Masasabing simple at kakaiba kung mamuhay kami.Hindi kami mayaman pero natutugunan naman ng aking magulang ang mga pangangailangan namin.Minsan naghahangad ako ng magandang buhay para naman makaahon kami sa kahirapan.Pero naisip ko na hindi ko naman pala kailangan ng madaming salapi kung hindi naman kami magkakasama.Kaya mas pipiliin ko pa ang kung ano kami ngayon kaysa sa magkahiwalay hiwalay kami.
Umuwi si papa ng maaga galing sa bayan.Masaya kami ni Mama kasi hindi ginabi si papa ngayon.Halos araw araw kasi syang lumuluwas para magtrabaho.
Sinalubong sya ni Mama habang ako naghahanda na ng makakain ni papa dahil alam kong mapagod ito sa byahe.
"Salamat anak" tumango naman ako at agad nagmano dito.
"Kamusta po ang pagluwas ninyo papa sa bayan?Marami po bang bumili ng ating balabal?"
Napatigil si papa sa pagsubo at tumingin sa akin."Ano pong problema?Hindi po ba."Pagtataka kong tanong dito.
Ngumiti ito at hinawakan ang aking kamay pati ang kay Mama.
"Anak salamat at ikaw ang naging anak ko.Napaka sipag at napakabait kong anak.Kaya mahal na mahal ko ito e."proud nitong sabi." Ibig sabihin?"
"Oo.Anak naubos ang balabal na desenyo mo." Napatalon ako sa saya at binigyan ito ng mahigpit na yakap.
"Masaya ako para sayo anak.Alam mo bang hinahanap hanap nila ang disenyo mo."
Nagulat naman ako sa sinabi ni papa.Unang beses ko narinig na may tao palang humahanap hanap sa balabal ko.
"Papa maganda po ba.Nakakasisiguro ako na talagang lulutang ang kagandahan nya sa kakaiba kong ginawang balabal."
"Ano kaba akala mo ba babae lang ang aking kostomer siyempre may kalalakihan din."
Lalaki.Talaga bang may lalaking naghahanap ng aking disenyo.
"Lalaki po.Naku!Papa sigurado ako na malambot yun." sabay nagbakla-baklaan ako.
"Anak!Ganyan ba ang itinu--"
"Itinuro nyo.Alam ko po sorry ." pangunguna ko.
Habang masaya kaming kumakain ay nagsalita naman si Mama.
"Kung hindi kaya sumama nalang si victoria bukas sayo haime.Tiyak ko na magkagustuhan nya iyon.Diba anak?"
Ako nga pala si Victoria Zofia Malin.Simpleng babae at naninirahan sa isang simple at hindi kilalang baryo.Malayo ang aming tahanan sa kabayanan kaya hindi pa ako nakakarating sa bayan.Pero simula nung bata ako kinukwentuhan na ako ni mama't papa ng mga kuwento tungkol sa mga nangyayari sa bayan.Puro magaganda at karimihan ay minsan negatibong kuwento ang napapakinggan ko nguni't buong buhay ko hindi pa talaga ako nakakarating sa bayan.
"Ano Victoria?Anong masasabi mo?" tanong sa akin ni papa.
"Gusto ko po sana pero-"
"Wag mo na akong alalahanin anak ayos lang ako.Samahan mo bukas ang papa mong lumuwas."
"Talaga po."
Tumango-tango ito at hinawakan ang kamay ko.
"Ayoko kasi na ang ubod ng ganda kong anak manatiling nakakulong lang sa bahay na ito.Siyempre ayaw naman namin na hindi makita ng mundo ang ganda ng anak ko."
"Mama naman e nambobola pa?"tumawa naman si papa sa sinabi ko.
" Totoo naman ikaw ang unikaiha kong anak kaya ikaw lang ang kaisa-isa kong anak na nakamana ng ganda ko."
Napatigil naman si papa sa pagsubo at para atang magwawalk out.
"Teka-teka para atang may nakakalimot dyan.Siyempre pati ako.Ang kakisigan ko sumama sa kagandahan ng anak natin mama." tumawa naman kami ni mama sa sinabi ni papa.
Nagtawanan lang kami hanggang sa umabot na nga ang araw kung kailan bago sumikat ang araw ay isasama ako ni papa sa bayan para magluwas ng disenyo ko.
Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasang hindi kabahan sa makikita ko.Kung matutuwa ba ako o mamangha.Halo-halong kaba at lito ang pumapasok sa kalooban ko sa oras na ito.
"Kinakabahan ba ang anak ko?". Tanong sa akin ni papa habang nagmamaneho ng aming lumang sasakyan.
" Medyo po."NAng mapansin ko na parang malapit na kami sa bayan ay inayos ko ang aking balabas at isinaklob ito sa aking ulo at itinago ang aking mukha gamit ang manipis na balabal.
"Papa kung sakali maari po bang hindi nalang ako lumabas." nahihiya kong sambit.
Humarap si papa mula sa unahan at tinanong ako ng bakit.
"Kasi po." Hindi ko alam kung ano bang bang nagyayari sa akin.Gusto kong lumabas na ayaw.Basta!
"Hay..Dalaga na talaga ang anak ko.Huwag ka ng mahiya alam kong sa una lang iyan.Ikaw ang bahala basta paglalapit na tayo sa pupuntahan natin.Sasamahan mo ako maghakot ng balabal natin sa bagsakan."
"Opo."
"Kung gusto mo nga mamasyal kapa.Malaki kana anak balang araw mawawala na rin kami sa piling mo.Kaya gusto namin ng Mama mo matutukanang harapin ang mundo."
"Papa naman e huwag mo ngang sabihin yan."maktol ko rito.
Pinisil naman nito ang pisngi ko kaya agad namula.
"Naku!Naku.Siyempre hindi pa kami mawawala ng wala pa ikaw pamilya."
Pamilya talaga agad?Pwede namang makatapos muna ng pagaaral.
"Pa naman e labing putong taong gulang palang ako.Ganyan agad nasa isip nyo.Pamilya talaga agad."
"Biro lang."
Che!Biro lang talaga yun.Grabe si papa mag-isip ha.
Pagkadating namin sa destinasyon ay ipinarada ni papa ang sasakyan sa may kilalang pampublikong paradahan at agad naming hinakot ang ibabasak sa palengke na balabal.
Simple lang ang ayos ko.Nakalugay ang bagsak at mahaba kong buhok habang nakamahaba naman akong damit na kulay pula at balabal na kulay rosas ang ganda.
Hindi maitatangi na may akin talaga akong kagandahan kung ikukumpara ang aking sarili sa mga maharlikang puno ng pampaganda laban sa isang tulad kong dukha mas lutang ang kagandahan ko dahil sa kulay gatas kong kutis at kulay ng gabing buhok.Mapupulang labi na ka kulay ng rosas na babago palang mamumula.Iniisip ko kung naihaharap ko kaya sa iba ang aking kagandahan siguro marami kayang kalalakihan ang maghuhumaling sa aking simpleng alindog.
"Oh anak nakuha mo ba lahat ng balabal sa sasakyan?"
"Opo.Papa"
"Sya ba ang anak mo vergilio?Abat napakagandang dilag naman nya?" maanghang sabi ng medyo may katandaan ng babae na masasabing may taglay ding simpleng ganda.
"Oo sya nga.Alam mo bang sobrang mahiyain nyan"
"Papa namin e"
"O tingnan mo manang-mana sa kanyang Nanay nung dalaga palang."
"Pati naman si Mama... si papa talaga."tinungo ko na ang ulo ko sa kahihiyan.
"Abat totoo naman diba manang celia"tanong ni papa dun sa matanda na kanina bumati sa akin.
"Abat Vergilio totoo manang-mana nga sa ganda ni Lucie.."
"H.h..Hindi naman po..Ma's Maganda po si mama."Nagiwas nalang ako ng tingin at iniwan muna ang dalawa upang libangin ang sarili sa mga hindi ko nakikita sa nayon.
Mga ingay ng tao sa palengke.Dumaraming tao na nagsisipasok labas rito.Ingay ng mga sasakyan sa labas.Tila parang napunta ako sa ibang mundo.Ibang iba I to sa mga ingay ng mga hayop sa paligid at tunog ng mga makukulay na asul na ilog sa amin.
Parang panaginip lahat ito.Bago lahat..Alam ko na kahit ngayon lang ako naparito pakiramdam ko may panahon na darating magiging parte ako nito.
BINABASA MO ANG
While The Day Comes(editing)
FanfictionA simple girl living with her loving father and mother that was all Victoria wish and for her she was so lucky because the thing that all she need was being granted. But in unexpected,All for Victoria's life change one day after she found out that...