Chapter 8

9.8K 303 97
                                    

Nathan and I eventually arrive kung nasaan ang private jet plane nya— the name itself states already na it is really belong sa Macintosh company. Si Nathan ang totoong asset ng kompanya nila dahil hindi talaga maikakala na magaling, matalino at hard working si butter ko. And I can conclude, isa rin syang kuripot. Well—tama nga naman, dahil kahit gaano ka pa ka yaman kung hindi ka marunong magtipid bali wala rin ang biyaya. I remember, isa sa mga motto ng butter ko... "Don't work for the money but let the money work for you." I guess that is what a business minded always says.

I saw Nathan lift up his hand para kumaway sa gawi ng isang matangkad na lalaki na naka uniform ng pang piloto. Bakit ba ang daming kaibigan ng butter ko na gwapo? Nakakainggit ha! Napansin naman nung boylet si Nathan na agad nitong ikinangiti. Wait, don't tell me this is another threat—

"Hudson!"

Sigaw ni Nathan pagkatapos ay hinila ako sa gawi ng lalaki na nakatayo malapit sa entrance ng private jet plane nya. When we reach him, mas lalo ko pang nakita ang kakisigan nya ng malapitan. I was about to greet him ng inuhan na ako ng butter ko.

"It is good to see you here, pare!"

What the hell—teka, may lalaking best friend ang butter ko? Yung true boylet na talaga? I glance at Nathan ng binigyan nya yung lalaking Hudson ang name ng fist bumps. Teka nga, teka! Pare daw eh, PARE! Hudson chuckles deeply despite sa ingay na nanggagaling sa paligid namin. And when I look at him again, napansin ko ulit na mas lalo syang gumawapo ng unti unti syang ngumiti. From my own perspective nga naman, matangkad sya—puwede ng pang basketball player, ganern. Matangos ang ilong, mapupungay na hazel brown eyes at same sila ni Nathan na may maganda at makapal na kilay at pilik mata. I knew it! Pareho silang PhilAm!

Hudson leans closer sa gawi namin para marinig naming ang mga sasabihin nya.

"Eh, paano ba naman momshie wit kita matanggihan, baka kase ipakain mo akshie sa buwaya no."

Nanlaki ang mata ko sa gulat bago sya tumingin sa aking gawi—of course, he is aware na narinig ko ang sinabi nya pati na rin ang paggamit nya ng beki words.

'Momshie'

'Momshie'

'Momshie'

Momshie ang tawag nya sa butter ko! Isa rin syang ka federasyon! Oh My God, ang gwapo nya pero—

"Bakl—"

"Ikaw merlat ka, narinig mo na nga tatanungin mo pa. Shhh!" Sinamaan ako ng tingin ni Hudson bago lumingon lingon sa gilid to make sure na walang nakarinig. Napanganga ako sa gulat again but Nathan nudges my side sanhi naman para mapa aray ako. "Ah... Eh... Bakl—"

"Momshie Nathalie, sasabunutan ko itechie na jumer na itechievu na ha." Mahinang wika nya malapit kay Nathan—tila parang natauhan naman ako ng tarayan ako ni Hudson. Mabilis napawi ang gulat ko kaya naman nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ko para sana awayin ang baklitang ito! Aba, si Nathan lang ang kaya kong itolerate ha!

"Oh, girl. Tigilan mo yang pinaplano mo kay Hudson, sige kang tahong ka. Hahayaan kitashie na ma jombag ni junakis akeshie. Ang ate medeska mo kase, you know wizel nila alam na girlie rodis si Hudson—or let's say..."

Pagpipigil ni Hudson bago sya tumingin sa gawi ko with matching taas kilay. "Just call me Maddy."

Ay pak na pak, ganda ng name ng baklang ito. I raised my perfectly knitted eyebrow na agad naman nyang nilabanan ng tingin. "Bakit hindi nila alam?"

"Ay bongga itechie this merlat, momshie Nathalie ha." He glances at Nathan who is laughing at my reaction. Bwiset na butter ko na to, akala ko pa naman panig sya sakin. Bagsak balikat kong naisip.

How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon