XV
Answers
There we listen carefully of what he said, thinking of what he said and our left chests beats so fast. Our place surrounded by no one but there is someone who's been staring us for about the whole time. Kabog nang dibdib, taas nang balahibo. Lahat na lang nang kakakilabot nararamdamam ko sa ngayong oras, lahat nang mga katanungan namin isa isa na nga bang masasagot? Ang mundo nang kababalaghan sa bahay na 'to, maisisiwalat na. Ang tanging pag-asa lang na malaman ang lahat ay kay Sir Joel na isang kilala at magaling kuno na Paranormalists sa bansa. Pero iba pa rin pala talaga ang pakiramdam kapag sasabihin niya na, dahil kapag nagbanggit na siya. Simula na 'yun nang hindi pagiging komportable dito.
"Handa na ba kayo?" tanong sa amin ni Sir Joel. Nakapalibot naman kaming lima sa kanya at kabang kaba na malalaman na namin ang sikreto nang bahay na ito.
Nagsitanguan naman kaming lahat kay Sir Joel, umayos siya nang pagkakaupo at umubo. Pigil na pigil ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba, kailan ko ba ulit naramdaman ang ganitong kaba? Nung nagrecite ako nang sarili kong gawa na poem sa harap nang school? Hindi eh, iba 'to. Ibang iba.
"Simulan niyo na po." Atat na sabi ni Harold kay Sir Joel.
Tumango ito at nagsimula na, "Ang bahay nap ala 'to ay sobrang tagal na. Akalain mo 'yun, dito niyo pa ninais na manirahan?" nagkatinginan naman kaming magkakasama. "Wala talaga kayong alam ah? Ang bahay na 'to ayon sa mga nakikita ko ay 35 years nang nakatayo at siguro alam niyo na naman na kahapon lang ay nag labingtatlong taong abandonado ang bahay na 'to diba?" tumango naman kami. "Ibigsabihin, nagtagal nang 22 years ang tumira dito sa bahay na 'to at ang hindi ko lang maintindihan ay paano sila namatay dito. Hindi ko makita, pero dahil sa nagtagal sila dito, dito na sila nanirahan." Sabi ni Sir Joel na nakapagpangilabot sa buo kong katawan.
Yung tipong mainit naman ang paligid, lumamig bigla sa isnag malakas na ihip nang hangin. Hindi ko maintindihan, sobrang natatakot na ako.
"Pero bakit nila kami ginugulo?" Tanong ni Harold.
Ngumisi si Sir Joel, "'Yun ay dahil ginambala niyo sila. Wala kayong pahintulot na pumasok sa kanilang bahay... teka nagparty ba kayo dito?" nagulat naman kami sa biglang tanong ni Sir Joel dahil wala naman kaming binabanggit sa kanyang ganoon at nalaman niya.
"O-opo." Nauutal na tugon ni Harold. Mistulang silang dalawa lang ang nag-uusap at mariin lang akong nakikinig sa kanila dahil gusting gusto ko talaga malaman ang lahat kaya todo pakinig ako, lahat nang gusto kong malaman sana mabigyan siya nang kasagutan.
"Kaya pala..." tatango tango nito. "Dapat hindi kayo gumawa nang ganun."
"Kaya nga po kami nandito para magsaya tapos bawal?!" biglang sabi ni Boisen na may pagtaas nang boses. Pinahinahon din namin agad siya dahil pati siya ay nawawala na rin sa sarili sa sobrang takot. Hinimas naman ni Greg ang likod ni Boisen upang kumalma ito nang tuluyan at nagsimula muling magsalita si Sir Joel.
Eksena kasi si Boisen eh.
"Alam niyo ba sa ginawa niyong 'yun posibilidad na hindi kayo titigilan? Masyadong malaking pagkakamali ang ginawa niyo, kayong tumuloy sa tirahan nila kayong bumaboy dito. Inisip niyo ba na, nakikitira lang kayo?" aniya.
"Naman po, pero bakit kailangan pang may mamatay?" sabi ko naman. Hindi ko na rin kasi napigilan ang mga tanong sa utak ko na pilit nang gusting itanong dahil patuloy lang siyang bumabagabag sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Staircase
Horror"Dont ever tried to call her, beg her because if you did, She cause a lot."