The Battle Continues

628 13 0
                                    

Chapter 18:

Artemis POV

Nakita ko kung paano naapektuhan si Love.. Ayiiiieee. Haha. Dave na nga lang kinikilig ako eh.  Anyway back to the topic. Nakita ko kung paano siya naapektuhan sa mga sinabi ko. Sympre joke lang naman yung sinabi ko. Malay ko ba dun kung bakit niya sineryoso. Hahaha. Halos fifteen minutes na ang nakalipas simula nang pumasok kami sa battlefield. Oh diba career na career yung labanan kahit activity room lang talaga to. Ay teka! ano ba Artemis! Focus! Nasa gyera ka!

"mamatay ka nang maaga niyan eh!" di ko napigilan na lumabas sa bibig ko yung iniisip ko.

Nagulat ako ng biglang may tumamang tubig malapit sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakita si Love.. Ayiiieee. FOCUS! Nakita ko siya na nasa bandang kanan ko sa medyo mataas na parte ng battlefield. Grabe ang gwapo niya talaga. Hayyy. Future husband ko yan! Sigaw ko sa utak ko ng biglang pinaulanan niya ako ng tubig. Potek.

Mabilis akong tumakbo palayo sa pinagtataguan ko kanina at gumawa ng plano. Narinig ko pang sumigaw si Dave! At sinabing..

"Hoy Santillian! Walang magagawa yang pagtatago mo. Harapin mo ko!" sigaw nito

Aba. Ang lakas ng loob niyang tawagin ako sa apelyido ko? Pero keri lang. Gwapo talaga siya grabe! Mabilis namang nagpaulan ulit si Dave ng tubig at this time, nabutas yung isang papel ko na nasa right side ng bewang ko.

" wag ka kasing papatay patay Santillian. Kapag ganyan ka, baka tuluyan kitang mapatay." sabi niya sa akin at bago pa ako maganti ay agad siyang nagtago.

Ganito pala ang gusto mo De Vera ha. Sige. Pagbibigyan kita. Minsan lang naman diba. Baka pwedeng wag muna si Art na halos di makabasag pinggan yung ipakita natin. Baka pwedeng si Art muna na demonyo. Sa isang iglap, nagbago ang goal ko. Imbis na paglaruan lang si De Vera sa loob ng apatnapu't limang minuto ay iba na ang plano.

BRING DE VERA DOWN.

Agad akong tumakbo habang nagpaplano. Hindi na pwedeng mabawasan pa ako ng buhay. Kailangan sa susunod naming pagkikita mabawian ko siya. Hinanap ko siya kung saan saan ngunit hindi ko siya makita. Nakita ko naman ang isang malaking stack ng mga cubes agad akong umakyat doon at hinanap si De Vera and to my surprise naroon lang siya sa di kalayuan. Mabilis kong inasinta ang isang buhay niya na nasa likod ng balikat niya at sunod sunod itong binaril. Nabutas ang isang papel indikasyon na nawalan siya ng isang buhay. Mabilis siyang gumanti ng putok ngunit agad akong nakapagtago. Sayang ang opurtunidad dahil isa lang sa dalawa niyang buhay sa balikat ang nabutas ko. Pero atleast nakabawi na ako. Hahahaha. De Vera.. Umpisa palang ng laban.

Bumaba ako sa mataas na lugar na iyon at muling hinanap si De Vera. Halos limang minuto na akong tumatakbo ng bigla ko siyang makasalubong.. Mabilis kong punutukan ang isa sa mga buhay niya sa kanyang bewang. Napunit ito agad na siyang nagpahina sa kanya. Napaupo ito sa sahig at hindi nakasagot sa pagpapaputok ko sa kanya. Mabilis akong nagtago kung saan dahil mamaya lamang ay muli itong mabubuhay dahil may dalaw pa siyang buhay na natitira. Agad kong chineck ang mga buhay ko at nahulat nang isa nalang pala ang natitirang  buhay ko. Pero... Pa-paano? Nag flashback sa akin ang lahat simula nang matanggalan ko siya ng isang buhay. Sinadya niyand hindi patamain sa akin ang sagot niyang mga tubig dahil pinatama niya iyon sa salamin na nasa likod ko nung nasa taas ako ng patong patong na cubes, matapos tumama sa salamin ay lumipat ang trajectory ng tubig sa aking buhay sa bandang likod. Nakaplano din na makasalubong niya ako at magkunwaring hindi na siya nakasagot sa pagbaril ko sa kanya ngunit ang totoo ay pagtalikod ko ay mabilis niyang tinarget ang isa ko pang buhay sa likod. Tss. F*ck! Isa nga palang engineer ang kalaban ko malamang gagamit ng utak yan!

Tumagal ang pagtatago ko ng halos ten minutes at masusing nagplano para sa last move ko na siyang ikakapanalo ko. Ang tanging buhay na meron nalang ako ay yung nasa left side ng bewang ko. Habang siya ay meron pa sa likod at sa right side ng bewang niya. Muling umalingawngaw ang boses niya sa battlefield nang sumigaw ito.

"Santillian, ano ha? Magpakita ka. Bakit? Takot kana? Kasi isa nalang yung buhay mo? Hahahahaha! Do not underestimate me Santillian!..."

"Never akong natakot sayo De Vera. Hahaha"

"Talaga? Lumabas ka kung saang lugar kamang nagtatago Santillian.." sabi niya habang bumabaril sa paligid niya

Habang naglilitanya ito ay agad din akong sumugod sa likod niya. Pinutok ko ang baril malapit na malapit sa papel kaya isang tama lang ay agad itong napunit. Mabilis ding umikot si De Vera upang barilin ako ngunit agad akong nakaiwas kaya nagtago ako malapit sa kanya at ganoon din naman siya.

"Good shot Santillian! Pareho na tayong isa nalang ang buhay. Pero kaya mo kayang takasan ito." sabi niya at sunod sunod na nagpaulan ng tubig kasabay ng paglapit niya sa akin. Agad akong umalis sa pwesto ko at tumakbo ngunit napaatras ako ng makita ang isang pader na nagsasabing wala nang lusutan ang lugar kung saan ako tumakbo.

Humarap ako sa kanya at para itong asong nababaliw na. Ngumiti ito nang malademonyo habang nakatutok ang baril niya sa akin.

"suko ka na ba Santillian?" tanong niya

"suko mo mukha mo De Vera. Di ako sumusuko sa laban. Bala ikaw ang dapat sumuko." sabi ko sa kanya

Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang malaking monitor. Sabay kaming napatingin at nakita ang pulang ilaw.

"limang minuto nalang." sabay naming sabi at muling inihanda ang baril para sa huling pagtama sa target.

"any last words De Vera?" tanong ko

"maybe its you who needs to say the last words, Santillian" sabi niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. No De Vera, its you. Sa saktong pagtunong nang mahabang buzzer indikasyon na dalawang minuto nalang ang natitira ay siyang pagkalabit namin sa gatilyo. Sabay na lumabas ang tubig mula sa aming mga baril.. Ngumiti siya sa akin at ganundin naman ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang kapaguran.

Dito na nagtatapos ang lahat. Makakapagpahinga kana De Vera.

"Paalam, De Vera."

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon