"Buwiset 'yang baklang 'yan—butter ko! Nakakahiya, sirang sira na ang image ko tapos pinagtatawanan mo ako!" Mahinang bulong ko habang mahigpit ang hawak sa himlay ng damit ni Nathan ng pigilan nito ang pagsugod ko kay Jade, hindi ito tumitigil sa pagtawa dahil sa mala demoniya kong itsura ngayon. Kulang nalang eh yung sungay ni satanas ready to fight na ako. Sa lahat ng puwedeng I play sa recorder bakit 'yung pag dadrama ko pa? Shet. Napatakip ako ng namumula kong mukha dahil sa hiya.
"Oops, Clairie! Wiz watashi kasalanan kung ma drama ka lately ha, 'teh—aba, malay ba naming kung ano ano pinagsasabi mo kanina." Ngumisi si Jade sabay kindat sa'king gawi sanhi para mag-init lalo ang ulo ko at magbuga ang ilong ko ng usok. Peste, naiinis ako ngayon sa kaniya.
"I don't care—you! I will make sure I will make your life miserable, twat!" Nanggagalaiti kong wika sa kaniya na agad naman kinatawa ni Jade. Damn him and his humor.
"Claire!" Saway ni Nathan. Nang tingalain ko siya, nakatitig lamang ito at pigil ang pagtawa dahil sa narinig kaya naman sinamaan ko rin siya ng tingin dahilan para mapa ubo ito at saka naging seryoso.
"So kakampihan mo pa yung baklang 'yan? Bitawan mo ko! Kakalbuhin ko lang ang sushi na 'yan!" Pilit kong pagpipiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Nathan ngunit hindi ako hinayaan ni butter ko. He chuckled which made me glare at him darkly.
"Nope... It's just that, it's funny to listen to your last long message but I love the lather part, girl—"
"Oh, shut up! Isa ka pa, nakakainis ka—teka nga, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to dahil may pakidnap kidnap ka pang nalalaman, eh. At 'yang masungit na 'yan, nakikita mo?" Dinuro ko si 'Trisha' na nakasandal sa poste habang matalim ko itong tinitignan. "'yang lalaking—ay este baklang 'yan, ha? May pa outfit outfit pa siya ng mafia tapos ki-kidnapin lang pala ako! I hate you, butter ko—"
Natigil ang pag da-drama ko ng bigla nalang tumawa si Nathan at ang kaniyang friends ng malakas maliban nalang sa isang baklang pinaglihi sa sama ng loob. Nathan holds onto his flat tummy as he laughs at me—kitang kita ang pag ngiti ng mga mata nito, maging ang mga dimples niya sa magpakabilang pisngi ay lumilitaw dahilan para lumambot ang puso ko at mawala ang inis sa kaniya. Pinakatitigan ko ang gwapo nitong mukha hanggang sa matapos sila sa pagtawa. Naglilihi na yata talaga ako!
"Taray, Clairie, girl! Kailan ka naging moody? Ay bongga, sabagay is aka ring lukrecia katigbak kaya knows na naming, itechlavu ang effect ni mother Nathalie—"
"Don't call him Nathalie! He is Nathan!" Saad ko habang tinititigan siya ng masama. Jade chuckled sabay hawak sa braso ni Hudson at tila naglambitin doon— Anong ginagawa mo?
"Alam mo, Clairie magiging kalahi ka na ng baklang pinaglihi sa sama ng loob na nandyan sa likod mo. Puwede bang bawas bawasan mo yang kasungitan mo—konti na lang at pagkakamalan na kitang juntis, girl." Sabi ni Jade sabay ngiti ng nakakaloko sa'king gawi. Tila nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Nang I angat ko ang mga mata ko para tignan si Nathan, tinaasan lang ako nito ng kilay habang natatawa dahil sa sinabi ni Jade.
"Mga bruha, tama na ang chikahan—ikawchi Jade, kung wiz mo keribelanchi ang mala emberikang mood ni Claire 'wag ka ng makulit. And you, mudrabells, I think you should bring Clairie to the place where you and her belong." Pagsabat ni Ternet mula sa likod ng dalawang baklang si Maddy at Hudson. They both nodded their heads while Jade is pouting like a duck—
"Go away lovers, masyado kaming supportive kay momshie Nat—"
"Hudson!" Saway ko sa kaniya kaya naman inangat nito ang kamay niya habang umiiling.
BINABASA MO ANG
How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETE
HumorMapaglaro talaga ang tadhana, kapag ikaw ang natipuhan ni kupido, naku! yari ka na. Ang mundo talaga weird, pero sa ka weirduhan nito baka doon mo pa makita ang taong para sa iyo. At dahil ang puso ay walang pinipili, maaari kang mahulog kahit na ba...