Inunat ko ang magkabilang braso ko ng magising ang diwa ko dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa labas. I felt my back is laying down on a soft bed and from that moment, I tried to open my eyes fully until I furred like a cat in the morning sunrise. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kama at napansing nakaayos na ang unan ni Nathan pero may isang rosas itong iniwan sa ibabaw non.
Kinapa ko muna ang gilid ng bibig ko kung may tumulong laway ba habang tulong ako pero mukhang wala naman. Mwehehe.
"Back to old habit ang sushi ko." Bulong ko ng kunin ko ang rosas na may nakataling note. Katulad noon, tinanggal ko ang ribbon saka pagkakuwan ay binasa ang eligible penmanship ni butter ko. Kunot ang nuo kong binasa ang nakaka inis na pinaghalong letra at numbers katulad ng sa barcode—ang geek na 'yon, akala ko magbabago na ang pananaw niya sa buhay.
"Ows, paano mo nasabi? Ganda ka?" Wika ng angel ko—este, may dimunyu pala sa kaliwa kong balikat.
Fd50a6e193cab17e500275acb1c0a4aa
Good morning, Mi cariño!
Alam kong gising ka na sa oras na to. (Aba syempre, hoy bangon na! Huwag tatamad tamad.)
Sorry I left early, I have an emergency meeting with our clients today. Mas mabuti pang huwag kang munang pumasok dahil alam kong stress ka, and besides, I called your secretary Hyper, oo siya nga. Ewan ko ba kung bakit parang sinapian ang jumer na iyon ng marinig ang boses ko. Nagtitili eh. Alam ko naman kasing napakagand—I mean gwapo ko. Oh siya sige, gora lafang ka na at nagluto na ko para sayo.
I love you!
-N
Yie, ang landi pero in-fairness kinikilig ako!
Mga ilang minuto ko munang inabsorb ang message ni butter ko saka malakas na natawa sa pinagsasasabi nito sa note. "Masyadong confident ang isang to." Umiling iling ako saka umupo mula sa pagkakahiga ng saktong nag ring cellphone ko mula sa lamesa sa gilid ko. I immediately grab it and answered it without looking at the caller ID name.
"Hello—"
"Baklang may matres! Nasaan ka? Magkita tayo sa isang café, off duty ako ngayon, kailangan kong mag beauty rest after the incident yesterday!" Maingay na sabi ni Java mula sa kabilang lingya kaya medyo inilayo ko ang speaker sa tainga ko.
Ang bruhang 'yon parang may megaphone ang lalamunan, konti na lang papasa na siyang sirena ng ambulansya diyan sa kabilang ospital.
"Java naman, ang aga aga! Ano bang balak mo ha? Kita mong..." Sumulyap ako sa wall clock saka muling nagsalita habang mahaba ang nguso dahil sa iritasyon. "Alas otso palang ng umaga tapos ang lakas mong mag-aya dyan. Bakit? Libre mo ba ha? Kung libre mo gusto ko ng mango shake!"
As I mentioned it, I heard my tummy growl—oops, mukhang gusto ng baby ko ang sound ng mango shake. Agad gumuhit ang masayang ngiti mula sa mga labi ko ng maimagin na umiinom ako non. Oh my God, I'm already craving for it. It seems like it is really mouth-watering though.
"Gaga, bakit ako ang magbabayad ha? Teka, nahahawa ka na rin ba kay bading kaya pati coupon at promo papatusin mo na? Hoy, key aga aga tigilan mo yang shake shake ha. Pumunta ka na rito! Bilisan mo at ayokong naghihintay, may balita ako sayo about the investigation."
Naging mas seryoso ang boses ni Java sa huli nitong sinabi and I can sense she is going to ask more. I think I should ready myself, iba ang police na Java kapag nagtanong. Feeling niya yata eh magiging si Cardo siya sa Ang Probinsiyano.
Bumuntong-hininga ako saka umo-oo nalang sa kaibigan ko at pagkakuwan at ibinaba ang tawag. Mabilis akong umalis sa kama saka pumunta sa banyo para maligo—and viola, in just thirty minutes ay natapos rin ako sa paliligo.
BINABASA MO ANG
How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETE
HumorMapaglaro talaga ang tadhana, kapag ikaw ang natipuhan ni kupido, naku! yari ka na. Ang mundo talaga weird, pero sa ka weirduhan nito baka doon mo pa makita ang taong para sa iyo. At dahil ang puso ay walang pinipili, maaari kang mahulog kahit na ba...