sa single couch. Bahala kang mag-isa dyan.

Tumayo ito ay pilit na ipinagsisiksikan yung sarili niya sa couch na inuupuan ko. Tumingin ako sa kanya ng masama kaya ngumiti ito at nagpeace sign sa akin tapos umupo ulit dun sa mahabang sofa. Tss.

"love.. Pansinin mo ko." sabi niya

Bahala ka. Ang lakas ng loob mong yayain ako ng Civil Wedding tapos ang lakas din nang loob mong makipaglandian. Aba. Iba ka din ah. Di ko siya pinansin at pumikit nalang habang minamasahe ko ang sintido ko. Kainis.

Nagulat ako nang biglang may humawak ng kamay ko at ibinaba iyon. Pagkatapos ay siya na mismo ang nagmasahe sa ulo ko.

"sorry na. Dali na kasi love. Bati na tayo." sabi niya

"ano bang naisipan mo at gusto mo agad magpakasal?" tanong ko

"eh? Ano kasi... Ahm... T-teka! Oo nga pala walang laman yung ref mo kundi process food. Bakit ganun ha? Ikaw napaka-unhealthy mo. Tumayo ka dyan bibili tayo ng laman ng ref mo." sabi niya sa akin

Iminulat ko ang mata ko at tinitigan siya.

"wag mong baguhin ang usapan. Sagutin mo yung tanong ko." sabi ko

"dapat mo na nga sigurong malaman.." sabi nito sa akin

Medyo naguguluhan man ako ay tumingin lang ako sa kanya.

"sabi kasi ni mama tsaka mommy dapat pagbalik nila may apo na sila." sabi niya habang nakatungo

"DAHIL LANG DON?! GUSTO MONG MAPATAY KITA DAVE HA!"

"TSAKA SYMPRE KASI MAHAL NGA KITA.." sabay niyang sigaw sa akin

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. At pinabayaan siyang magsalita..

"ayokong gumawa ng kasalanan sayo okay. Alam kong ayaw mo pa hangga't hindi tayo kasal, pero Art sa halos gabi gabing katabi kita matulog. T*ngina grabe yung pagpipigil ko. Tapos kapag naman weekends at magkasama tayong dalawa sobrang tempt na tempt na ko sayo." pagpapaliwanag niya

" so, edi wag na tayong tabi matulog. Wag mo na kong kausapin, tingnan, alalahanin at higit sa lahat gawing girlfriend."  walang buhay kong sabi sa kanya

" Art naman eh, alam mo namang di pwede yun ikaw yung gusto ko, yung mahal ko. Kaya nga hanggang ngayon nandito padin ako eh." saad niya

" oh yun naman pala eh. Kapag natetempt ka pa magdasal ka. Jusko yun lang sagot sa problema mo hindi yung yayayain mo kong magpakasal agad. Ihahampas kita sa pader eh." sabi ko

Lumapit ito at niyakap ako tsaka nagsalita..

" sorry na. Bati na tayo please." sabi niya

Okay na sana eh. Kaso..

"Alam mo naman sigurong galit nanaman yang ano mo." sabi ko dahil naramdaman ko nanaman yung ano niyang matigas. Bwiset.

"sh*t. Wait punta kong Cr. Mag-ayos ka maggogrocery tayo."

Matapos sabihin iyon ay pumunta na ito ng Cr. Sus. If I know kung anong gagawin niya don.. Nagpalit ako ng simple black loose v neck shirt at denim short na halos 3 inches above the knee tapos pinusod ko ang buhok ko at hinintay siya.

DAVE POV:

Pagpasok ko sa loob ng Cr ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Muling nag flashback sa isip ko yung sinabi ni James kagabi.

Flashback

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Sinong walang hiya namang tumatawag. Nanaginip na akong nakikipag ano kay Art eh. Panira tss.

Sinagot ko ang tawag kahit hindi ko tiningnan kung sino iyon

"oy Dave! Pare musta?" tanong ni James

"bakit. Panira ka alam mo yun." sabi ko

"bakit nagsesex ba kayo ni Art? Wow grabe, ikaw ka pare."komento niya

Bwiset to.

" ano ba kasi yon? Natutulog na ko eh" sabi ko sa kanya

"pare may reunion yung batch natin nung high school. Lahat daw aatend pati si Jastin yung first love ni Art. Nako pera humanda kana. May kasabihan diba, first love never dies. Nako baka ikaw ang madie kapag iniwan ka ni Art. Haha. Good night pare ayabyoo." sabi ni James at pinatay ang tawag

Napatingin ako kay Art na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

Ako naman na diba Art.

End of flashback

Dahil nga sa sinabing yon ni James ay nagcome up ako sa ideyang magpakasal kay Art kahit civil lang muna para atleast akin na siya totally bago sila magkita ni Jastin, pero.. Wala eh. Nagalit lang siya. Hindi naman kasi ako magkakaganito kung di dahil sa Jastin na yon eh. Papatayin ko talaga yun. Tsk. Gusto ko din namang ikasal sa simbahan pero p*ta isipin ko palang na maagaw si Art sa akin papatayin ko talaga umagaw sa kanya.

Nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan. At tsaka nagsalita si Art.

"love! Ang bagal mo. Bilisan mo yang milagrong ginagawa mo dyan." sabi nito

At walang ano ano ay muli nanamang nabuhay yung ano ko kaasar! Muli kong ginagawa ang ginawa ko kanina Tss.

Diba diba! Wala pang ginagawa si Art kung ano ano nang nangyayari sakin pano pagmay ginawa pa siya. Hayyy

Paglabas ko ay nakita ko si Art nagpalit ng damit. Okay naman yung suot niya fashion style niya iyon eh. Di ko hilig mangealam sa fashion style niya. Basta masaya siya sige lang.

"lets go." sabi ko

Sumunod ito sa akin at sabay kaming pumasok ng sasakyan.

Sasabihin ko ba? Wag nalang kaya? Hayyy.

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon