Friend
Dala ko ang dalawang supot na may laman na biniling bananaque at maiinom na tubig.Madali naman akong nakaalis sa siksikan ng baha ng mga tao dahil sa labas pasok.Laking gulat ko naman ng makita na kausap na ni aling celia ang lalaking kani kanina lang ay nakatingin sa akin.
Kumaway si aling celia ng matanaw akong palapit na sa kanilang dalawa habang ang kasama ay nakatingin lang sa akin na may mapupungay at seryosong titig.
Bahagya akong nakadama ng hiya ng makalapit na ako sa kanila.Guwapo ito at batay sa pananamit ay makikilala mo na hindi ito pangkaraniwan lamang tao.Estilo palamang at dating ay halata na.
May ilang babaeng nagdaraanan ay naghahagikhikan kada matatanaw ang guwapo nitong mukha.
"Hi,kuya." kaway ng isang estudyante sabay hagikhik ng tanguhan nito.
"O Victoria,hija.Akala ko talaga umalis ka na."si aling celia.
"Hindi po.Bumili lang po ako ng makakain niyo aling celia." pinatong ko sa malapit na lamesa ang binili at hinarap muli ito.
"Naku't nag-abala ka pa talagang bata ka.Tama nga itong si Wil nakita ka nga nya."
"Ganun po ba.."
Gusto ko sanang sabihin na ako din pero parang nakakahiya naman.Wala ako sa karapatan no!
"William,hijo ito nga pala si Victoria.Victoria si William." nasa boses nito ang nakakalokong ngisi.
Tumayo ito at nilahad ang kamay.Nung una nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba pero sa huli ay pormal na nakipagkamay.
"O hayan magkakilala na kayong dalawa e di kasalan na." sabay tawa ni aling celia.
Agad kong inagaw ang kamay ko at pinandilatan ang nakakalokong tawa ng matanda.Nang magangat ako ng tingin ay nakangisi itong si wil.May nakakatawa ba?
Nakakahiya!
"Ano kaba siyempre nagloloko lang ako.O sya..sya salamat ulit dito Victoria.Mamamaya ka pa ba luluwas pa balik?"
"O-opo sana pero naalala ko nga po palang may pinabibili pa si tatay sa akin.Sige po.B-bukas nalang."I lied.
Parang kanina gusto ko pa sanang magtagal pero sa sobrang kahihiyan ayoko ko ng magtagal.Ngumisi pa ako sa matanda at hindi na sinulyapan ang lalaking nasa harapan.
Ano ba itong araw na ito?Nakakaloka.
Palabas na ako ng palengke ng may biglang humawak sa pulsuhan ko.
"Hey." napakamot pa ito ng ulo at nagiwas ng hinarap ko.
Ano ba!
"Bakit?"
"Nalaman ko kasi na hindi mo kasama si tito sabi ni aling celia.If you insist pwede kitang ihatid." nahihiya pa nitong sabi.
Ganyan ba kiligin ang mga lalaki.
"Huwag na.Ayokong makaabala.Malapit lang naman ang sakayan dito."
"Ganun ba.." nasa boses nito ang panglulumo.
"Sige salamat na lang." agad ko na itong tinalikuran.Mabilis akong naglakad palayo rito.Nang makasakay na ako ay duon ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga.Kung kanina kinakabahan pa akong maging mag-isa ngayon ay parang nawala dahil sa kakaiba kong naramdaman.
"Ano ba Victoria nangyayari sayo?" bulong ko sa sarili habang yakap yakap ang tuhod ng makauwi ako sa bahay.
Pagkauwi ko galing sa lungsod ay inulan ako ng tanong ng magulang ko.Bakit daw ako umalis ng hindi man lang nagpapaalam.Nagtampo pa si tatay sa akin nung una nguni't nawala din naman ng daanin namin ni mama sa lambing.
Mabilis lumipas ang mga araw kaya ng dumating na ang araw ng pasukan ay maaga akong ginising ni Mama para sa unang araw ko sa school.
Sa suot na hanggang tuhod na kulay berdeng palda.Puting uniporme na may ternong lasong berde rin ay ipinatong ko na ang pinakapatong rin sa panguniporme ng kolehiyo.
Pagdating ko sa unibersidad ay madami ng estudyante ang nagsisipasukan.Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng buong paligid.Maganda at mayayaman ang mga estudyante rito dahil sa pribado itong paaralan.
Nakapasa ako bilang scholar kaya kailangan kong pagbutihin ang aking pagaaral.Ilang taon na lang rin naman ay makakatapos na ako ng pagaaral.Kurso ng arkitekto ang aking kinuha dahil mahilig ako sa pagguhit at pagdidisenyo.Noong nasa elementarya pa ako ay sumasali na ako sa iilang pakompetisyon ng paaralan sa larangan ng pagguhit.Nanalo naman ako kaya gusto ko sanang ipagpatuloy ang aking nakagisnan.
May mga lumalapit sa akin para magpakilala hindi naman ko ito tinatanggihan kaya nagpapakilala ako.Dumaan muna ako sa library para sana duon nalang intayin ang susunod kong klase sa hapon.
"Hello." napabaling ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko.
"Hi."
"Bago ka ba dito?Ngayon lang kasi kita napansin dito." lumipat na ito ng upuan at duon sa upuan na nasa harapan ko pumuwesto.
Ngumiti ako at nagkunwaring abala sa pagbabasa.
"Oo.Bagong scholar lang kasi ako dito."
"Im Nathaniel.But you can call me nath." naglahad ito ng kamay sakin kaya pormal kong kinamayan din ito.
"Ikaw?Anong pangalan mo?"pahabol pa nito ng hindi ako nagpakilala.
"Victoria Zofia Malin.Nice to meet you,nath"
Pinamulahan naman ito ng magpakilala ako sa kanya.
Sa unang Linggo ko sa pagpasok ay palagi ko ng kasama si nath.Nahihiya pa ako nung una dahil na rin sa mga titig na natatanggap ko sa mga estudyante na nangangarap kay Nath.
(Nath-'neyt' po ang pagbigkas.paalam ko lang po ang pagbasa mga darmin's.Thanks.)
Kilala bilang sikat na Swimmer ng school si nath.MVP na ito kaya hindi na maikakaila na talagang kilala ito sa buong school.Madaming nagtataka kung bakit lagi kong kasama si nath pero ano naman masama bang makipagkaibigan sa iba yung tao.
Hay..Hirap maging sikat din siguro.
Nagulat nalang ako bigla ng may umakbay sa akin ng makalabas ako sa silid namin.
"Uuwi ka na?Tara hatid nakita."
Umiling ako."Kakaunin ako ni papa, nath.Thank you nalang."
Nakita ko na parang nanlumo ito sa sagot ko.Natawa ako sa reaksyon nya.
"Alam mo magtatampo na ako sayo.Lagi mo nalang tinatanggihan ang pagmamagandang loob ko sa iyo."
Hindi naman talaga ako sinusundo ni papa.Kung susunduin lang ako ay kapag nagpapaalam ako na hahapunin ako dahil sa class program o ilang reporting.
"Sige mauna na ako sayo.Kita na lang tayo bukas."
"Okay."
Dumiretso na ako sa gate at nag-abang na ng masasakyang tricycle pauwi.Pagkadating ay nanduon na si tatay sa bahay.Maaga itong nakauwi dahil dinala lang naman daw nya ito kay aling celia at umalis na.
Masaya ako na hindi na gaanong nahihirapan si papa sa pagbyahe dahil lagi na itong napapasabay ni Mang Nilo sa pagpunta sa lungsod.Pero meron namang kaba sa puso ko na ayokong nakikita't nararamdaman.
Ang nahihirapan si Papa't Mama.
BINABASA MO ANG
While The Day Comes(editing)
FanfictionA simple girl living with her loving father and mother that was all Victoria wish and for her she was so lucky because the thing that all she need was being granted. But in unexpected,All for Victoria's life change one day after she found out that...