I feel really bad today pagkatapos kong mareceive ang message ni butter ko about Vash na walang malay again. So instead na maglupasay at magdrama sa wall, gumawa ako ng paraan para hindi makasama ang lalaking yun. Isa syang malaking panggulo sa buhay ko! "Ang OA ko yata dun ha." Bulong ko saking sarili pagkatapos tignan ang paligid ng opisina ko. Isa akong Linux at hinding hindi ako magpapatalo. Mabilis na bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa doon ang isang babae from HR department dala ang mga documents galing sa meeting, kasama na roon ang mga detalye sa new projects at collaboration with Macintosh-- well, sino pa ba? edi si Nathan.
"Madam, ito na po ang mga hinihingi ninyo na pipirmahan." Maikling sabi ni Jane na nakangiti.
"Pakilapag nalang dito, Miss Jane. Thank you." Mabait na sabi ko. "Teka. Diba hina handle mo ang schedules ng Accounting Department?" Pagtatanong ko, bongga dahil nakaisip kaagad ako ng paraan para dito. Agad namang tumango si Jane na may halong pagdududa.
"Yes, madam. May ipapabago po ba kayo?"
"Actually, yes, meron. Can you please assign Mr. Vash sa new Project in Makati? It is a good opportunity for him to have this."
Biglang gulat ni Jane at agad nanlaki ang mga mata sa mga salitang sinabi ko. Well, I smell something fishy here. I raised my perfectly knitted eyebrow in confusion as her cheeks turned pinkish.
"M-Madam-eh kasi, paano nalang po ang naka a-assign kay Sir Vash dito?" Pag iwas ng tingin ni Jane habang kagat kagat ang ibabang labi. Aba, it looks like may third wheel agad, ha?
"Just do what I say, Miss Jane. I'll tell Vash personally about this project." Sabi ko with matching a bit of pagtataray, well nahahawa na yata ako kay Nathan sa pagiging maarte nya minsan. Itinuon ko ang atensyon ko kunwari sa laptop, isang sign na pinapaalis ko na ang empleyado ko.
"Y-yes, Ma'am."
Mabilis nyang sabi sabay alis sa opisina. Nakahinga naman ako ng maluwag at pagkatapos ay kinuha ang phone ko para I check kung nakarating na ang big news kay Nathan. Ilang minutes pa ang lumipas, nag ring ito-and well, speaking of the devil, it is HIM. Nagpabebe muna ako bago ko sagutin after three rings.
"Claire speaking." Patay malisya kong sabi para hindi obvious na nag aanticipate ako na marinig ang boses nya.
"Girl! Nathalie itech. Wititit makakasama ang bufra ko! Sabi nya may work opportunity daw syang nakuha today!" Pagsigaw ni Nathan sa kabilang linya na parang nagdadrama. Nag pout ako ng marinig ang maninipis nyang boses. "Huhubells, girl, it looks like tayo nalang dalawa ang matutuloy ditech, ha?" Pahabol ni Nathan na agad namang ikinangiti ko na parang clown.
"Mabuti naman-" Ay shet nadulas ako dun. "I mean, kung ganun, edi mabuti naman na matutuloy tayo." Well, bigkas ko habang nagpipigil ng tili dahil sa wakas after all these years, magagawa ko na rin ang mga plano ko.
"Dapat lang! OMG, ang mahal mahal kaya ng bayad ko don and isa pa, last ko ng manlilibre dahil sagot mo ang accommodations, okay? Sa inyo naman ang resort!"
"What? Nagbibiro ka ba? Sabi mo sayo lahat ng expenses? Butter ko naman eh!"
Kahit kelan napaka kuripot ni Nathan kahit mayaman sya-ugh!
"Don't call me that! Hindi ako star margarine or dairy cream para maging isang mantikilya lang. Ang ganda ganda ko kaya!"
Napa pout ako sa pagtataray ni Beks-well, I don't care what he is going say, let the storm range on, the cold never bothered me anyway. Che. "Butter ko." Pagsabi ko ulit, narinig ko naman ang iritasyon sa boses ni Nathan. "Isa pang tawag mo sakin nyan, I will make sure to bring you in hell."
BINABASA MO ANG
How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETE
HumorMapaglaro talaga ang tadhana, kapag ikaw ang natipuhan ni kupido, naku! yari ka na. Ang mundo talaga weird, pero sa ka weirduhan nito baka doon mo pa makita ang taong para sa iyo. At dahil ang puso ay walang pinipili, maaari kang mahulog kahit na ba...