Kabanata 19

8 4 0
                                    

Set

Hinatid ako ni William sa bahay.Hindi na ako nakapagpaalam kay jovelyn ng gabing ihatid ako nito.Ayokong magkaroon pa ng tensyon sa party kapag isinama ko pa sa loob si William.

Ako:

Sorry again.Sleeptight.

William:

You too.I love you.

Namula ako sa sinabi ni William.Maaga akong nakatulog sa maghapon na rin siguro.Bukas babyahe na naman ang magulang ko para pumunta sa bahay ng isang kilalang sikat nakasocialite nila Mommy.

"Manang reka ano pong oras umalis sila Daddy at Mommy kanina?"

Ipinagsalin ako nito ng pagkain sa plato.

"Madaling araw po Ma'am e.Tatanungin ko nga po sana kung anong oras makakabalik."

Narinig ko ang pagdating ni Cassey at umupo agad sa kanyang puwesto sa lamesa.

"Morning."kinusot pa nito ang mata at humikab.

"Ano po bang sinabi?May ipinagbilin ba sila bago umalis?"

"Ah wala naman po."

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.Nilingon ko ang kapatid ko na parang walang gana sa pagkain.

"Hindi ka pa ba nasanay..""bulong nito.

Naaawa ako sa kapatid ko.Bata palang siya.Namimiss niya na agad ang dapat na ibibigay sa kanyang atensyon.

"Cassey may problema ba?"

"Ate hindi kaba nagtataka kung bakit palagi nalang silang wala.Nakakapagod nang marinig din ang pagsosorry nila."

"Cassey..."

Namumula na ang gilid ng mga mata nito.Tumango muna ako kay Manang reka bago iwan kaming dalawa para makapagusap ng kapatid.

"Masaya sana kasi lahat ng kailangan ko naibibigay nila.Kaso..Parang laging kapag ang kailangan na ay ang atensyon nila.Hindi ko maiwasang-"

"Sino bang magulang ang hindi matitiis ang anak nila?"

"Alam ko ate...Kapag may mga kailangan ako nandiyan sila.Alam mo ba ng hindi kapa nila nakikita ate.Ganito na talaga kami.Kapag may event sa school na kailangan ang mga magulang ni kailan hindi sila puminta.Pasalamat nalang ako kasi nandyan si Manang reka minsan si Secretary Yie."

Bumagsak ang ilang luha nito na agad naman nitong pinalis.

"Naiinis ako sa sarili ko.Ang yaman nga natin.Pero parang daig pa ako ngga batang nasa kalsada.Kahit wala silang pera nandiyan naman mga magulang nila."

"Naiintindihan kita.."hinanawakan ko ang kamay nito.

Nag angat ito ng tingin ngunit ibinaba rin.

"Alam mo ba kahit wala sila Mommy sa tabi mo ng wala ako.Napakaswerte mo.K-kasi.."

Hindi ko alam kung kaya ko itong ituloy pero kailangan.Nangungulila siya.At naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"Lumaki ka ng kasama ang mga magulang natin.Nakasama mo sila habang lumalaki.E ako?Malayo ako."

Mahina ang pagsasalita ko na may lungkot.

"Nung unang beses kong nalaman na hindi ako totoong anak ng mga magulang ko sa probinsiya.Parang hindi ko kayang harapin ang mundo dahil sa daming tanong ang lumabas.Nawala ba ako o naiwala.Yan lagi ang tanong ko.Ikaw mabuti ka kasi kasama mo sila.Naiingit ako sa iyo."

Hindi ko alam na kanina pa palang nagpapatakan ang luha ko.

"Miss na miss ko na sila Mama't papa..."napayuko na ako at napasapo.Naramdaman ko ang pagyakap ng maliit niyang braso sa likod ko.

"Sorry ate..."humahagulgol na ito sa iyak.

"Masakit pala no?N-naiintindihan kita.Miss ko na din sila Mama't ....Papa."

Hinagod niya ang likod ko at mahigpit na niyakap.

"Akala ko ako lang ang nakakapansin.H-hindi pala.Ate elise s-sorry.A-ang selfish selfish ko."

Hinarap ko ang kapatid kong basang basa na ang pisngi.Pinunasan ko ng likod ng kamay ko ang pisngi niya na mapula na.

"I love you ate elise.Salamat kasi nandiyan ka palagi."

"I love you too."hinalikan ko ang noo nito at niyakap muli.

Nagtext sa akin si William na lalabas daw sila ng mga kaibigan niya.I never heard about his friends.Siguro hindi ko na kailangan pangmalaman kasi hindi naman gaanong magaling makientertain ng iba.Baka more boys o baka naman.Girls!

Me:

Ingat kayo.Enjoy:)

Nagpunta na ako sa sala para sana manood ng movie kasama si Cassey.Nadatnan ko diyang nakahilig sa sofa.Parang pagod na pagod.

"Horror ate ha para may thrill naman."

"Selendrina?"

Napatayo ito at napakamot ng ulo.

"Masyadong suspense yun.Iba nalang."

"Curse of the Nun?o Woman in black?"

"Ano?!Huwag na ngang horror.Nakakatakot naman masyado yang choices mo.What if action movie nalang ate?"

"Avengers o Marvel Movies?"

"Pwedeng parehas mahaba naman ang maghapon diba."

"Sige."

Nagdala si Manang reka ng mga pop corn at juice sa lamesa namin.Nagsalpak ako ng movie.

Tahimik lang ako na nanood habang si Caasey titig na titig sa mga nangyayari na sa palabas.

Sinilip ko kung ang cellphone ko sa bulsa.May text galing kay William.

William:

What are you doing now?

William:

Are you busy?

Nagreply agad ako ng mabilis.

Me:

Just watching movie.Kasama ko si Cassey.

Me:

Ikaw,kasama mo pa din ba mga kaibigan mo?

Nagvibrate ang cellphone.Nilingon ko si Cassey na katingin pa din naman sa TV.

William:

I still with them.I just checking you baby.

Pinamulahan ako sa sinabi niya at napangiti.

"Ate ano bang ginagawa mo?"nakayingin na sa akin si Cassey.

"


While The Day Comes(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon