Simula
Pikit mata kong dinama ang simoy ng hangin ng makabalik ako sa amin.Napakaswerte ko pala dahil nalalanghap ko ang preskong hanging tulad nito hindi gaya sa bayan.
Usok at mabaging amoy ng basura na ginagawa ng tao nakakasama sa kapaligiran.
"Anak!Victoria kakain na tayo tawagin mo na ang papa mo!" tawag ng aking ina mula sa aming kusina.
Gawa sa kawayang tambil na pader ng aming bahay ang nakapalibot sa apat nasulok naming simpleng tahanan.Bintanang gawa rin sa dahon ng puno ng niyog.Tagpi-tagpi na bubong dahil sa ilang kalamidad na dumadaan.
Minsan ko ng hinangad na magkaroon ng maganda't eleganteng bahay kung saan pinagsisilbihan ng maraming mga tao nguni't pumasok sa isip ko na hanggang pangarap na lang iyon.
Binalak kong mag-aral sa bayan noon nguni't sa kasamaang palad wala kaming sapat na pera para sa aking pagpapatuloy sa kolehiyo dahil sa magiging pangtustos sa araw-araw.
Highschool lang dito sa nayon ang natapos ko.Maganda naman ang aking mga grado sa eskwela kaya lang sa paminsan-minsang bayarin na pangpagawa ng proyekto hindi ako nakapagbibigay kaya bumababa ang aking iilang marka.
Iminulat ko ang aking mata at humugot ng malalim na buntong hininga.Sana dumating ang araw na may magawa rin akong maganda para makalaya na kami sa kahirapan.
Panibagong araw isinama muli ako ng aking ama sa palengke.Kumaway si Aling Celia sa direksiyon namin upang ituro na duon nalang dalhin ang balabal.
"Naku vergilio buti naman kasama mo ulit itong si victoria.." masaya at malawak na ngiti ang iginawad nito ng tumingin sa akin.
"Ayaw paawat aling celia e.Kaya yan kasama ko ulit." natutuwa at mapagbirong sagot ni papa.
"Buti at sinama mo ulit si victoria.Halika hija at dito ka muna't maupo sa aking pwesto."
Natigil muna ako at pinroseso ang huling sinabi ng matandang babae.Ibig sabihin...
"Huh?." nagulat din si papa sa sinabi nito.
"Naku!Vergilio hindi ko nga pala masabi saiyo kahapon na nasa kaibigan ko pala ang bayad ng balabal mo kahapon.E hindi ko nakuha kanina kaya gusto ko sanang sabihing ngayon ko isasaglit kay victoria muna ang pwesto at makuha ang bayad."
"Ganun ba.O sige tara't ating puntahan kung malapit lang ang pwesto rin ng inyong kaibigan." sagot ni papa.
"Victoria anak ikaw muna rito sa pwesto ni aling celia at sasaglitin lang kami para kunin ang bayad.Babalik din kami kaagad ng makauwi na tayo."si papa.
Tumango nalang ako kahit sa kalooban ko ayaw kong pumayag.Hindi ko pa kayang maging mag-isa sa ganitong mataong lugar lalo na kunh ako mismo ang haharap sa mga mamimili.
Pinisil pisil ko ang aking kamay at naupo na sa silyang nasa harap.Humayo na sila papa.Habang ako naman ay nag-iingay dito.
Narinig ko na nagtatawag ng mga suki ang iilang mga tindera kong katapat habang ak'y basta naka upo lang at nakataklob ang mukha.
Ang aking mahabang damit ay bahagyang lumapat sa sahig dahil sa baba nadin ng upuan.Sinikop ko ang aking tela sa mukha at inayos ito.
"Ate Kuya!!Bili na kayo." tawag ng babaeng nasa tapat ko.
May lumapit na iilang mga tao ng tumawag ulit ito.Natuwa naman ako sa kung papaano nito kayang makiusap sa mga mamimiling dumadaan.
Dahil sa katapat ko na din ang tindahan nito ay may mga ilang tao nadin ang pumunta sa aking puwesto kaya agad akong tumayo at inasikaso ang mga ito.
"Isang kulay pulang balabal nga at kulay lila na din." maamo at may pagkaeleganteng sambit ng lumapit na babae sa aking pwesto.
"Sige po.."
Kinuha ko at isinupot sa kulay asul na plastik inilagay ang balabal.
"Salamat.." tumango ako rito at inayos ang pinamili.
Pagkaabot ay mataman ko itong nginitian.She only glanced at me then look at me head to foot.
"Taga rito kaba hija?"
"Huh?Ah..hindi po.." Simple at nahihiya kong sagot sa babae.
"Foreigner ka ba?" agad akong umiling sa tanong nito at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
"Mukha ka kasing taga ibang bansa.Sorry sa usisa.Sige.."
Pagkaalis ng babae ay napaupo agad ako at huminga ng malalim.
Hay...Madami ng nagsabi na kung anak daw ba ako ng Amerikano dahil sa kakaiba kong angking ganda.Matangos ang aking ilong,makinis na balat.Matangkad na babae at may sapat na ganda ng hubog na katawan.
"Excuse me."a man presence of baritone voice.Napaangat ako ng tingin sa pagkakaubob ng may magsalita sa harapan ng paninda ni Aling Celia.
Nanlaki ang mata ko sa nasa harapan ko.Woah!Tulog ba ako?Bakit may gwapong nilalang dito sa harapan ko?
Napatayo ako at medyo kinabahan sa biglaang presensya niya.
"Bakit?"
Medyo nagulat ako sa tanong kong iyon sa lalaking ito.Siyempre naman Victoria bibili yan!
Napakagat labi nalang ako bigla sa hiya.
"Itatanong ko lang sana kung asan si aling celia?"
"S-si Aling Celia ba?Ah..Umalis muna pansamantala at may sisingilin lang..p-po.."
Na ngo-po ka pa talaga?
"Ganun ba?"
"Babalik din po iyon.Kung iintayin nyo?"
Tumango ito at sumang-ayon naman sa aking sinabi.Bumalik ako sa pagkakaupo at nagkunwaring abala sa pagaayos habang ito ay pansin ko sa gilid ng aking mata na nakatingin ito sa akin.
Tahimik kong inayos ang iilang balabal sa likod upang matalikudan ito.Hindi ako komportable sa titig niya.
"Bago ka dito?" basag nito sa katahimikan na bumalot sa ibilang oras na pagtayo.
"Ah..Opo."
Opo.Ganyan ako pagdiko kilala ang kausap ko.Yan dapat ang isa sagot ko bilang pagtatama at baka magtaka pa ito.Nguni't na unahan na ako ng pagtawa nito ng marahan.
"Satingin ko hindi naman siguro kalayuan ang edad natin.Ako nga pala si-"
Hindi ko narinig ang sinabi nito huli sa nabasag na bubog ng kalapit kong tindera.
"Naku!Naku!"sambit ng matanda at agad nilinis ang nabasag.
Nilapitan ko ito at tinulungan na sa paglilinis.
"La.Ako na po." kinuha ko sa kamay ng matanda ang walis at dustpan nguni't itinanggi nito at sinabing baka mabubog pa ako.
"Naku!hija huwag na at baka masugatan ka pa.Hayaan mo na ako rito.Salamat na lang." paliwanag ng matanda at nagboluntaryo ng paglilinis.
Bumalik ako sa pwesto at nakitang wala na sa kaninang kinatatayuan ang lalaki.Umalis na siguro at nainip.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Aling Celia.Nagpasalamat pa ito sa akin sa pagbabantay.Nagpaalam na kami ni papa na uuwi na para tumulak na at malayo pa ang byahe namin.Sumang-ayon naman ito sa sinabi ni papa kaya umalis na kaagad kami.
BINABASA MO ANG
While The Day Comes(editing)
FanfictionA simple girl living with her loving father and mother that was all Victoria wish and for her she was so lucky because the thing that all she need was being granted. But in unexpected,All for Victoria's life change one day after she found out that...