Kabanata 4

0 1 0
                                    

Him

Habang nagdidiscuss sa unahan ang proffesor ko ay nakita ko na nagkakagulo sa labas.Maingay at panay ang takbuhan ng karamihan.Ani mo'y makakita ng artista.

Dahil sa ingay na naririnig na rin ng mga kaklase ko ay napapalingon na ang mga ito upang makiisyoso.

People are being paranoid when it comes in seeing their idols in person.But did they think or realize what their idols feel in socializing with them.

Nah!I dont think because i dont need to be fame.

"Class dismissed." huling sabi ng prof. namin pagkatapos ng panghapong klase.Pagkalabas ay nagiintay na sa akin si nath.

"Nath!" sabay kaway at lapit dito.

"Sana naman this time hayaan mo na ako ngayon na ihatid ka.Sige ka.Magtatampo na ako." nasa mukha na nito ang pagsusumamong sumama ako at pumayag na ihatid sa bahay.

"Pero si tatay kasi-"

"Nakausap ko ang tatay mo.Tinanong ko sya last time na mameet ko kung susunduin ka ba nya.Sabi nya kapag hinapon ka.Hapon na victoria.Hayaan mo na ako na ang maghatid sayo.Pagod na ang tatay mo galing sa byahe kung kakaunin ka pa."

"Asus nagawa ng paraan si aber.Kelan mo na meet ang tatay?" naningkit ang mata ko habang sya naman nakangisi lang.

May binaggit na ba ako sa kanya about kay tatay?

"Basta." inagaw na nya ang gamit ko at hinila ako papuntang parking lot ng school.May sarili itong sasakyan.Black luxurious car.Good for two person.Mayaman at kilala sa nayon namin ang pamilya ni nath kaya ng minsan kong nabanggit sa mga magulang ko ang tungkol sa kanila ay hindi na sila gaanong nagulat.Masaya pa daw sila na naging kaibigan ko ito.Nguni't hindi mawala wala sa payo nila ang huwag laging umasa sa tulong ng mayaman.

Isa sa mga dahilan ko ito kaya minsan ayoko talagang ihatid ako ng kaibigan kong ito.

"Ang kulet mo naman kasi e." sabi ko habang pababa nasa kanyang magarang sasakyan.

"Guwapo kasi." bulong nya na akala nito hindi ko pakinig.

"Yabang mo!"pagkasarado ko ay binaba pa nya ang bintana ng sasakyan at kinawayan pa sabay kindat.

"Bye."nang unti unti ng makalayo ang sasakyan ni nath sa tapat ng bahay namin ay nagulat bigla ako sa lalaking nakatayo sa harapan ng luma naming bahay.Sa seryoso at nakatatakot na titig nya na nakakapagpakaba sa akin.

"Boyfriend?"

Nagulat ako sa tanong nya.

"K-kaibigan lang."bahagya pa akong nautal.

Umayos ka nga.Baka mahalata ka at bakit naman ako nagkakaganito.Ano ba sya sa buhay ko?

"Nanliligaw sayo?"

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka nguni't nagiwas naman iton ng tingin at nauna ng pumasok.

"Huwag mo ng sagutin.Kalimutan mo na lang." sagot nito ng hindi ako makasagot agad sa tanong nya.

Kaibigan ko lang si Nath at lalong hindi ko ito manliligaw.Kung manliligaw man ito dapat pinakita na ni nath na may nararamdaman sya sa akin.

Bakit ba ako natatakot pagdating sa lalaking ito.Ano naman sa kanya kung manliligaw ko nga si nath?Hay..Nakakaloka..

Magpokus kana nga ng ayos kesa isipin mo yan Victoria!

Naghahanda sa hapag na si Mama pagkalabas ko ng kwarto pagkatapos magpalit ng pambahay.Natanawan ko pa na kausap ni Wil si tatay sa labas.Mukhang may seryosong pinaguusapan ang dalawa.

Lumapit na ako at tumulong kay Mama sa pag-aayos ng gagamiting kubyertos at pinggan.Apat ang nakalabas na plato.Siguro dito na ito maghahapunan.

Teka ano nga ba ang pakay ng lalaking ito?

"Ma,bakit po nandito si-"

"Ah..yan bang si Sir wil.Naku anak napadalaw lang yan at nangangamusta sa tatay mo."

Hindi ko na natapos ang tanong ko.Sir ang tawag nila mama't papa kay william?

So ako pala ay dapat gumalang din.

"Anak alam mo bang dating alaga yan ng tatay mo ng nasa maynila pa nagtatatrabaho ang iyong ama.Bodyguard ni Sir william si Vergilio habang ako naman ay kasambahay sa mansion nila duon sa Cavite.Kilala ang pamilya nila sa magagaling at mayamang negosyante dito sa Pilipinas,hija." nagsasalin na si Mama ng ulam sa bandihado.

Sumulyap ako sa labas at tiningnan ito.Mayaman pala talaga si Sir wil at kung itatapat man si nath baka barya pa sa pamilya nila ang yaman ng mga ito.

Paano pa kaya kaming hamak na walang salapi sa kagaya nila?Sabi nga nila mangarap ka nalang ng tulog baka dun siguradong maging kagaya kanila.

Masarap man isipin pero nasa pagsisikap din siguro yan para makamtan.Wala naman kasing bagay na madaling makamtan ng walang pinaghihirapan sa panahong ito.

Pagkatapos ni Mama ay ako na ang tumawag kay tatay para sa hapunan.Hindi ko ito sinulyapan ngunit nakatingin ito sa akin na may bahid ng panlalamig.

"Tay,nakahain na po.Kakainan na daw po."

"Sir william hali po kayo at sumabay na sa amin."hindi ko na hinintay ang dalawa at kumuha nalang ako ng basong gagamitin dahil wala papala sa mesa.

Pagbaling ko ay kasalukuyan na silang nakaupo.Nilagay ko sa tapat ni Mama ang baso nito sunod ay kay papa't sa akin.Huli kong iniabot ang kay sir wil na walang imik na tinanggap.

"Naku sir hanggang ganito lang po ang kaya naming ihain.Pagpasensyahan nyo na po." nahihiya pang sambit ng mabait kong tatay.

"Huwag po kayong mag-alala sanay naman po ako ng ganito." anito sabay tingin sa akin ng mapansin ako na nakatingin sa kaniya.

"Manang mana po talaga kayo sir.Sa kabaitan din ng magulang nyo.Hindi maarte sa buhay.Lalo na hindi kayo tumitingin sa estilo ng buhay ng tao." si papa na proud sa kabaitan nito.

He chuckled then focus in his food.

"Kelan pa po pala kayo rito?"si Mama habang abala sa pagsasandok ng kanin ni tatay.

" Kahapon lang po kami dumating dito sa batangas."tipid nitong sagot.

"Naku yung mansion ni Don.Laurence mabubuhayan nanaman sa galak dahil andito nanaman ang amo ng halamanan." natawa sila sa hiling sinabi ni papa.

So,mahilig sya magtanim ng halaman?

Balita ko nga may malaking mansion daw dito sa nayon namin nguni't hindi ko naman alam kung sino ang may ari dahil sa pagiging abala ko na rin sa pagtulong kela mama sa araw araw.Wala akong naging oras para makipagtsismisan.

Pagkatapos maghapunan ay nagprisinta si Mama na sya nalang daw ang maghuhugas ng pinagkainan umapila pa ako ng una nguni't wala akong nagawa.

Sa halip na magpumilit at pumasok nalang ako sa aking silid at duon gumawa ng aking iilang takdang aralin.

Gumuguhit ako ng isang layout ng bahay kung saan magdidisenyo ako ng nais na estilo ng loob ng bahay.Sa sukat,pwesto at marahan na pagguhit ay naging masaya ako ng makitang medyo na gagawa ko ng makagawa ng mga maaring magandang kalabasan ng pangarap kong tahanan sa kasalukuyan.

Napangisi nalang ako at ikinapit sa dingding ang aking mga iilang obrang nagawa nung mga nakaraan.

Madami-dami na din pala akong nagawa nguni't ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang aking nabuong debuho.

While The Day Comes(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon