Kabanata 6

1 2 0
                                    

Crush

Natapos ang araw sa biruan ng lahat para kay sebastian.Natatawa ako sa biro nila para kay seb.Para kasing bata na inagawan ng candy kung makipagtalo na itigil ang panunukso.

"Hi..Victoria.H-hatid na kita." nagulat ako sa paglapit ni sebastian sa gilid ko habang nag-aayos ng mga ginamit.

Napakamot ulo pa ito at hindi na gaanong makatingin.

"Sinasabi!Bro ikaw na!" sigaw ni samuel na isa sa mga nanguna sa panloloko dito.

"Tss.."

"Sebastian salamat nalang.Maaga pa naman baka may masakyan pa ako dyan sa kanto." pinagpatuloy ko ang paglilinis at hinarap sya na parang walang ng yaring panunukso.

"Hayaan mo na girl makulit yan bahala ka." bulong sa akin ni rita sabay sulyap kay sebastian na may ngising nakaloloko.

"Please?"ani ni sebastian.

"Payag na girl." siniko pa ako nito habang nakangising aso.

"Dont worry kung ang inaalala mo ay sarili mo hindi naman trip to heaven yan magmaneho."tumawa pa ito.

Hinarap ko si Sebastian na naghihintay ng sagot ko.Napapakamot pa ito kung papayagan ko ba o hindi.

" Okay."simple kong sagot na ikinatuwa nya.

Pinili kong sa backseat na lang umupo para hindi awkward kung sa front seat pa ng sasakyan nya ako maupo.

Nakisabay na rin sila rita at jino babarin naman daw sila agad at may daraanan pa.
Itinuro ko ang daan kay sebastian patungo sa amin.Hindi naman maputik kaya madali ang sasakyan nyang nakadaan sa hindi sementadong daan.

"Salamat ulit.Naabala pa kita." magaan pa rin ang pakikitungo ko habang sya nahihiyang tumango at nagpaalam.

Pagkababa ko ay nadatnan kong nakasandal sa puting ford expedition ang lalaking may matalim at seryoso mga mata na ipinupukol sa akin.

"Another suitor?" gosh!heto nanaman sya ang mga matang nakakapanakot titigan.

"Huh?"

"So may bago kana ulit manliligaw?" nakaekis pa ang braso nya na seryosong pinagmamasdan ang aking kabuuan.

"Hinatid lang ako.Kaklase ko yun.Si sebastian."

"Tss.." nauna na iting naglakad papasok sa bahay namin habang ako ay naiwan dito sa labas ng may pagtataka sa isipan.

Palagi nalang syang ganyan Victoria!Masanay ka na nga.Pano ko ba masasanay ang sarili sa taong napakaseryosong tulad niya.

Nung isang araw lang ng hinatid ako ni nath nagsimula na syang magkaganyan.Ngayong si seb naman umiral nanaman ang seryoso nyang pakikitungo.

Beast mode na naman ba sya?

Parang daig nya pa si tatay kung magalit sa mga nagmamagandang-loob na maghatid sa akin.Hindi naman sa nais ko na magpahatid talaga.Puro magaganda naman ang dahilan nila at konsern lang sa pag-uwi ko.

"O vergilio nandyan na pala si victoria." anunsiyo ni mama ng makita akong papasok sa sala.

Lumapit ako dito at humalik sa pisngi ng aking ina.

"Tamang tama kanina ka pa na hinihintay ni sir."sabi ni Mama.

So,ako pala ang dahilan ng presensya na naman nito sa amin.

Bumulong ako kay Mama." Ma kanina pa po ba yan?"mahina kong tanong.

"Naku anak kanina pa yang tanghali dito.Ipinunta ka nya kaya nandito ang sir.Sinabi nga naming baka hapunin ka pero ang sabi hihintayin ka nalang daw baka sya umalis."bulong din nito sa akin.

Tanghali!

" T-tanghali..So ibig sabihin kanina pa po yan dito?"

Tumango tango si Mama sa akin at nagtataka sa naging reaksyon ko sa sagot.

"Anak!Victoria.." nakalabas na si papa sa kwarto na halatang katatapos lang maligo.

Nagmano naman ako at humalik sa pisngi ng ama.

Nakaupo na sa kawayang silya ang lalaking halatang may seryosong mga mata na ikinakakaba ko kanina simula ng malaman na kanina pa pala ito.

Ano kayang ginawa nito kakahintay sa pagdating ko?Magagalit nga naman sya sa tagal ko ba naman.

Kumirot ang puso ko at parang uugatan na sa kakaisip.Kalahati ng utak ko nagsasabi na kailangan ko nga itong makausap para magpatawad sa paghihintay at ang kalahati naman ay nagbubulong ng bakit ko kailangan matakot hindi ko naman sinabing hintayin nya ako.

Focus Victoria Zofia Malin..Focus!

Ano bang meron sya na nakakapag palito at kaba sa buhay ko?

Umalis na raw si Wil ng makatapos akong maghugas ng pinggan gusto ko sana syang kausapin sana about sa walang abiso pagdalaw ay hindi ko na nagawa dahil sa napagod nga ito sa kakahintay.

"Victoria umamin ka nga sa amin ng Mama mo?Nanliligaw ba sayo yang si sir william?"si papa na seryoso na akong tinitingnan.

" Hindi po papa.Di ko nga po sya gaanong kaclose."pag-amin ko para naman mapanatag na ito.

"Talaga ba e parang kanina wala talagang balak umuwi kung hindi ko lamang kinatulong sa pagsisibak ng kahoy para hindi mabagot kahihintay sa iyo,hija" pag-amin ni papa na ikinagulat ko.

"Ginawa nyo po yun tay?Papa naman nakakahiya naman kay sir." sagot ko.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako na matutuwa sa ipinagawa ng papa ko rito.

"Abat malay ko ba?Gusto ko mang tanungin kung naakyat ba sya manligaw sa unika hija namin.Ay hindi ko na nagawa at talagang nagprisinta itong si Sir na magsibak.Laking pasasalamat ko nga at napuno ang tungko ng gatungan natin" masayang balita ni papa.

"Tama ka dyan.Napakabait talagang bata ni sir william.Mukhang na alagaan ng may mabuting kalooban.Kahit mayaman e hindi sya yung taong na tingin sa lebel mo sa buhay." si mama na proud na din dun kay wil.

Ano kayang napakain nun sa magulang ko at ganito nalang kung maipagmalaki??Daig pa akong mismong anak nila kung mapuri.

"Hija,magsasabi ka sa amin ng tatay kapag naakyat na ng ligaw ang sir." tukso sa akin ni mama habang ito naman si papa natawa na.

"Mama namin e.Kayo ba itong babae na nakakaranas ng ganito!Kung makapagdesisyon kayo parang magugustuhan ko yun?" mataray kong sagot kaya natawa nalang ang magulang ko.

"Ano pa bang hanap mo anak?Guwapo,matcho at masipag lalong lalo na mabait na bata.Kita na ang swerte ng pagmamahal ng magiging parte ng buhay nya.Marunong magsumikap kahit na mayaman na sila ay natuto pa ding tumayo sa sariling mga paa ng may pagsisikap." nagtutupi na kami ng pangluwas na balabal ng

Ilang saglit akong natigilan sa sinabi ni papa tungkol kay Wil.Kung pagbabatayan nga bagay na bagay itong maging modelo.Sisikat sya at lalong makikilala.

Hindi ko ni nais na maghangad ng katulad ni Wil sa buhay ko.Kahit sina Nath at seb kahit mga mababait sila sa akin kahit kailan hindi ko hinangad na magkaroon ng nararamdaman.At kung meron man crush lang o pagkakaibigan ayos na.

Ang tulad ko ay hindi bagay sa mga kagaya nila.Siguro kailangan ko nalang magsikap at atupagin ang pagaaral kesa sa pakikipagrelasyon.Nang para sa pagtatapos ko makahanap agad ako ng disenteng trabaho pangahon sa kahirapan sa buhay.

While The Day Comes(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon