Confess
"Mahilig ka sa art?" napatalon ako sa gulat ng makita na nakahilig ito sa bukana ng aking pinto.Nakatingin sya sa aking mga iginuhit at nasa mukha ang pagkamangha.
"Ah..Oo.Este.Opo sir pala."
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko pero agad kong binalik ang tingin sa ginagawang pagkakapit sa dingding ng aking silid.
"Pwedeng pumasok?" malamig parin ang pakikitungo nito kaya tumango balang ako.
Nakatingin ito sa mga gawa kong guhit habang ako ay abala sa ginagawa.Gusto magsalita pero nakakahiya naman dahil hindi naman kami close.Ayokong isipin nyang feeling close naman pala ako.
Katahimikan ang bumalot sa loob ng pumasok sya tanging tunog ng mga ibon sa labas at kuliglig sa gabi lamang ang nangunguna.
Magsasalita na sana ako ng magkasabay kami sa pagtawag ng aming mga pangalan kaya pinamulahan ako sa hiya.
"Ladies first."
Tumango lang ako bilang sagot.
"Gusto ko lang po palang sabihin na hindi ko boyfriend yung kanina." napabuntong hininga sya at sinikap na tumitig na sa akin.
"At hindi sya nanliligaw.." pagpapatuloy ko.
Napansin ko ang isang tagong ngiti sa mukha nya nguni't hindi ko naman na tagalan.Bakit ba ako nagpapaliwanag?
"Okay."baritono nitong sagot.
"Galit ka ba?"hindi ko na napigilang magtanong dahil sa kaba.
Hindi sya sumagot.So silence means Yes..
"Ready na ba kayo guys." tawag ng aking kagrupong babae na si rita.
Nagpapractice kami ng play para sa isang classroom play ng klase namin.Nagpaplano ang mga ito kung saan ba kami magpapractice sa darating na weekend.
"Kung kay na sebastian nalang kaya." sagot ni rita.
Gusto ko sanang umapila dahil medyo malayo rin ang kayna sebastian.Mayaman din ito at malaki daw ang kanilang harapan kaya bagay na bagay sa pagpapractice.
"Sige settled na ang lahat.Kita kita nalang tayo sa weekend kay na sebastian ha.Okay."ulit ni jino na pinakalider namin.
Pagkatapos ng pagpupulong ay umalis na kami sa silid.Naglalakad na ako sa palabas ng unibersidad ng makita ko sa malayo ang lalaking nakasandal sa harap ng kulay puting Ford expedition.
Akala ko iba ang iniintay nya ng mapansin nya akong palabas ay agad itong lumapit sa aking direksiyon.
"Sir william?"
"Pauwi ka na?O may dadaanan pa." nakapormal na puting tshirt lang ito at fade jeans sa pambaba.Nakaitim itong plane na sumbrero gumawapo parin sya kahit simple lang.
"Pauwi na po ako,Sir.Napadaan po kayo?"
Napangiti pa ito at nakapamulsa sa kanan habang nakatingin sa akin.Yakap yakap ko ang aking dalang libro habang kinakabahang nakatingin din sa kanya.
"Pupunta ulit ako sa inyo para kausapin si Tito.Nalaman ko dito ka raw na pasok kaya minabuti ko ng isabay ka para sa pag-uwi mo."
"Nakakahiya naman po,Sir wil"napakagat labi na ako sa sobrang hiya.Gusto mang umapila pero nakakahiya naman din kung tanggihan ko ito.Ako na nga itong pinaglaanan ng oras ganito pa akong kaarte.
"Victoria." nagmamaneho na ito ng tawagin ang pangalan ko.Ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko.Satingin ko mamaya dudugo na aking labi sa sobra kong kakakagat.
"Bakit po?"
"Wil nalang itawag mo sa akin.Nakakailang kasi masyado kung pati naman ikaw sir din ang tawag sa akin." nakatingin parin ito sa kalsada.
"Pero hindi po ba parang napakawalang galang ko naman." sagot ko habang pinaguuntog ang aking mga daliri.
"Its okay at yung pangongopo mo.Less the word 'po'.Hindi naman siguro nagkakalayo ang edad natin."
Ayoko ng makipaggigilan kaya hindi na ako sumagot.Pagkatapos ng usapan naming iyon ay hindi na muli itong nasundan kaya buong byahe kaming tahimik at walang imikan.
Nang makarating ako sa bahay ay si tatay nga ang pinunta nito.Akala ko nga din dito ito maghahapunan nguni't sinabi nito namay dadaan pa sya.
Ano bang kailangan kong ipagpaalala sa kanya at ganito ako?
Nagpaalam ako kay tatay nung isang gabi tungkol sa pagpunta ko sa bahay ng aking kaklase.Pinagpaalam ko na baka hapunin ako sa gagawing pagpapractice kaya nag-alala agad si papa kung pwede raw bang sa iba nalang at huwag na duon.Gusto ko man din pero wala naman akong kakayahan magrequest.
Pagbababa ng tricycle ay kumaway nasa akin ang kaklase kong sina rita at jino.Ngumiti ako sa kanila at kumaway rin.
Madali lang naman ang aming ginawa.Inasayn kami sa mga kanikanilang role na gaganapan.May sasayaw at aarte habang ako ay isa sa mga aarte rin.Masaya nagsasayaw ang mga kagrupo kong babae habang sina rita naman ay abala na sa paghahanda ng makakain namin.Nahihiya ako sa kanila dahil kahit papaano ay may dala ang mga ito pero ako'y ni isa wala man lang.Nang subukan kong magambag kahit papaano ay hindi nila tinanggap hayaan na daw at minsan lang naman daw ang ganung pagkakataon.Tumulong ako sa paggagawa ng props ng matapos kong magrehearse ng aking mga linya sa play.Pagkatapos naming magkainan ay may iilang pumuri pa sa akin ang galing ko raw sa pagarte.
"Victoria,ang galing mo palang umarte.Lodi na kita!" si yssa na kanina pang pumupuri sa akin.
"Oo nga.Ngayon ko lang napansin na may talent na galing sa pagarte si victoria." si rita naman na ngayon ay tumabi sa aking kinauupuan.
"Paano ba namang hindi mapapansin ang talent.Ang hinhin.Alam nyo ba crush ko na si victoria nung simula nya palang dumating sa university.Nahihiya lang ako." singit naman ni sebastian na ngayon biglang pinamulahan.Nagulat naman ako sa pag-amin nitong bigla.
Nagiritan ang aking mga kagrupo sa biglang pag-amin nito sa nararamdaman.
"Natamaan si sebastian ng pana ng kagandahan ni victoria," ani ni jino na nakigulo na rin at nakisali sa panunukso rito kay sebastian.
"E Naku huwag mong sagutin ito ha victoria kapag nanligaw.Playboy!" sagot ni rita.Pinandilatan ni sebastian si rita sa sinabi nya kaya natawa naman ako sa kanila.
Hindi na bago sa akin makarinig ang ganito.Madami dami na din kasing pagkakataon na may umaamin mismo sa harapan io ng nararamdaman nila.Maputi,matangkad at magandang pangangatawang bagay sa pangmodelo.Guwapo ito at mayaman ang pamilya nila pero ang kinasama lang nito ay ang pagiging babaero.
Pagkatapos ay minabuti nila ulit magsimula ng pagpapractice ng wala ng panunukso kay Sebastian.Kanina ay nakakayanan pa ako nitong kausapin nguni't ng simulang tuksuhin ng mga kaibigan ay nawalan na ito ng kakayahang kausapin ulit ako dahil sa hiya.
BINABASA MO ANG
While The Day Comes(editing)
FanfictionA simple girl living with her loving father and mother that was all Victoria wish and for her she was so lucky because the thing that all she need was being granted. But in unexpected,All for Victoria's life change one day after she found out that...