Matatanaw sa hindi kalayuaan ang kambal na anak namin ni Claire habang naglalaro ang mga ito sa kanilang mini playground. Pinili namin na dito muna sa backyard ng bahay para mabantayan ang dalawang bulingit. Busy pa ang joana parais ko sa paghahanda ng meryenda sa kusina.
Limang taon na ang mga junakis namin pero ito, feeling mga dalaga't binata na. Aba, sinagot ba naman ako kanina na kaya na daw nilang maglaro mag-isa. At dahil nga UNDERstanding moth—I mean pudra ako, pinagbigyan ko na.
"Baget—I mean, mga anak! Huwag masyadong maligaya, huh? At baka ma carried away kayo dyan!" Tinaasan ko ang boses ko ng kaunti para marinig nila ako.
"Yesh, daddah! Opo, daddah! Iingat po kami dito, daddah!" Anito sa akin.
It's been five years and they are growing up so fast. Noon ng nahawakan ko sila, napakaliliit pa nila sa mga braso ko but now, looking at my twins, Yuki and Yna, I realized that I'm happy to be their father. Hindi ko tuloy maiwasan na maging katulad ni mommy and daddy dahil sa sobrang pagiging over protective habang pinapalaki sila kasama si Claire. I am happy and contented now. Magbago man ang panahon, pero hindi magbabago ang pagmamahal ko kay Claire at sa mga anak namin.
It was a tough decision to choose whether I should listen to my heart or I will listen to my mind. Wala akong pinag sisisihan except for one thing. I did something wrong in the past.
Hindi na gaanong maaraw ngayon kaya pinayagan ko na ring maglaro ang kambal namin. My eyes are focused on my twins. I just cannot help myself from thinking too deeply about their safety. Malayang naglalaro ang dalawa habang naghahabulan mga ito at nagtataguan.
"Butter ko, tulala ka dyan? Hindi mo ba sasamahan ang mga makukulit doon? Baka mapaano sila." Ani Claire ng umupo ito saking tabi sa duyan. Bahagya akong umusog para bigyan ng space ang asawa ko. Inilagay niya ang tray sa lamesa katabi ng duyan na inuupan namin.
I smiled at her as I loop my arms around her waist, pulling her closer to me. Inihilig ni Claire ang kaniyang ulo sa'king dibdib habang nakatingin sa kambal namin na naglalaro sa swing. Ang dalawang bulingit ko talaga—ay grabe, wiz ko know kung trulala ko ba talagang mga kyotatalet iyan sa sobrang kulit. Pero anyway, they are cute and I love them so much!
"Yung mga anak natin ako pa pinagalitan na huwag daw akong masyadong OA. Aba, manang-mana sayo ang mga sagutan ng dalawang iyan, huh?" Umiling-iling ako habang binibigyan siya ng nakakaasar na ngiti.
Kumunot ang noo ni Claire at matalim ang mga mata niya akong tinignan. Rinig ang tawanan ng mga junakis ko kaya hindi ko rin maiwasan ang matawa sa reaksyon ng mommy nila.
"Anong sakin? Ikaw itong pilosopo dyan dati pa, kaya sayo nagmana ang mga 'yan. Mhmmp, ikaw ang nagtuturo sa kanila ng mga kalokohan. Oh, butter ko! Don't you dare say that to me!" Sabi niya sabay irap.
'butter ko' nakakatuwang marinig mula sa kaniya ang tawag niya sakin. Wala pa rin nagbabago. The more I look at her, the more I let myself fall deeper. Halos siya na ang buhay ko at ang mga anak namin. Jusko, kung iisipin parang ang OA pero ganoon nga talaga siguro kapag nagmamahal, no? You are willing to do everything in your power to make your love ones happy.
Natawa na lang din ako dahil totoo naman iyong paratang ng joana parais ko mga bes. Ako nga talaga ang may pasimuno ng mga kalokohan sa bahay. Malamang sakin din nag mana ang mga kyota ko. Aba, mas bongga iyon, no? Wiz kasi kami kumuha ni Claire ng katulong para walang sagabal—ay este, para hands on kaming dalawa sa pag-aalaga sa mga junakis namin.
The wind blew Claire's hair as it passed from the trees. Nagiging kulay kahel na rin ang langit. Today is December 31 and we chose to stay in our home. Dito na rin kasi mag mi media noche ang mga magulang namin para happy family daw sa new year!
BINABASA MO ANG
How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETE
HumorMapaglaro talaga ang tadhana, kapag ikaw ang natipuhan ni kupido, naku! yari ka na. Ang mundo talaga weird, pero sa ka weirduhan nito baka doon mo pa makita ang taong para sa iyo. At dahil ang puso ay walang pinipili, maaari kang mahulog kahit na ba...