XIV

875 32 2
                                    

XIV

Paranomalist Joel 

 

"Hello? This is Harold Dela Peña. Ah, we would just like you to invite in the house we've just stayed here in province for our vacation. Yes, may gusto lang kaming malaman tungkol sa kababalaghan sa bahay na tinutuluyan namin ngayon. Good! Sige, thank you! Bye." Harold pute back his phone after he called some great paranormalists.

            "Mga bata, hindi ba delikado ang ginawa niyo?" pagtatanong ni Mang Remmuel. Sa kanila pala kami nakituloy ngayon, sabi niya diba kasi na lahat nang tao tuwing mag-aanibersaryo nang taon ang bahay ay umaalis sila at tumutuloy ng bayan kaya nandito kami ngayong lahat ay nandito sa pansamantalang bahay nila Mang Rem. Nangyayari lang daw ito tuwing kahapong pangyayari.

            "Mang Remmuel, just believe what we're doing. Alam niyo naman na delikado pero we will try to find out why did they do do this to us. Kahit kayong mga nakatira doon sa barrio diba gusto niyong mapanatag? Kami munang bahala." Ani ni Harold, kahit alam kong takot na takot na din siya pinipilit niyang labanan. 2 weeks na lang din ay uuwi na kami sa bahay namin, mapapanatag na rin ang loob namin.

            Hindi na nagsalita si Mang Remmuel kay Harold dahil baka magkaroon pa nang gulo dito at alam niyo rin naman si Harold ay di papatalo kapag siya ang gumawa nang desisyon ay gusto niya na lagi siyang nasusunod. Nilalaro ko lang ang games sa phone ko habang hinihintay ko sila na matapos magprepare, babalik na kasi kami sa barrio, sa bahay namin. Si Flyx hindi na sumama sa amin, I mean pinuntahan niya 'yung nanay niya na nandito rin daw sa bayan kaya doon na lang daw siya nagpalipas nang gabi.

            Nilingon ko naman si Boisen. Kagabi pa siya balisa, simula kasi nung pagkagising niya mula sa pagkakahimatay ay bigla bigla na lang siyang natatarant na parang ewan siguro natakot sa nakita niya. Hindi rin siya makapaniwala na may magreresponse sa kanya sa mga sigaw niya mula sa hagdan na 'yun kaya pala dati mabigat ang pakiramdam ko kapag tumataas baba ako, meron pala talaga.

            Lahat kami nakaramdam na, lahat kami gusto nang umalis pero binigyan na  naman kami nang babala ni Mang Remmuel na walang aalis. Dapat daw simula pa lang, umalis na kami kasi may posibilidad daw na sumama sa amin ang mga nilalang na nasa bahay. Nilapitan ko naman si Boisen para kausapin, para na rin siyang mababaliw katulad ni Jam, oh! Hindi literally na baliw ha, kasi hindi pa rin sila normal kung makitungo sa amin lagi na lang nagsasalita si Jam na patay na, paulit-ulit pa.

            "Boisen..." sabi ko nang makatabi ako sa kanya sa pagkakaupo.

            "Susunod na ba ako? Mamamatay rin ba ako katulad ni Lotus at Jimelo?" napaparanoid na naman siya kaya kung ano ano ang iniisip. Napabuntong hininga naman ako sa kanya at niyakap siya.

            "Boisen, hindi ka mamamatay." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya sabay ngumiti pero siya parang ang laki nang problema. Tulala at wala sa sariling mundo. "Boisen, lalaki ka. Hindi ka dapat sumuko." Bulong ko pero sana marinig niya 'yun. Bumalik na lang din naman ako sa paglalaro ko sa phone ko, pinapatay ko na lang ang oras dahil mamayang kaunti ay babalik na kami sa impyernong bahay namin.

            Ilang saglit lang na pagaasikado ay napagpasiyahan na naming bumalik sa bahay dahil sabi rin ni Harold na bumabiyahe na raw papunta sa barrio ang naturang magaling na paranormalists nga daw. Sabi ni Harold ay family-friend nila 'yun kaya libre na daw at walang bayad kaya lang ang kinakatakutan namin ay ang posibleng maging resulta nang gagawin mamaya. Lahat ay may kabayaran kaya asahan ang kaguluhan.

            Bago kami bumalik sa bahay ay tumungo muna kami sa isang grocery store upang mamili nang mga stocks nang pagkain dahil nagkakaubusan na naman sa bahay. After namin mamili ay nagdrive na si Harold patungo sa barrio. Pansin din naman namin na nagsisibalikan na rin ang mga tao roon. Para palang naging tradisyon na ang ginagawa nila tuwing sasapit ang anibersaryo nang bahay at kailangan talaga nilang umalis at sapilitan talag dahil pagpatak daw nang ala sais nang gabi sa itinakdang araw ay nananahan daw ang mga maligno, halimaw at kung ano ano pa. Dati hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan but then again, after all what happened to us... naniniwala na ako lalo na't madalas pa sa akin magpakita.

StaircaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon