Chapter 3

11.4K 389 123
                                    

Patuloy kami ni Nathan sa paglalakad patungo sa hotel pagkatapos namin magpaalam kay Mang Kiko. Isang malaking himala na mapapayag ang reyna ng karagatan na makatabi ako sa pagtulog-- I mean, baka may kababalaghang mangyari at magapang ko sya ng wala sa oras. Puwede ko na bang makita ang tinatago ni Nathan sa likod ng mga damit nya?

A.B.S

Napangiti ako ng malapad ng isipin ko palang ang kanyang eight pack abs-- shet, imagination palang naglalaway na ako... Paano na kaya kung live show na ito? to the highest level na ba ang kamanyan ko?

"ISABELLE CLAIRE IBARRA LINUX! Naka droga ka ba? Bakit nakatulala ka kay manong guard kanina pa? At haler, hinaharangan mo ang entrance. Hoy, bruha, hindi porket sa inyo itong resort eh hindi ka na magpapadaan. Nawawarla na itech sayo ha."

Madiin na sambit ni Nathan sa buong pangalan ko-- mukhang beast mood si Prince...ss Nathan... Mabangis-- ay shet, este butter ko pala. Unti unti kong syang hinarap with matching killer smiles, yung pilit na parang may diarrhea ba.

"H-huh?"

Pa inosente kong tanong habang binibigyan si Nathan ng beautiful eyes. Kitang kita ang iritasyon sa gwapo nyang mukha, mula sa pagkunot ng noo nya hanggang sa kissable lips nyang masarap halikan.

"Itchusera ka, ipatukhang kita now na ditech eh! Kaloka to! Wag ka humarang sa daan kung gusto mo maging emotera ditey sa labas ha. Dinadamay mo pa aketch sa kalokahan mo."

Mataray na sabi ni beks pagtapos nya akong bigyan ng mga nakakamatay at matatalim na tingin. Jusko tong baklang to--

"Excuse me, dadaan ang reyna!"

"Sasayaw ka ng chahcha? Ang saya saya?" pagtatanong ko.

"Gusto mo ipadala kita kay Kuya Will? O ipapa gang bang kita? Manahimik ka dyan. Tabe!"

Taas kilay na nilagpasan ako ni beks habang kumikendeng na naglakad patungo sa loob ng hotel. Ay pak na pak, nag cat walk ang sereyna. Kitang kita naman ang gulat sa mga mata ng guards sa entrance na tinititigan ko kanina-- aba, gulat rin kayo no? Hindi yan Tide manong. Pogay po ang tawag kay butter ko!

"Butter ko! Excuse me po mga manong, kailagan ko ng puntahan ang future hubby ko."

Masaganang pagbungad ko patungo sa loob ng entrance ng hotel—kitang kita ang ganda ng chandelier na nakasabit sa kisame, punong puno ng mga diamonds ang design nito na nag compliment sa ganda ng kulay ng interior. Mom and Dad both chose the right colors na magbibigay ng enticement para sa mga client ng Linux Inc.

"Good evening, sir—" Bati ng isang magandang babae na naka suot ng uniform na pink long sleeves and fitted pencil skirt paired with black high heels behind the reception area. Tinaasan naman ng kilay ni Nathan ang nagpapa cute na babae sa harap nya na tila titig na titig sa mala anghel nitong mukha.

"Haler, don't call me that. I'm Nathalie Macintosh--"

Batid ni Nathan na agad kinagulat ng babae- nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig si Nathan na magsalita. Serves her right! And yes, kahit sereyna yan, akin yan.

"P-po? N-nathalie?"

I composed myself before I stride towards them, bakas pa rin sa mukha ng receptionist ang impact ng marinig ang malanding boses ni butter ko. Well? Looks like I need to put a fence between them.

"Good evening, Miss... Access, if I'm not mistaken? We would like to ask for our room pass."

I formally greet her before showing her my sweetest smiles. From her looks, it seems like she already knew who I am—at dahil hindi ako nagkakamali, agad naman syang natauhan, sanhi para mapangiti sya ng tipid. "Ma'am Linux." Pormal na bati nya ulit.

How to Tame My Beki Casanova? (Casanova #1: Nathan Macintosh) - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon