Accident
Lumuwas na raw si papa ng pagkagising ko kinaumagahan araw ng Linggo.Wala pang pasok kaya sa bahay na muna ako kasama ni Mama.Tinulungan ko sya sa paglilinis ng bahay makatapos naming kumain ng umagahan.Pagkatapos naman ay nagtupi ako ng nilabhang damit ng aking ina kahapon.
Makatapos ang pagtutupi ay nagwalis naman ako sa labas ng bahay.Diniligan ko rin ang mga iilang halamang bulaklak.Medyo na tutuyo na kaya nagdungkal ako ng lupa sa likod bahay para pampataba sa lupang tuyo na sa halaman.
Napalingon ako sa ilang yabag mula sa likodan ko.
"M-magandang umaga." tumango sya sa akin at lumapit sa ginagawan ko.
"Tulungan na kita dito."umupo sya sa tabi ko at inagaw sa kamay ko ang dulos na pandukal.
" Hindi na.Kaya ko na ito.B-baka madumihan lang kayo."kainis na utal pa ako sa huli.
Tinitigan nya ako sa mata.Nagpapahiwatig na kaya nya kahit hindi ito magsalita.Gusto ko mang ipilit ay hindi ko na sinundan ng pangungulit.
Tahimik kaming dalawa.Siya ang nagdudukal habang ako ay naglalagay sa timba ng padakot dakot.
Hindi pa tirik na tirik ang araw ay pinagpapawisan na ako.Nilingon ko si Wil pansin ko ang mga butil ng pawis na nabubuo na rin sa noo nito.
Tumayo ako sa pagkakaupo at sandaling pumasok sa loob para kumuha ng malinis na tuwalya.Ayoko naman na isipin nya na pinahihirapan namin ito.Sobra na ang tulong na ginawa nya kahapon kaya para makabawi ay magmamagandang loob ako.
Pagkalabas ko ay nadatnan ko na inilalagay nya naman ang mga lupang nadukal sa timba.Marumi na ang kamay nya.Kung kanina ay butil butil pa ang pawi kasalukuyan na ngayong tumutulo sa noo nito ang pawis dahil sa init ng araw sa likod bahay.
Nilingon nya ako kaya ng magkatitigan kaming dalawa ay nagiwas ako at lumapit nalang.
Nagangat siya sa akin ng tingin ng makalapit ako sa pinagdudukalan ng lupa.
"Ahm..Punasan mo."tinuro ko yung pawis nya sa noo at inilahad ang panyong pamunas.
Natawa muna sya kaya napakunot ang noo ko.
" Madumi kasi yung kamay ko.Pwede bang ikaw nalang."sa boses ng pagkakasabi nya parang hinele akong bata para mapasunod.
Para hindi naman maging awkward ang pakikitungo ko pagdating sa kanya ay ginawa kong punasan ang pawis nito sa noo.
Marahan lang ang paraan ng pagkakapunas ko.Kahit pawis na ay amoy na amoy parin ang panlalaking pabango.Naliliyo ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin kinakabahan ako dahil ngayon lang ako sa buong buhay ko nakaranas ng ganitong kaba.
Sa paraan ng pagpunas ko ay panay ang titig ng maamo nyang mga mata.Ang guwapong mukha na hindi ko masyadong matitigan dahil sa nagkakagulo kong nararamdaman pagnagtangka.
"Tapos na."ibinaba ko na ang pagpupunas sa noo nya at nagiwas na ng tingin.
Tumayo na ako.Pagkatayo ko ay naramdaman ko ang magaspang na kamay nito.Sa paraan ng pagkakahawak nya ay parang kasing lambot ng unan siya kung humawak sa nanginginig kong maliit na kamay.
"Salamat."
Tumango ako bilang sagot.Nakakahiya.Napansin kaya nya na kinakabahan ako kanina pa?Ayoko namang itanong at baka mali lang ang iniisip ko.
"Kukuha na ako ng maiinom na tubig muna sa kusina.S-sige." tuluyan ko na itong tinalikuran at baka mapasalampak pa ako dito sa lupa dahil nangangatog na ang tuhod ko.
