XI
Flyx Gamboa
Matapos mangyari lahat kahapon tila isa pa ring hiwaga sa amin kung paano nangyari, kung sino gumawa at kung bakit kami pa. Kahapon matapos namin madatnan na magulo ang bahay ay isang kalabog ang narinig namin sa ikalawang palapag na pinuntahan naman agad ni Harold at Boisen. Ang nakakakilabot lang ay ang wala daw silang nadatnan as in, walang tao. Hindi naman daw bukas ang bintana sa mga kwarto at wala naman daw sira ang kisama at mga daan upang takasan, wala silang nakita.
Ito na naman ba ang kutob kong nagpaparamdam na naman siya sa amin, tapos binulungan pa ako ni Jam na hindi na nga kami lulubayan nito. Pati kahapon, bago ako umakyat nang hagdanan ay nakita ko na naman doon ang manika na may puting damit na kahapon lamang ay tinapon ko. May sumpa rin ba ang manika? Gulo!
"Jewel, nilinis ni Greg kahapon ang manika diba?" pagsisimula sa akin ni Jamela na tunayuan agad ako nang balahibo, kakasabi ko lang.
Tumango ako bilang sagot sa kanya, wala akong alam din minsan sa mga gusto niyang iparating sa akin kasi minsan ang hiwaga na rin ni Jam sa akin pati kambal niya naguguluhan na sa kanya.
"Siguro kasi... nilinis niya ang manika. Gumanti ito at ginulo ang bahay." Titig niya sa akin at may gustong ipahiwatig ang mata niya sa akin. "Naniniwala ka ba sa akin?" tanong niya.
"H-hindi ko alam, Jam." Nalilito kong tugon sa kanya.
Lumayo ako kay Jam dahil nailing bigla ako sa kanya kaya minabuti ko na lang na lumabas na lang nang bahay, siguro sila na lang muna ang bahala na maglinis nang bahay dahil lagi na rin sila minsan dito at ako pa mismo ang nagmumukhang taong bahay. 'Yung taong takot siya pa 'yung naiiwan din.
Pagkalabas ko nang pinto ay may napansin akong tao na nakatayo na parang sumisilip sa bahay. Nanliit ang mata ko at tinignan siya, nang mapansin rin naman niya ako ay aalis na sana pero pinigilan ko siya. Tumingin siya sa akin pero aakmang aalis sana pero tinawag ko na siya at nang makalapit ako sa kanya, hindi ko naman maikakaila na may hitsura ang lalaking ito. Nakakapagtaka lang kung anong sinisilip niya sa bahay namin.
"Ah, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin bago magsalita, "Nagbabakasakali lang ako na makita ko ulit si Jamela." Tugon nito sa akin.
Nagtaka naman ako dahil kilala nito si Jam. Napaisip ako, siguro ito ata ang tinutukoy ni Jam na kaibigan niya na nakilala dito sa barrio pero mukhang trusted naman pero I don't trust someone na ganun lang kabilis, lalo na kapag mukhang anghel sa labas.
"So, ikaw 'yung kaibigan ni Jam?" tanong ko.
"Siguro?" sagot na lamang nito sa akin. "Mauuna na ako." Tatalikod na sana siya akin.
"Teka lang!" humarap muli siya sa akin. "Anong palang kailangan mo kay Jam?"
Nagkibit balikat lang siya sa akin, "Itatanong ko lang sana kung ayos na siya." Tapos tinignan ko pa siya, na may tingin na kung may sasabihin pa ba siyang iba dahil halata ko naman sa mukha niya na may gusto pa siyang sabihin. Bumuntong hininga siya. "Gusto ko lang sana itanong din kung may nararamdaman pa rin ba siya? Yun lang."
"May alam ka?" tanong ko at mabagal naman siyang tumango sa akin. "Pwede mo rin bang sabihin sa akin?" kung meron man dapat akong malaman, sana kung bakit nangyayari sa amin ang mga ganito. Hindi rin naman kasi namin intensyon na manggulo sa bahay, wala kaming balak na sirain ang lugar. Ang pinunta lang naman talaga namin dito ay ang magsaya pero mukhang nagkamali ako, kami.
BINABASA MO ANG
Staircase
Horror"Dont ever tried to call her, beg her because if you did, She cause a lot."