II

1.7K 52 2
                                    

II

Somethings Weird

"Harold? Anong nangyari?" Pagtatanong ko sa kanya. Kibit balikat itong lumapit sa akin. Laking pagtataka ko naman sa kanya kasi parang wala naman nangyari sa ikalawang palapag. "Ano?" Muli kong pagtatanong sa kanya.

            "Wala naman nangyari." Tugon nito sa akin. And I've guess it right. "Pero nakita ko 'to sa hagdan." Harold handed over me a doll with white clothes. Halos maluwa ang mata ko sa gulat habang inabot sa akin ito ni Harold. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. "Ang weird diba?"

            "Oo..." tipid kong sagot sa kanya, "'yang yung manika na nakita ko sa sofa! P-paano?" Taka kong pagtatanong sa kanya.

            Kibit balikat na lang din ang muling itinugon sa akin ni Harold at muling bumalik sa kasiyahan. Ang pagkakaalam ko ay kinuha ito sa akin ni Mang Rem, mismo pa nga sa mga kamay ko at sinabi nitong naiwan ng pamangkin at paano naman nabalik at napunta doon?

            Anong meron na hindi namin alam. I sighed. Baka kapareha lang nito ang manika na 'yun.

Kinabukasan.

        Bumabagabag pa rin sa akin ang manika na nakita naming kagabi. Pinatawag namin si Mang Rem para kausapin siya kasi baka ito nga yung manika at nawawala na naman. Umagang umaga na rin naman at ako ang nagprisinta na gumawa ng almusal ng mga kasama ko dahil may alam naman ako sa pagluluto.

        "Oh baby... Okay, Jel. Whats with the breakfast?" Tanong sa akin ni Harold habang hinahanda ko na sa lamesa ang mga plato at mga kanin pati na ang ulam.

        "Just eat, okay?! Tatawagin ko lang sila para kumain." Sabi ko naman sa kanya. Umupo na rin naman siya. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Pumunta ako sa sala kung nasaan silang lima na nanonood ng tv ay hindi bukas lang pala ang tv. Alam kong may hang-over pa ang iba kaya hindi ko na pipilitin pa.

        "Kasi naman naglasing pa kayo hindi niyo naman pala kaya!" I rolled my eyes. Nakakaasar lang kasi. Alam na nga nila na hindi sila sanay uminom for sure si Harold ang namilit sa kanila. 'Yung lalaki talaga 'yun sa oras na may ginawa siya malilintikan siya sa kamao ko.

        "Shut up, Jel!" Jimelo shout.

        "Bahala nga kayo diyan!" Pagaalburoto ko sa kanilang lima. Ang iba ay tulog pa at sarap na sarap pa. Hindi sila umakyat sa kwarto nila para matulog kaya sa sala sila natulog gayundin naman ako. Mag-isa lang ako? No way.

        Napalingon ako sa gawi ng pintuan na may kumatok at sumilip dimumaano rito si Mang Rem. Agad naman akong lumapit sa kanya at sa labas na kami nag-usap.

        "Mang Rem," panimula ko. "Ah, may sasabihin lang po ako kasi 'yung manika na nakita ko sa may sofa ay kagabi nakita ni Harold sa hagdan. Teka po kukunin ko lang." Agad ko naman binalikan sa taas ng refrigerator ang manika na nilagay ko doon kagabi pero nagtaka na lamang ako na wala na doon ito. Ang pagkakaalala ko ay nilapag  ko 'yun doon yung oras na nagliligpit na ako.

        Saan naman napunta? Nakakapagtaka.

        Binalikan ko si Mang Rem sa may labas at napangiwi na makita siya muli. "Wala nap o ang manika eh. Basta po kagabi, nakita naming siya." Sabi ko. "Hindi kaya kapareha ng manika niyo ang manika na nakita namin?"

        Tumawa si Mang Rem bago ako sagutin sa tanong ko. "Imposible Ineng. Ang manikang 'yun ay gawa ng asawa ko kaya imposible talaga na magkaroon ito ng kapareha." Pero napakaimposible naman doon diba, alam ko sa sarili ko na parehong pareho ang dalawang manika na nakita ko dahil kitang kita naman nang dalawang mata ko. Pareho ng mukha at damit. "Ay naku Ineng, wag mo na alalahanin 'yun. Sige mauna na ako." Saka ako tinapik ni Mang Rem.

StaircaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon