"This way please, madame Linux, Sir Macintosh." Ani ng isang security guard sa amin ni Nathan.
Sa buong biyahe ay nanatili akong tahimik kahit na pilit nito akong kinakausap pero nahinto naman din agad iyon ng tumunog ang cellphone niya. Dumiretso kami sa loob ng paliparan papunta na agad sa loob kung nasaan ang mga eroplano. I was about to look around to find our designated plane when suddenly Nathan holds my wrist and pulled me towards the private jets.
Kasama ang isang security guard sa aming likod, nakita ko ang pamilyar na lalaki na naka-uniporme ng pampilito. Si Maddy—este si Hudson pala. Lumapit kami sa kaniya at halos isigaw ko ang pangalan ng malditang iyon pero pinigilan ako ni Nathan.
"Madd—"
"Hudson, pare!" Sabi ni Nathan ng maglahad ito ng kaniyang kamay.
Naku po, ito nanaman po tayo sa kanilang tawagan. Pare, oo pare nga mga bes, hindi kayo nagkakamali ng rinig. Mukhang lalaking lalaki si Maddy lalo na't napaka seryoso ng itsura nito. Malakas ang hangin sa buong lugar. Pilit kong inaayos ang mahaba kong buhok dahil hinahangin ang bawat hibla non. Feeling ko nga ay puwede na rin akong maging shampoo endorser o kaya naman ay ng salon. Pak na pak kasi ang pagka straight ng buhok ko.
"Pare." Hudson smiles handsomely as he shakes Nathan's hand. Nakatayo ang tatlong nag gagandahang stewardess malapit sa hagdan kung nasaan kami aakyat patungo sa loob.
"It's nice to see you pare, shall we go? Pagod si Claire, she needs to rest well. Nakahanda na ba ang cabin sa private jet ko?" Anito na ikinabilog ng mga mata ko.
"T-Teka nga butter ko, saan ba tayo pupunta at bakit kailangan pa ng cabin—I mean bakit kailangan pa natin na private jet mo ang gamitin? We can ride a public plane for God's love sake. Puwede naman na sa business class—"
"Claire, I told you. Hindi ako mapapakali kapag nasa public place tayo, ayoko lang naman na may mangyari sayo. I want you safe and our unborn, kailangan ay hindi ka mapapagod." Saad ni Nathan.
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. He is treating me like a goddamn ill woman! I'm pregnant! I'm not ill for God's love sake. I rolled my eyes heavenwards before I cross my arms on my chest. Kitang kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Nathan ng tignan niya ako.
"Butter ko, wala akong sakit. Look, I'm fine so you don't have to worry much about me and our angel, kaya ko ang sarili ko. Sabi ni Dra. Stacey safe pa naman akong bumiyahe kaya ano pa ang inaalala mo?" Malamig ang tono ko.
Hudson look at us back and forth with awkwardness kaya wala na rin akong nagawa kundi ang tumango. Matalim kong tinignan si Nathan habang nakataas ang kilay niya. Ugh, bakit ba feeling principal ang isang to?
"I'm just worried... I'm sorry, I feel like I want to protect you always. Hindi na iyon maalis sakin, Mi cariño." Bagsak ang balikat nitong tinignan si Hudson.
Jesus heavens. Agad akong nakaramdam ng kung anong tumutusok sa puso ko dahil sa kamalditahan ko. Of course he will be worried—ay teka nga! Hindi ba't may kasalanan pa siya? I shrug myself before looking at Hudson.
"Let's go inside then, gusto ko na rin mag pahinga." Aniko sa kaniya.
Hindi ako matatarayan o malalabanan ni Hudson dahil may mga tao sa kaniyang paligid kaya aabusuhin ko na talaga ang pagkakataon. I saw Nathan from the corner of my eyes looking at me. Naku, ang isang to ay may kasalanan pa sakin kaya humanda siya.
Muling umihip ang malakas na hangin kaya nagulo nanaman ang buhok ko. Nathan ruffles my hair on my side and he tucked the strands behind my ear. Naramdaman ko ang haplos ng dulo ng daliri niya sa balat ko kaya nakaramdam ako ng libo-libong boltahe sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETE
HumorMapaglaro talaga ang tadhana, kapag ikaw ang natipuhan ni kupido, naku! yari ka na. Ang mundo talaga weird, pero sa ka weirduhan nito baka doon mo pa makita ang taong para sa iyo. At dahil ang puso ay walang pinipili, maaari kang mahulog kahit na ba...