"May lagnat ka ba hija?"tanong ni papa sa akin.Umiling ako bilang sagot.Kadarating lang nito galing manila ngayong saktong nakagapos naming magluto ni Mama.
"Bakit ka namumula?"
Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko at kinapakapa.Mapula ba talaga?Hay!Nakakahiya.
"Kinikilig ka noh?" tukso ni Mama na katatapos lang maghain ng ulam na gulay.Natawa ako sa sinabi nya at muling umuling.
"Hayaan mo na ayos lang yan sa dalaga.Sino kaya?" usisa nanaman ni papa.
"Papa!Mama ano ba kayo..."
"Aba't wala naman kaming sinasabing masama.Pero sino nga?" ulit na naman ng makulit kong papa.
"Manliligaw siguro vergilio.Sa ganda ba naman ng anak natin.Pipila talaga ang kalalakihan diyan." natawa nalang silang dalawa ni papa.
"Mukhang tama ka.Balita ko nga sa mga kumpare ko kadaming manliligaw nareng si Victoria,Anicia.Yung mayaman na anak nung negosyanteng tagabayang lalaki.Sino nga ba iyon?" si papa na kanina pang nangngulit tungkol sa mga lalaking yan.
"Si Nathan po?Papa kaibigan ko lang po yun." dipensa ko sa nalalaman nila.
Nakangiting aso parin ito na parang di kapaniniwala ang sinabi ko.
"E paano naman yung naghatid sayong nakamagandang sasakyan?Kaybigan ba o kaibigan?" natawa si papa sa huli nyang binanggit pati si Mama nakisali na rin.
Kaibigan lang ang turing ko kay seb.Kahit alam ko may nararamdaman itong paghanga sa akin.Ayokong isipin ng iba na kaya lang ako makikipagrelasyon ay dahil may kapangyarihan at pangalan ang pamilya sa industriya.
"Kumain na lang po kayo." yan na lang ang nasabi ko at hindi ko na sila pinansin sa panunukso.
Mabilis ang naging takbo ng oras.Malapit na ulit ang exam para sa first semester.Bumuhos na naman ang mga group project kaya naging abala na naman ako para sa nalalapit na pagsusulit.Hindi na ako gaanong nakakasama ka tatay tuwing weekend para sa pagpuntang maynila dahil palagi na akong pumupunta sa bahay nina Rita para sa iilan pa naming proyekto.
"Hindi ka ba magdadala ng sasakyan rita?" si jino na init na init na dahil sa tirik na araw ngayong tanghaling tapat.
"Kalalake mong tao.Di na no!Sayang lang yung gas ko.Si dad pa nagpafull nyan kahapon." sagot ni rita na ngayon ay may kinukuha ng payong sa likod ng kanyang sa sasakyan.
"Akin na nga yan." si jino na ang naghanap ng payong kaya hinampas ni rita ito sa may puwitan.
Nagulat pa ako sa ginawa nya.Natatawa ito sa naging reaksyon ni jino.
"Pogi sana maarte lang.Lalaki kaba?" humagalpak pa ito ng tawa sa sinabi nya habang si jino ay iiling iling lamang pinagpatuloy ang paghalikwat ng payong.
"Baliw na babae..Andito ba talaga?"si jino na mukhang na iinis na kay rita.
Sa ilang buwan naming pagsasama bilang magkakaklase ay naging malapit na ako sa dalawang aso't pusa.
Natatawa na ako kung minsan nagaaway at nagaasaran ang mga ito.Nagkikita parin kami ni nathan tuwing maypasok pero tuwing kung kailan lang libre ako.Madaming mga kailangang proyekto ang tapusin kaya kapag niyaya ako nitong lumabas para magpunta sa bayan ay agad kong itinatanggi.
"Huwag na nga kayo dyang magtalo baka magkatuluyan pa kayo."
"No!" sabay pa silang nagsalita kaya hindi ko na napigiling hindi matawa sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
While The Day Comes(editing)
FanfictionA simple girl living with her loving father and mother that was all Victoria wish and for her she was so lucky because the thing that all she need was being granted. But in unexpected,All for Victoria's life change one day after she found out that...