Almost

947 14 1
                                    

Chapter 9:

Artemis POV

Lumipas ang gabi na tila minuto lang sa akin. Hindi ako nakatulog kakaisip kay Dave. At dun sa mga pangyayari kahapon. Hindi pa nga kami official pero ganun na agad. Pano pa pagnaging kami? Nasa malalim akong pag-iisip tungkol sa amin ni Dave nang biglang pumasok si Bea ang secretary ko sa loob ng opisina ko na may dalang boquet of chocolates.

"ma'am pinabibigay daw po." sabi niya habang ngiting ngiti. Palibhasa, alam niya ang halos lahat ng kaganapan sa buhay namin ni Dave. Ang daldal din kasi ni Jessie.

Kinuha ko ang boquet at inilapag ito sa lamesa ko. Nakita din naman ng mata ko ang isang card kaya binuksan ko ito at binasa..

* Hindi ako nakatulog kagabi. Hindi dahil sa iniisip ko ang mga nangyari ngunit dahil wala ka sa tabi ko. I love you
-Dave*

Nakisilip din si Bea at biglang tumili..

"ma'am Ayiiie!" pang-aasar nito

"hay nako. Natapos mo na ba yung table and reception arrangement para dun sa kasal ni Mr. and Mrs Guillermo?" sabi ko sa kanya

Ngumiti ito sa akin at nagoeace sign tsaka lumabas ng opisina ko. Ibinalik ko naman ang card sa loob ng boquet at tinext si Dave.

" Busy ka? " - me

" hindi. Bakit? "-Dave

" pwede tumawag? "- me

" yes. "- Dave

Agad akong tumawag sa kanya. Isang ring palang ay sinagot na niya ang tawag ko.

"yes po?" tanong niya

"thank you." tanging sambit ko

"natanggap mo na pala, ano andyan ba yung letter? Diba pangdiskarteng gwapo. Ano? Nafafall kana ba?" biro nito

"kapal mo. Hindi no. Haha." sabi ko

"susunduin kita mamaya ah. May pupuntahan tayo." sabi niya

"okay." sabi ko

"okay.. I love you so much." sabi niya at agad na binaba ang tawag.

Tinext ko siya at tinanong kung bakit niya binaba agad yung tawag. Pero hanggang ngayon di padin nagrereply. Problema kaya nun? Nahuli ng boss niya? Eh? Baka matanggal siya dahil sakin!?

I heard knock on my glass door at pumasok si Bea kasama ang isa sa bago kong clients. Tumayo ako at pormal na nakipagkilala.

"Good morning, I'm Artemis Santillian your weeding planner and coordinator. I suppose you had meet my team outside?" tanong ko sa couple na nasa harap ko

"oh yes. By the way I am Jane and this is Carlo my fiancé." sabi ni Jane at inilahad ang kamay.

"then, lets take a seat and start our agenda." sabi ko

Umupo kami at nag-umpisang planuhin ang wedding nila.

After almost 2 hours ay natapos na din namin ang meeting. Saktong 12 noon na din kaya after nilang umalis ay nagpa-order ako kay Bea ng pagkain namin para sa opisina.

Habang naghahanap ako ng template para sa wedding invitation ay nakatanggap ako ng tawag. Nagflash ang mukha ni Dave sa screen kaya sinagot ko na agad.

"Kumain kana?" tanong niya

"hindi pa. Kakaorder ko lang." sabi ko kasabay ng pagtipa ng keyboard

"naririnig ko na hanggang ngayon nagtatrabaho ka padin. Kumain ka ha. Ang payat payat mo. Puro ka nalang buto buto kaya no wonder kapag may nakakakitang aso sayo tahol ng tahol kasi nga tatakam sayo hahaha." pang-aasar niya

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon