Kabanata 10

0 1 0
                                    

Maagang natapos ang klase namin ngayong araw.Walang gaanong ibinigay na mga assignment dahil sa katatapos lang na pagsusulit.Makakauwi ako ng maaga sa bahay kaya nagpaalam na ako kay nathan at kayna rita na mauuna na ako.

Palabas na ako ng gate ng makita ko mula sa labas ang pamilyar na sasakyan.Nakasandal mula roon si wil.Nang makita nya akong palabas na ay kumaway ito.Kumaway rin naman ako sa kaniya para hindi awkward.

"Tara na?"

"Pupunta ka ba ulit sa amin?" kinagat ko ang pangibabang labi ko sa tanong na iyon.

"Oo."

Oo lang talaga?Ano bang expectation ko na may mahaba syang salita?

Matapos naming magtalo nung nakaraan sa hospital hindi ko na niya muli ako tinanong ng kung ano ano.Laging tahimik sa paligid naming dalawa kapag magkasama kami.Wala ng bago ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya ayokong magsimula ng usapan.Madali naman din kasing natatapos.

"Yung tungkol nung nakaraan.Ahm.Sorry."

"Ayus lang ako naman talaga ang may kasalanan.Huwag kang mag-alala hindi na naman masakit." napatingin na ako sa labas ng bintana.Sinulyapan ako nito pansin ko sa gilid ng mga mata pero agad din itinuon sa kalsada ang mata.

"Ako din.Sorry."

Nagsorry siya sa akin.Wow parang nakakapanibago.

"Okay." tumango pa ako.

Nang makadating ako sa tapat ng bahay namin ay nakita ko na naman ang mga itim na sasakyan.Paalis na ito ng makababa ako mula sa sasakyan ni wil.

Bahagya akong nakaramdam ng kaba sa pangalawang pagkakita ko sa sasakyan.Naligaw na naman ba ito?O baka may hindi sinasabi sila akin.

Agad akong tatakbo papasok at hindi na inintay ang kasama.Sa pagbukas ko ng kawayang pintuan na tagpuan ko humihiyaw na ama at umiiyak kong ina habang ng lingunin ko ang isang babae na hindi malayo sa edad ni Mama.Nakatayo na rin ito at umiiyak. Parang galing sila sa pagtatalo na nakapagtaka sa akin.

Nakaitim na damit ngunit mukhang mamahalin at kilala ang suot ng babae.Makulay at simpleng kolorete na bumagay dito.Nakatingin na ito sa akin ng bigla akong hinila papunta sa likod ni papa.

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ni papa habang mariin hawak ang aking kamay.Hawak na parang hindi ako maaring makuha o maagaw ng iba.

"Papa ano pong nangyayari bakit po kayo nagtatalo?" hindi ko na napigilang magtanong sa aking amang kanina pang balisa.

Maluluha ako ng hindi ko alam na dahilan habang nakikita kong ganito ang aking mga magulang.

"Papa-" hindi ako pinatapos nito.

"Victoria umalis ka muna dito.Please anak makinig ka sa tatay."

"Papa pero bakit-"

"Makinig ka nalang!" napapitlag ako sa lakas ng pagkaksabi ni papa.Ngayon ko lang ulit sya nakita na ganito sa halos ilang taon namin dito sa nayon.

"Lumabas ka na muna." mahina na at may pagsusumamo sa boses ni mama.

"Siya na ba ang batang iyon?Vergilio" may diin na tanong ng babaeng kay papa.

Napatingin na ako sa maamo at mukhang hindi malupit na babae sa amin harap.Nanginginig na ang kamay ni papa at pilit akong itinago sa likod nito.

"Anak namin siya.Hindi siya ang batang hinahanap mo!"

"Papa ano po bang-"

"Lumabas ka na muna." may diin pa din sambit nito.

"Bakit hindi mo iharap sa akin ang batang iyan kung anak nyo sya!"sumigaw na ito.

Bumukas ng malaki ang aming kahoy na pintuan.Iniluwa nito ang kaninang kasama kong si wil.Seryosong mga mata ang nakikita ko na sa kanya ng lumapit ito sa babaeng nasa harapan namin.Taas babang dibdib at mapulang mukha na kanina pangmukhang umiiyak.

"Ma'am tama na po." si wil na hawak na ito sa likod.

"No!Hindi ako aalis hanggang hindi ko nalalaman kung saan di nala ni ng dati kong kaibigan ang anak ko!"

Anak?Hindi ko maintindihan.Anong anak?Sino?Si papa may kinuhang anak ng ibang tao?

"Victoria lumabas ka na muna.Please?" si papa na kanina pa akong pinilit.

"Lalabas lang po ako papa.Kung sasabihin nyo sa akin kung anong nangyayari." mariin kong sagot na ikinabaling nya para harapin ako.Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga magulang kong kanina ko panghindi maintindihan.

"A-anak.." si papa na halos mapaos na.

"Papa ano po ba?Bakit nandito po sya at bakit may hinahanap na anak?Sabihin nyo po sa akin.Mama?Papa?Andaya-daya niyo.Ano po bang problema bakit ayaw nyo pong sabihin sa akin!"

Nag-unahan na ang luha sa aking mata sa buong tapang kong tanong.Sa nanginginig kong tuhod pilit kong itinayo ang sarili ko para mapanatili ang sariling nakatayo.

Napaluhod si papa bigla sa harap ko.Dinaluhan naman ka agad naman ito ni mama na kanina pa ding may mapulang mukha.

"Papa ano pong sinasabik nyang anak niya na kinuha niyo?" mahinahon ko ng tanong.

Patuloy parin sa pag-iyak ang babae na hanggang ngayon ay pinakakalma na ni William.Kahit si william tahimik rin at hindi na mamakialam.

"Papa-"

"Hindi ka namin tunay na anak!" buong lakas na sagot ni papa na nakapagpaluhod sa akin.Parang nawalan ako ng lakas sa narinig kong sagot kay papa.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.Para akong nawalan ng suplay ng hangin sa sobrang sakit na nararamdaman.Naguguluhan na ako sa mga nangayayari.Hindi ko malaman kung nagsisinungaling ba si papa o nagsasabi sya ng katotohanan.

Nakatungo ako habang nakatingin sa malamig na sahig.Nag-uunahan na ang pagpatak ng mga luha sa aking mapupulang pisngi.

"P-papa s-sabihin nyo hindi po ba nagpapatawa lang po kayo?"pilit ko lang na sambit kahit na napapahagulhol na ako sa iyak.

Hindi sumagot si papa.Napaluha ako na ako ng tuluyan.Si Mama ay napapaiyak na rin sa mga hindi inaasahang ganap.

Kailangan kong magpakatatag at huwag hayaang magpadala sa emosyon.Maging matatag ang nais ko ngayon at hindi takot at kaba.

" Papa naman sagutin nyo ako?Papa!"agad kong pinaglandas ang luha sa akin at pilit na tumayo para tanungin ang ama.

"Pa?Bakit?Bakit?"

Napasuntok ng mahihina si papa sa kanyang mga hita habang nakaluhod pa ding umiiyak.

"Vergilio.Bakit ayaw mong aminin sa harapan nya na ako ang tunay niyang magulang at hindi kayo ni anicia!..Please.." utos ng babae kanina pa ding umiiyak.

Ibig sabihin nito?Hindi ako tunay na anak ni papa?Ampon lang ako.Hindi nila ako kadugo.Wala lang ako sa kanila.Wala kaming koneksiyon talaga sa buhay.

Bakit andaya?Bakit andaya-daya?

While The Day Comes(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon