Kabanata 8

0 2 0
                                    

Concern

Nakarating kami sa tindahang malapit sa kanto na nag-aaway ang dalawang kasama ko.Napapailing nalang ako minsan kung paano asarin ni rita si jino na madaling mapikon.

"Ako na ang bibili baka dito pagtaluhan nyo pa?"

Kinuha ko ang pera ko sa aking dalang maliit na bag at duon humugot ng kailangan.

"Intayin nyo nalang ako dito sa shed."

"Okay." si rita na natatawa pa din kay jino.

"Samahan na kita baka masuka pa ako ng di oras sa kasama ko.Tara?"

"Samahan mo nalang dito si rita.Mabilis lang ako.Glue at pentel pen lang naman at ilang color material di ba ang kailangan?"

"Tama si vy..Ano kaba jino?Ayaw mo ba akong kasama?" nasa tono nito ang panlalambing.

"Hay!Mauna na ako." tinalikuran ko na sila at tumawid para bumili sa tindahan.

May ilang nakatambay pero iwas ang tingin ko dahil sa malalagkit na titig nila.Pagkabili ko ay agad akong umalis sa kanilang harap.

"Snobber si miss!" pahabol na sigaw ng isang lalaking kaninang titig na titig sa akin.

"Tss.." inirapan ko pa ang mga ito at di na sila pinansin.Nagulat nalang ako sa isang malakas na busina ng sasakyang nagpadapa akin sa malamig na kalsada.

"Aray.." sinapo ko pa ang aking paang mukhang nasaktan sa pagkakatapilok sa gulat.

Sa pagaakala kong bababaan ako ng muntik ng makasagasa sa akin ay laking gulat ko nalang ng paharurot itong umalis na parang walang nangyari.

"Hoy bumalik ka rito!Hoy!Gagong to!..Hoy!" sigaw ni jino na akala mo'y maabutan pa ang sasakyan.

Nilapitan agad ako ni rita at dinaluhan para tulungan.

"Naku Vy ayos ka lang ba?Saan masakit?" nagaalalang tanong nito.

Lumapit na sa amin si jino para tumulong.May iilan na ring mga taong nagsilapitan at nakiisyoso.

"Ano nalaman mo ba ang plate number ng lokong driver na yun?"naiiritang tanong parin ni rita kay jino.

"Mabilis na nakapuga ang loko.Hindi ko na nahabol." nahihingal pangsagot nito.

"Hay...Ano ba naman yan?Tara tulungan mo akong iangat si vy." tinulungan ako ng dalawa kong kasama may tricycle na din na kinuha ang mga taong nakakita sa pangyayari para madala na ako sa malapit na ospital.

"Aray..."reklamo ko ng aksidente madali ni jino ang aking paang masakit.

" Ano ba jino?Ingat.."si rita.

"Chill lang.Sorry Vy,Natataranta na din kasi ako." paumanhin nito at tinanguhqn ko lang bilang sagot.

"Pasalamat ka mabait si Vy.Kung ako sya.Naku..Naku..Sasabi ko sayo?Nasigawan na kita!"

"Ano pa ba satingin mo yang ginagawa mo ngayon?" pabulong ng sabi nito.

"May sinasabi ka?"

"Tumigil na nga kayo.Naaksidente nanga ako nag-aaway parin kayo sa harap ko." awat ko na dito sa dalawang kasalukuyan nag-aalalay sa akin papasok sa ER.

"Sya kasi!" nagkasabay pa sila sa pagsabi kaya pinandilatan ko ang dalawa para matimik.

Pagkadala nila sa akin sa ospital ay nagpaalam muna sa akin ang dalawa para umuwi at kumuha ng sasakyan.Magpahinga raw muna ako.

Mabuti nalang hindi nabali ang buto ko.Normal lang daw talagang manakit ang sakong dahil sa pagkakatapilok.Makakauwi naman daw ako ngayon din araw na ito kailangan ko lang munang magpahinga para hindi mabinat ang aking paa.

Pagkatapos akong icheck ng Doctor ay humilig muna ako at nagpahinga.Ayokong mag-alala ang mga magulang ko.Baka mamaya naman hindi na ito masakit.

Sa ilang minuto kong pagkakaiglip ay napansin ko si wil na nakatayo sa labas ng pinto ng kuwarto ko may kausap ito sa labas na nakaitim at pormal na damit.

Ilang minuto lang ay umalis agad ang kausap nito.Pagbaling nya ng tingin sa loob ay nagkatinginan kami kaya agad akong nagiwas ng tingin.

Anong ginagawa nya dito?

"Gising ka na pala?Gutom ka na ba magpapadala ako dito ng room service para sayo."napansin ko na parang malamig ang pakikitungo nya.

"Huh?A,,s-sige." yun lang ang nasabi ko nautal pa.

"Okay." malamig at parang may galit.

Hindi nagtagal ay dumating na ang pagkain.Pagkalabag ni Wil sa sidetable ay nagpumilit akong tumayo.

"Wag ka nang gumalaw ako na." malamig pa din.

Galit ba sya?

"Nakakahiya naman kaya ko na ito.Atsaka paa naman yung masakit sa akin hindi kamay." medyo may irita na ang sambit ko.

"Kahit na." may diin na pagkakasabi nito pero hindi ko pa din sya hinayaan.

Nakaupo na ito sa gilid ng kama ko.Sa mga mata niyang nagmamasid sa akin habang kumakain napansin ko ang pagpipigil niya ng galit na nararamdaman.Nagpatuloy lang ako sa pagsubo ng binalatang mansanas.

"Tumawag sa akin ang papa mo tinatanong ka nya sa akin kung nasaan ka." may lamig parin sa boses nya.

Nakatingin ito sa labas ng bintana habang ako nakatingin sa katawan nya.

"Alam na ba nila?"

Tumingin sya sa akin at umiling pagkatapos ay nagiwas ulit ng tingin.

"Nahuli na ng pulis kung sinong may ari ng sasakyang muntik ng makasagasa sa iyo.Nakakulong na sya pero nakalaya din dahil sa sya na ang sumagot ng hospital bill mo sa napagkasunduan."

Tumango ako at nagsubo ulit ng mansanas.

"Ayoko ng mag alala pa si mama't papa.Kaya mas mabuti ng palampasin-"

"Hindi ka ba nag-iisip muntik ka ng mamatay tapos hahayaan mo lang.Ano ba Victoria?!" nagulat ako bigla at napatitig nasa kanya.

"Sorry..."

"Nag-alala ako sa iyo alam mo ba iyon." mahina na nitong sabi at nakatungong nagkuyom.

Nag-alala sya sa akin?Tama ba ang marinig ko.Naku vy nahina na ata ang pandinig mo.

Muling gumalaw ang kama sa pagusog nya palapit sa akin.Umusog ako para pagbigyan sya pero ginap nya ang distansiya naming dalawa.Kinakabahan talaga ako kapag ganito sya kalapit sa akin.Ang panlalaki nyang pabango na naglulunod sa akin.

Nagilag ako ng mukha.Pero hinuli nya ang baba ko kaya nagkatinginan kami.Inilagay nya ang braso nya sa gilid ko dahilan para makulong ako.

Naghuhurimintado na sa kaba ang puso ko sa sobrang lapit nya.Nagiwas pa din ako pero hinuli pa din ang baba ko para magkatinginan ka lalo ng mas malapitan.

"A-ano?" kinakabahan at nanginginig kong tanong.

Hindi sya sumagot.Mariin parin ang malatigre nyang mata kung makatingin sa akin.Bumaba ang tingin nito sa labi ko pero agad din iniwas roon ang tingin.

"Huwag ka ng aalis ng hindi nagpapaalam sa akin.Nagagalit at nagseselos ako." bulong nya sa akin at tumayo na para lumabas sa kwarto ko.

While The Day Comes(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon