Life
Pagkagising tinanong ko kay Mama kung nasaan si papa.Pansin ko kasi na hindi namin kasabay sa umagahan.
"Si papa po?"
"Naku.Victoria na una na sa iyo.Hindi ka na pinagising sa akin dahil baka na pagod ka raw sa pagbabantay sa pwesto ni aling celia."
"Hindi naman po.Masaya nga po palang magtinda Mama.Lalong lalo na kapag nakikita mo na masaya ang mga tao roon kapag malaki ang mga benta nila."
"Parang halata nga na hindi ka na pagod anak.." natawa na lang kami.
"Anak mapapagaral ka na namin ng papa mo sa taong ito." masayang balita nito sa akin.Natigilan akong bigla sa pagkain at nilingon ang ina.
"Talaga po Mama?" mangiyak-ngiyak ko ng tanong na may tuwa sa balitang narinig.
"Nakaipon na si vergilio ng sapat na pera sa darating na pasukan para sa pagpasok mo,hija."
Tumayo ako sa kinauupuan at niyakap ang ina."Salamat po.."bulong ko sa balikat nya.
Sa lumipas na ilang buwan ay hindi na ako sinasama pansamantala ni papa sa pagluluwas ng balabal sa lungsod.Maging abala na lang daw muna ako sa darating na pasukan.Masaya nguni't may halong kaba pa din dahil sa mga bagong mukha.
"Ako na po,Pa" inagaw ko sa kamay nya ang tinutuping balabal dahil kanina pa itong halatang na pagod sa pagbyahe.
Ngumisi nalang ako at nagbigay ng kasiguraduhang kaya ko na ito.Hinawakan muna nito ang balikat ko at tumango.
"Salamat, anak."Halata sa itsura at pangangatwan nito ang pagod sa maghapong gawain sa pagluluwas.
"Bukas ako naman po ang magdadala nito.Magpahinga naman sana muna kayo,tay"
Nag-aalala na ako sa maaga nitong pag-alis kada umaga.Hindi ko nga alam kung nag aalmusal pa ito bago lumuwas.
"Hindi na anak ayus lang ang tatay.Samahan mo na lang ang iyong Mama dito sa bahay.Kaya ko na-"
"Pero tay.Malaki na po ako.Malapit na din akong maging mapag-isa sa buhay.Kailangan ko po namang matutong tumulong sa inyo ni Mama.Please po.."
"P-pero?Anak-"
"Pagbigyan nyo na po ako,tay.Para naman po makapagpahinga kayo.Kahit bukas lang.Please tay..please.." niyakap yakap ko pa ito para pumayag.
"Paano kung may mangyari sa iyo.Lalo pa naman ngayong iba na panahon.Madami ng masalang loob."
Napatawa nalang ako.Napaka concern naman ng tatay ko."Huwag po kayong mag-alala kayo ko na po ang sarili ko."
Tumango na ito kahit alam ko na labag sa loob na payagan ako sa pagpupumilit.
Kinaumagahan maaga akong bumangon at nag-ayos ng sarili.Nakaayos na ang balabal sa mesa ng nadatnan ko.Nakahain na din ang pagkain na paniguradong luto ni Mama.
"O victoria kumain kana muna." baling sa akin ni Mama na ngayon ay abala naman sa pagwawalis ng bahay.
"Magandang umaga po."umupo na ako sa hapag ng pumasok si Mama sa kwarto muli at gigisingin raw si tatay.
Kapag nagising si papa tiyak ko na magbabago pa ang isip nun at baka samahan pa ako sa pagluwas.Binilisan ko na ang pagkain at agad inayos ang mga dadalhin.
Nang nasa kanto na ako para sumita ng masasakyan ay nakahinga na ako ng malalim.Ayoko na mahirapan pa si papa kaya ako nalang ang magdadala nito kay aling celia.
Dumaan ang isang punuang dyip.Aaminin ko medyo kinakabahan pa ako pero anong magagawa ng kabang ito kung nakikita ko namang napapagod ang taong mahalaga sa buhay ko?
Umuna ako at kinandong nalamang sa aking kandungan ang medyo mabigat na bilang ng balabal.
"Kuya bayad.Sa palengke!" napansin ko na sa akin inina abot ang bayad kaya agad ko itong tinanggap at agaran ding ibinigay sa mamang driver.
Ito ang unang beses ko na sumakay sa ganitong uri ng pampasadang sasakyan.Masaya ako sa nakikitang bayanihan kapag may papasok lalabas para magbayad ng pamasahe.
Sa katabi kong estudyante na abala sa kanyang maganda at malapad na sa tingin ko ang kinahihiligan ngayon ng kabataan.Ni minsan sa buhay ko hindi pa ako nakakahawak ng ganun.Mahirap lang kami at kung iisipin ko pang magpabili ng ganun parang hindi na din ako lalong naawa sa aking magulang.
Sa pagtigil ng sasakyan ay natanto ko na nasa lungsod na kami ng kamaynilaan.Maingay at malupit na lungsod.
"O para-para!" sigaw ng mga sasakay.Karamihan estudyante at mga trabahanteng tao na papasok sa kanilang trabaho.
Inayos ko ang balot na balabal sa aking mukha upang matakluban laban sa maiinit na araw.Maaga pa nguni't sa ganitong lugar tiyak masakit na sa balat ang epekto nito.
Pagkapasok ko sa malaking palengke.Napansin ko na medyo malaki laki rin ang pinagbago sa ilang buwang hindi pagsama dito.
Madami pa ding tao nguni't malinis linis na kung titingnan ang helera ng mga abalang nagtitinda.
Pinagsiklop ko ang aking mahabang buhok na bumabagsak at inilagay sa likod.Tanda ko panaman ang pwesto ni aling celia ngunit hindi ako sigurado kung duon pa ng ang pwesto nito.
Laking tuwa ko na hanggang ngayon dito pa din pala si aling celia sa dating pwesto.
"Aling Celia!" tawag ko habang palapit na sa kanyang pwesto.
"Victoria,hija.Magandang umaga.Abat nasaan ang tatay mo?" nasa mukha nito ang pagtataka.
"Si papa po ba?Wala po sya.Ako lang po ang nagluwas nito." sabay inabot ko ang balabal na dala.
"Masaya ako na makita ka ulit,hija.Mukhang ilang buwan kang may pinagkaabalahan at hindi ka nakakasama sa tatay mo?"
"Wala naman po..Malapit na kasi ang pasukan naghahanda lang."sagot ko at umupo muna pansamantala sa nakalagay na bangko sa tabi.
"Mabuti naman at pinayagan ka ni vergilio.Alam mo naman na mahigpit yun sa iyo." natawa naman ako at tumango tango.
"Halika muna rito sa loob at magpahinga.Malayo-layo rin ang byahe mo mamaya."nasa tono nito ang pag-aalala sa akin.
Matagal na nagtitinda dito sa lungsod si Aling celia.Medyo mahina na din at maykatandaan ang itsura nguni't maganda parin ang pangangatawan.
" Kumain na po ba kayo?"tanong ko rito habang abala sa paglalatag ng paninda.
"Hindi pa e.Mamamaya na lang siguro."
"Aling celia alis po muna ako." paalam ko rito.
Naghanap ako ng pwedeng ipangmerienda nito dahil nakakaksiguro ako na hindi ito kakalimutan na nito ang pagkain.
Pansamantala ko munang inalis ang nakatabong balabal sa akin para maaliwalasan sa banas.
May iilang matang nakamasid sa akin ngunit binalewala ko na lamang ito at naghanap na lamang ng tindang makakain.Malayo pa lang ay parang nakilala ko na ang matangkad na lalaki na nakatingin sa direksyon ko ngayon.Mataman naman akong nagiwas ng tingin ng magkatinginan kaming dalawa.
Nagpatuloy ako sa paghahanap pagkatapos ay bumili na agad ng pakay.Bakit ganun?Kinabahan bigla ako ng makita ko ito.
BINABASA MO ANG
While The Day Comes(editing)
FanfictionA simple girl living with her loving father and mother that was all Victoria wish and for her she was so lucky because the thing that all she need was being granted. But in unexpected,All for Victoria's life change one day after she found out that...