Start Of Longest Night

1.7K 32 1
                                    

Chapter 2:

Artemis POV:

Natapos ang wedding celebration nila jessie around 11 pm. Agad na nagligpit ang caterer, kumuha din kami ng tagalinis ng venue dahil dito nga kami magstastay hanggang bukas ng hapon. Habang busy ang lahat sa paglilinis at pag-aayos ay pumunta ako ng kitchen at nagtimpla ng chocolate drink. Napabuntong hininga ako habang humihigop ng chocolate drink dahil narin sa pagod. Finally, tapos na ang isang stressful event! Hayy.

Dave POV:

Habang nasa garden lahat ng college classmates namin at nagkukwentuhan napansin kong wala si Art. Tumayo ako at nag-inat. Maglalakad sana ako papasok sa loob resort nang marinig ko ang pagbanggit ni Peter isa sa mga classmate namin ang pangalan ni Art.

"Gag*! Maganda naman si Artemis eh. Gusto ko ngang ligawan eh." sabi niya at uminom ng alak.

Psh. Nako, siguradong lolokohin mo lang si Art.

"Pre, hanap ka nalang ng iba. Wag mo na isama si Art sa listahan ng g*nag* mo." sabi ko

"oo nga! Wag yung bestfriend ko pete, hanap ka nalang ng iba." gatong na sabi ni Jessie

Psh. Bestfriend? Tanga! May bestfriend bang ginawang asaw yung ex ng bestfriend niya. Tss.

Lalakad na sana ako papasok ng bigla akong tawagin ni travis.

"hoy! San ka pupunta. Wag kang tatakas." sabi nito at iniaabot pa ang baso niyang may lamang alak.

"Natatae ako, sama ka?" sabi ko at di na hinintay ang sagot niya at tuluyang iniwan ang garden.

Hinanap ko sa loob ng resort si Art, at nakita ko siyang nasa kitchen at tila pagod na pagod. Lumakad ako papunta sa kanya at nakita niya rin naman ako.

"bat nandito ka?" tanong ko

"wedding planner nila ko malamang nandito ako." sarkastikong sagot nito.

Ang pangit talaga. Tss.

"ano yang hawak mo?" tanong ko

"baso." sabi niya.

"alam ko." sabi ko

"bat ka pa nagtatanong? Tss. Bobo." sabi nito at inirapan ako.

"ibig kong sabihin ano yang iniinom mo. Ano ba yan!" sabi ko

"chocolate" sabi niya at ipinakita ang laman ng baso.

Oo nga pala, di nga pala to umiinom ng gatas dahil daw may bad experience siya.

Ang arte arte talaga ang pangit naman. Tss.

Tinalikuran ko siya at naghanap ng baso para magtimpla ng kape. Kaso wala akong makitang tasa. Tssk. Ano ba yan. Binuksan ko lahat ng cabinet sa side ko pero wala akong ibang makita kundi plato. Nilingon ko si Art na busy sa pagkalikot sa cellphone niya. At sa isang iglap, nahanap ko ang mga tasa nasa cabinet sa ibabaw ng ulo ni Art. Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya. Siguro ay napansin niya ang paglapit ko kaya napatigil siya sa pagcecellphone at tumingin sa akin.

"anong ginagawa mo?" tanong niya nang walang kaemo-emosyon

"lumalapit." sabi ko at ngumisi.

"okay." sabi niya at muling ipinagpatuloy ang pagkalikot sa cellphone niya

What the hell?! Yung ibang babae kapag nilalapitan ko halos lumabas na yung vocal chords kakatili pero siya dedma lang. Tss.

Pinabayaan ko siya at lalaong lumapit, binuksan ang cabinet at kumuha ng tasa. Lumayo ako aa kanya at nagtimpla ng kape. Muli akong bumalik sa pwesto ko kanina na kaharap siya. Tinititigan ko siya habang umiinom ng kape habang siya ayun dedma. Busy kaka-cellphone. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at sa buong kitchen.

Parehas kaming nagulat nang biglang may kumalabog galing sa sala. Agad kaming pumunta doon at nakita ang ilan naming college classmates na nagsisigapang dahil sa kalasingan. Tss.

"hooy! *hik* hehe... Artemis, Dave I *hik* love you!" sabi ni Renz at binalak pang tumayo kaso wala di na niya kaya. Inalalayan siya ng iba naming classmates at parang mga pagong na nagsipuntahan sa kwarto nila. Hahaha.

"ano na?" tanong ko kay Art.

"anong ano?" balik na tanong niya sa akin

"paano tayo?" tanong ko

"aakyat na ko. Ikaw?" tanong niya

"aakyat na din." sabi ko

Sabay naming inilagay sa sink yung tasang ginamit namin at sabay na umakyat sa second floor.

"san kwarto mo tsaka sinong kashare mo?" tanong ko
"left side, si xyra. Ikaw?" tanong niya
"right, si James." sabi ko
"sige na good night!" sabi niya at agad na tumalikod
"good night." sabi ko at tumungo na din sa kwarto ko.

Sa pagbukas ko ng pinto agad akong napamura nang may  nakita akong gumagawa ng milagro sa loob nito. Agad kong sinara ang pinto at pumunta sa hagdan kung saan naghiwalay ni Art kanina. Takte! San ako matutulog nito? Habang nag-iisip ay biglang lumabas si Art at may dalang stuff toy.

Artemis POV:
Pagpasok ko ay tumambad sa akin si Jasmine pati si Xyra na magkatabi. Tss. Ano ba yan. Kinuha ko ang stuffed toy ko na kasama ko lagi sa pagtulog at lumabas ng kwarto. Sa pagkakaalam ko sa right side yung kwarto nila Jasmine. Pagbalik ko sa hagdan ay nakita ko si Dave na nasa hagdan lang.

"ginagawa mo dito?" tanong ko

"ha? Eh, kasi si sheena nasa kwarto ko."sabi nito at nagkamot pa sa ulo.

" ah parehas pala tayo, si Jasmine din eh. Andun sa kwarto ko. Pano pala yan? Saan ka matutulog?" tanong ko sa kanya

"sa kwarto nalang siguro ni Sheena." sabi niya

"o sige." sabi ko.

Habang naglalakad ay bigla kong naisip yung pagkakaayos ng kwarto sa amin. Sa pagkakatanda ko si Sheena at Jasmine ang magkaroom. So ibig sabihin..

Napahinto ako sa tapat ng pintuan ng kwarto nila Jasmine at Sheena at tinitigan si Dave.

" oh bakit?" tanong niya at ngumiti pa.
"magkaroom mate si sheena at Jasmine. So it means, magkasama tayo sa isang kwarto." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang ilaw. Umupo sa kama at tinanggal at sapatos niya. Tsaka sinabing,

"okay lang naman diba, besides di na bago sa atin to. Nangyari narin naman to few years back and take note sa tent pa yon ah." sabi niya at tinanggal ang necktie niya. Tumungo ito sa Cr, bago tuluyang isara ang pinto ay may pahabol pa itong sinabi..

"don't worry di kita gagapangin baka nga ako pa gapangin mo. Pero kung sakaling gapangin man kita, may proteksyon ako. Hahaha." sabi niya at iwinagaygay pa ang isang sachet ng condom.

Walang hiya talaga!

Mabilis kong binato sa kanya ang kung anong malapit na nahawakan ko ngunit mas mabilis niyang naisara ang pinto at doon sa loob ng CR tumawa nang tumawa. Hayyy. This maybe one of my longest nights!

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon