VII
Keep calm and feel her
Pagkagising na pagkagising ko kinaumagahan, hindi na talaga normal ang pananatili naming dito bawat gabi may nararamdaman akong kakaiba na bumabalot sa paligid namin, siguro sila hindi nila nararamdaman kais hindi nila kami pinaniniwalaan pero kaming mga nakakita na, kabang kaba na dahil sa mga pangyayari pero si Harold, siya na nakita, tumaliwas pa rin sa kanyang mga nakita kesyo kakagising niya lang daw noon at siguro naalimpungatan lang daw siya kaya may nakita siya.
Bakit ako ba hindi ko ba nakita? Harold didn't even belive me, he believes himself.
"Jam!" tawag ko rito. Kakagising niya lang din at sa sofa na siya natutulog dahil natatakot nang umakyat sa ikalawang palapag. Siguro dahil ayaw niyang dumaan sa hagdanan. Tumabi naman ako sa kanya, "Nakatulog k aba nang maayos?" asking her.
Pero umiling siya sa akin, "No, It's still bugging me. Whenever I want to close my eyes, sudden I heard some noises." She said. "Ahm, Jel... hindi ka ba nag-aalala?"
Napabuntong hininga naman ako, "Hindi..." not saying the truth because if sabihin ko, mas lalo lang siyang matatakot. "Don't be afraid of those things, Jam never scared of spirits. Kasi sila, gagawin lang nilang takutin ka pero ang tao, posible pang may gawin sayo."
"Like what Harold said?" She asked.
Umiling naman muli ako sa kanya, "No Jam, from what he saw. Hindi tao 'yun." Sabi ko.
Napansin ko naman kay Jamela ang paglikot nang kanyang mata na parang nagmamasid sa paligid, sa pagkakaalam ko wala naman ni isa sa amin dito ang bukas ang third eye kaya laking pagtataka ko na lamang na minsan ay may nakikita kami. Niyakap ko si Jam para mapagaan ang pakiramdam niya.
"Gusto mo tayong dalawa naman ang gumala ngayon sa barrio?" asking her if she will come with me.
Mabilis namang tumugon sa akin si Jam. "Tara na?" aniya na medyo nikinatuwa ko naman.
"Ahm, sabihan ko muna si Harold para hindi na siya mag-alala sa atin kung saan man tayo pupunta." Sabi ko na sinang-ayunan naman niya.
Tumayo na naman ako para puntahan si Harold sa kanyang kwarto at iniwan si Jam sa sofa sa sala kasama ang kakambal niyang tulog pa rin. Ala siete pa lamang nang umaga kaya ayos lang 'yan sa kanila. Habang patungo ako nang hagdan, bakit ba ganito lago ang pakiramdam ko tuwing aakyat ako, ang bigat at parang buhat buhat ko ang dalawang kabang bigas at kailangan ko pang humawak sa gilid nang hagdan at sa tuwing bababa naman ako, para naman akong tinutulak.
Nang makarating ako sa ikalawang palapag at tumungo sa kwarto ni Harold at ni Boisen. Bubuksan ko n asana at hahawakan ang door knob peor nakalock ito at nilapat ko naman ang tenga ko sa loob nang pinto at rinig na rinig ko lang naman ay ang mga hilik nang dalawang lalaki.
Si Greg naman ay nasa kabilang kwarto na siguro sa ngayon ay tulog pa din with her beauty sleep. Bababa na sana ako nang hagdan na may marinig ako maiingay na galaw sa kabilang kwarto which is yung kwarto nang kambal. Dahan dahan naman akong lumapit doon...
Halo halo ang nararamdaman ko, kabog nang dibdib dahil sa sobrang kaba. Maliwanag ngayon at dapat wala akong ipangamba, pinakikiramdaman ko naman ang paligid ko at rinig ko pa rin ang loob nang kwartong 'yun. Lapit, konting hakbang kabog ng dibdib, palapit na ako nang palapit doon at lumalakas ang ingay at nang marating ko 'yun ay napahinto na lamang ako nang paglalakad nang biglang bumukas ang pintuan at tumilapon doon ang puting manika.
BINABASA MO ANG
Staircase
Horror"Dont ever tried to call her, beg her because if you did, She cause a lot."