Kabanata 9

0 1 0
                                    

Nakalabas na rin naman ako ng araw na iyon sa ospital.Pinayuhan lang ako na huwag munang maglalakad para hindi mabinat ang aking paa.

"Thank you nga pala sa pagpunta at hindi pagsasabi kay na papa at mama ng pangyayari." basag ko sa katahimikan na kanina pang bumabalot sa amin habang nagmamaneho ito.

"Alam kong maling maglihim pero-" dugtong ko pero nagsalita na ito.

"Huwag ka ng umalis ng walang kasama." parang pinal at sermon ang kanyang litanya.

"Kasi sina rita at jino-"

"Kahit na kailangan mong magsama palagi.Huwag ka ng umalis ng hindi sa kanila nagpapaalam."

"Pero-"

"Nalaman ko sa kaibigan mo na tumawid ka ng mag-isa at iniwan mo sila ng hindi nagpapaalam."

Kanina ko panggustong magexplain pero hindi nya ako pinatatapos.Nagagalit ba talaga siya.

"Okay."

Pinaharurot na nito ang sasakyan at hindi na ako sinagot pa.Mukhang galit na naman.

Pagkahatid nya sa akin sa bahay ay nagpaalam pa naman ito kay na papa pero hindi na ako muling nilingon.Seryoso talaga sya.

Medyo makirot pa naman sa sakit pero niresetahan naman ako ng Doctor ng gamot na kailangan inumin.

Lumipad ang oras at araw na nga ng aming pasahan ng proyekto.Napasa naman namin ang hindi natapos nung nakaraan dahil sa aksidente.Kinakausap naman ako ni wil pero kasing lamig ng yelo kung makisama sa akin.

"Uy kamusta na?" sabay akbay sa akin ni nathan.Basa pa sya at mukhang katatapos lang ng swimming lesson.

Tinabig ko ang braso nitong medyo basa na nakaakbay.

"Basa ka kaya!"

Natawa ito sa reaksyon ko sa kanya.

"Sorry po your majesty." sabay halakhak ng tawa.Hinampos ko naman ito sa braso sa inis.

"Kumusta na tayo.Tagal kitang hindi na kita.Nakakamiss pala." nakanguso at parang nagtatampo ng sabi nito.

Ako naman ang natawa kaya pinisil ko ang pisngi nito."Ang arte!"

"Seryoso ako.Namiss kita.Hay!!Yan ang ayaw ko e.Kapag mag-uulan ng project ang mga teacher di ko makita ang girlfriend ko."

Nagulat ako sa sinabi nito kaya ginusumot ko ang mukha nitong tatawa tawa.

"Ano ba may makarinig sayo?Girlfriend ka dyan?Suntok?"banta ko rito.

Nagtaas ito ng dalawang kamay bilang pagsuko habang patuloy sa paghalakhak.

"Hatid na kita mamaya pag-uwi mo?"

"Huwag na maglalakad na lang ako.Bukas na lang ulit tayo magkita sinabi kasi sa akin ni rita na kakausapin pa daw nya ako bago umuwi.Sige."

Parang tutang nanlumo ito sa sinabi ko kaya wala na itong na isagot na iba kundi sumang-ayon.

Nasa canteen na akong nagiintay kaunti na ang mga estudyante ngayong hapon.May nagpapakilala at iilang lumalapit pero hindi rin naman sila nagtatagal dahil hindi ko gaanong magawang makabuo ng pag-uusapan.

"Vy!" papasok na si rita sa may pinto ng kantina.Kumaway ako sa kanya kumaway rin naman ito.

"Madali lang naman ito.Huwag kang mag-alala hindi ka hahapunin.Just a little bit interview.Ayus lang ba?" nakalapit na ito at nauupo sa may harapan ko.

"Ano ka ba ayus lang?Ano bang itatanong mo?" ako na ang nagtanong.

Ngumisi pa ito at bahagyang hinawi ang buhok sa leeg.

"Ikaw ha di ka nagsasabi!" hinampas pa nito ang kamay ko na nagtatago ng saya ang mukha.

Kumunot ang noo ko sa sinasabi nya.

"Anong hindi ko sinabi?" nagtataka kong tanong.

"Indenial ka pa girl.Hindi mo maitatago sa akin yan.You will never blame me.Huh?"

Natawa na lang ako sa pinagsasabi ng kaibigan kong ito.

"Alam mo direksiyonin mo na nga ako.Anong hindi ko sinasabi?Sabihin mo na.Please?"

Nagningkit pa ang mata nito at pinagsiklop ang kamay.Kakaiba sya ngayong araw na ito.

"Ka kilala mo si William Alvarez?"

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa tanong nya.Paano ko sasabihin sa kanya na matagal na nga kaming magkakilala ni wil?

"Huh?Ahmm-"

"Huwag mo ng sagutin alam ko na.Bakit hindi mo sinabi sa akin!"namula na ito sa kilig.

" Hindi ka naman nagtatanong."

"Alam mo bang parang tanga ako sa harap niya ng tanungin nya ako tungkol sa iyo?Parang baliw na ako.Ewan ko nga kung anong pagmumukha pa ang meron ako ng kausapin nya ako." napapairit pa ito sa kilig.

Napapatingin na ang ilan kaya pinuna ko itong huwag gaanong maingay.

"Nanliligaw na ba yun sa iyo?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sunod nyang tanong.Tumungo ako at nag-isip.Nanliligaw ba sya sakin?Hindi naman.Mukhang malabo na magkagusto siya sa isang tulad ko.Mayaman at magandang babae lang naman din ang bagay sa kanya.Hindi siya nababagay sa isang tulad ko.

Hindi ko sinagot si rita sa tanong nya.Parang sina walang bahala ko nalang ito at kinalimutan ng oras na tanungin nya ako.

Nasa may bukana na ako ng daan patungo sa amin ng makasalubong ko ang tatlong itim na mamahaling sasakyan.Tumabi ako dahil sa makipot na daan.Bahagya pangtumigil ang isa sa mga sasakyan sa tapat ko.Kinabahan akong tumungo at nagpatuloy sa paglalakad.Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking libro dahil sa pananatili ng sasakyan sa aking daan.Pagkalampas ko ay bumaling pa ako muli sa sasakyan.Umandar na muli ito at unti unti ng lumayo.Nakahinga naman ako ng malalim sa pag-alis nito.

Sino kaya iyon?Bakit parang sa amin galing ito?Pagkarating ko sa bahay ay saktong naghahain na si Mama ng makakain.

"Si papa mo nandyan na po ba sya?" tanong ko pagkatapos kong magbaba ng gamit sa aming kawayang upuan.

"Nasa likod lang mukhang nagpapahangin."

Ngumiti pa ako at nagmano bago pumunta sa likod para puntahan si papa.Umihip ang malakas na hangin kaya nayakap ko nalang ang sarili ko.Papalubog na ang araw.Nagaagaw na ang kulay ng liwanag sa dilim.Nakaupo si papa sa may malaking bato habang naghahagis ng malilit na bato kung saan.

"Papa." lumingon ito sa akin kaya nilapitan ko naman ito.

"Oh?Victoria anak nakauwi ka na pala."nagpunas pa ito ng luha.Napansin kong namumula pa ang ilong nito.

" Umiiyak po ba kayo papa?"hindi ko na napigilang magtanong.

"Ah e hindi sinipon lang ako.Wala ito.Iinom nalang siguro ako ng gamot.Halika na at malamig na rito sa labas."

"Mukha nga pong sisiponin kayo papa.Tara na po sa loob."

Tumango ito at nagsabay na kaming pumasok sa loob.

Habang kumakain kami napansin ko na sobrang tahimik nila.Parang nakakapanibago naman.Walang pangaasar sa akin silang iginagawad.Tanging tunog lang ng paggalaw ng mga kubyertos ang naghaharing tunog sa buong bahay.

"Mama papa bakit nga po pala may magandang sasakyang mukhang galing dito pumunta?" basag ko sa katahimikan.

Napatigil si Mama sa pagsubo.Si papa naman ay napainom ng tubig sa baso.

"May sinabi ba sila sayo anak?" si Mama na kaninang napatigil sa pagkain.

"Wala naman po.Nagtataka lang po ako.Papa bakit kaya?" sinulyapan ko si papa na kanina pangwalang imik.

"N-naligaw lang yun.Nagtatanong kung saan ang daan patungong Albabueno.Yung malapit na patahian.Sinabi ko na mali ang daan kasi diba balabal tayo?"

"Ganun po ba akala ko naman kung sino ng bisita ang dumating galing dito."

Tumango ako kaya isang ngiti ang iginawad nito sa akin at nagpatuloy na ulit sa pagkain.Natapos ang araw na ito ng walang pangaasar si papa sa akin kaya napakalaking pagbabago.

While The Day Comes(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon