Chapter 11

11.1K 347 112
                                    

Mabilis namin narating ang MacOs Hospital nila Java, Python at Lucy. Hindi ako mapalagay sa nangyayari sa pamilya ni Nathan, tila ba parang may isang sumpa ang bigla nalamang dumikit sa kanila. Siguro mangkukulam talaga si Vash na walang malay kaya pati si butter ko nadadamay sa mga black magic niya!

Mariin akong binatukan ni Java na agad kong ikina pout sa kaniyang tabi. I gave her a dagger glares pagkatapos ay gumanti rin-ganyan kami magmahalan ng kaibigan ko. "Aray, bakit ka ba nananakit?"

"Bruha ka kasi, kanina ka pa bumubulong dyan sa gilid tapos nakakunot pa ang noo mo. Malay ba naming kung na exorcist ka na, jusko kang babae ka." Wika ni Java habang minamasehe ang kaniyang sintido. I did not response pero itinuon ko ang atensyon ko kay Lucy. Napansin kong pinapanood niya lamang ang ka weirduhan namin ni Java.

"Uhm, I think we should go, girls. Nag-aalala na ako kay tito Gabriel, hindi daw maganda ang lagay nito ayon sa doctor kong kaibigan na nag check-up sa kaniya." Saad ni Lucy. Bakas sa kaniyang mga mukha ang tunay na pag-aalala dahil sa nabalitaan. Bakit naman kasi kung kailan nangyayari ang mga bagay na ito, eh nawawala ang shoklang 'yon! Inis na tanong ko sa isipan. Mabilis kaming bumama sa loob ng sasakyan kasabay si Python. "Claire, hindi mo pa rin ba ma contact si Nathan?" She asked me. Pinauna ko na sila Lucy at Java sa loob bago ko kausapin si Python sa aking gilid. I immediately shook my head na agad naman niyang ikina ngiwi.

"Hindi mo ba alam kung saan siya madalas tumambay? Baka nasa salon or nasa ibang lugar? Hindi ba't marami siyang pinupuntahan?" Tanong nito ngunit isa lang ang maisasagot ko sa kaniya.

"Pyth, inisa isa ko na ang lahat ng yan. Pero kailangan muna nating puntahan si tito Gab, kailangan kong makasiguradong maayos ang lagay niya bago ko hanapin ulit si Nathan."

Tumango si Python sa aking gawi at mabilis na kinuha ang aking kamay para sumunod kay Lucida at Java sa loob. Nang marating namin ang nurse station, we asked for Mr. Gabriel Macintosh room. Good thing at agad nila itong binigay sa amin kaya naman mabilis kaming tumakbong papunta sa loob ng elevator.

"Pyth, kinakabahan ako. Baka kung ano na ang nangyari kay Nathan-" Tila nanginginig ang aking mga kamay sa tuwing naiisip ko na may nangyari sa kaniya.

"Puwede ba, Claire? Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo sa sarili mo? Nagiging zombie ka na pero ito shunga ka pa rin dahil sa kaniya." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Pyth pero wala akong magagawa dahil maski ako ay aminadong shunga talaga ako kay butter ko. Che, pero I don't care nga dahil mahal ko iyon kahit gago siya.

"Eh, Pyth naman eh! Mahal ko talaga si butter ko." Yung kaibigan ko walang support ano? Feeling niya yata ako si Cinderella eh. "Tigil tigilan mo nga yang pagiging makata mo. Swear, kinikilabutan ako sa mga tanong mo." I shrug myself ngunit tila tinignan lamang ako nito-ay bongga, bakit pang judgemental ang mga tingin nila sa akin?

Bumukas ang pinto ng elevator kaya naman mabilis kaming naglakad palabas doon at pumunta sa sinabi ng nurse. As we stride closer sa room 805, napansin ko sila dad at mom na kausap si Tita Lia ang mommy ni Nathan. She looks so stress as she hugs my mom, tila hindi niya mapigilan ang kaniyang luha kaya naman hinagod ni mom ang likod niya.

"Java, Lucy." Tawag ni Python sa dalawa naming kaibigan na nakaupo lamang sa upuan sa harap ng room ni tito Gab. Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot dahil maski ako ay nakaramdam din ng ganoong feeling. Napansin ko ang dalawang lalaking na papunta sa aming gawi-and then as I look closer, si Jayden pala iyon na naka formal attire pa-- Mukha yatang galing pa siya ng opisina. Samantalang si Hudson ay naka uniform ng pang piloto. Well, hindi na maldita si Hudson kaya naman bati na kami. Mwehehe. I smile at his way pero hindi niya ako ngitian pabalik. Napahiya ako dun ha, walang hiyang lalak-este, sereyna pala 'yon!

How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon