XIII

870 30 0
                                    

XIII

Thirteen years abandoned

 

~Jewel's POV

"Will you just shut up your mouth!" Sigaw ni Boisen kay Jamela na ngayon ay hindi namin maipaliwanag kung ano na bang nangyayari. Inis na inis na si Boisen kay Jam dahil kanina or should I say kahapon pa ito hindi natigil sa pagbanggit nang 'Patay na' 'Demonyo' at 'Kakambal ko'. Nababahala naman kaming apat dahil hindi namin alam kung anong gagawin namin sa kanya. Nababaliw na ata siya at wala na siya sa sarili. Ang sabi pa niya ay harap-harapan niyang nakita kung paano namatay ang kambal niya at ang demonyong pumatay dito.

         "Patay na siya. Patay na siya. Demonyo. Ang kakambal ko, patay na." sunod sunod pa na sabi ni Jamela habang nakatakip ang kamay niya sa magkabila niyang tenga at bakas na bakas naman sa mukha niya ang takot. Kahit ako naman sino ba ang hindi matatakot, sobrang kabado na ako lalo na ngayon ang ikalabing tatlong taong abandonado ang bahay.

        "Waah!" isang sigaw ang nagpakaba sa amin na marinig namin si Greg na sumigaw mula sa banyo.

        Agad naman kaming pumanik papunta roon upang puntahan siya. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ang bawat paligid namin ay hindi na namin alam kung ano bang nangyayari, kung sino ba ang nagmamasid at kung anong balak pa nila sa amin. Takot, kaba at mabilis na pintig ng puso ang ramdam na ramdam ko ngayon. Magmula kaninang gumising ako, akala ko normal pa rin ang mararamdaman ko pero iba sa inakala ko.

        Akala ko lang pala 'yun pero nagsimula na sila kanina pa lang pagpatak nang medaling araw, o alas dose. Kasi kanina naalimpungatan muli ako sa akala mo mga kaluskos sa paligid at may mga naririnig na bulong. Bulong na hindi mo maintindihan. Humanda ka, baka katabi mo nap ala ang tinutukoy ko, lumingon lingon ka. Bawal manigas sa kinatatayuan, gumalaw ka. Hindi natin alam kung anong balak nila.

        Nang matuloy kami sa banyo ay halos mapatulala na lamang ako sa nakita ko dahil sa nabasa ko sa salamin sa loob nang banyo. Hindi nga normal ang araw na ito at ito ang pinakamatindi sa lahat dahil sa anibersaryo nang bahay.

        "Happy deadly 13 abandoned years." As I said when I read it. It was wrote with a blood at tumutulo pa nga ito. Napahawak ako sa braso ni Harold dahil din ito ay hindi maintindihan ang nakita niya.

        "Ano bang ibigsabihin nito?" Sabi ni Boisen.

        Napabuntong hininga na naman ako. "You'll never want to know about this, Boisen." Sabi ko na lang sa kanya kasi kung sabihin ko man, he didn't even believe of what we said. Sinong niloko niya? Akala ba niya inuuto lang namin siya, pwes nagkakamali siya. Kami ay napaglalaruan na nang nilalang na itong hindi namin nakikita at sinong hindi matatakot. Pumapatay na siya, at kung hindi siya titigil baka pati ako hindi lang mga kaibigan ko ay posibleng mamatay.

        Napalakad na lang ako papanik sa sala at naupo sa sofa. Ilang saglit lang na pagkaupo ko ay nakarinig ako nang katok sa pinto kaya tumayo ako at lumapit sa pinto at pinagbuksan kung sino man 'yun. Pagkabukas ko ay nakita ko si Flyx sa pintuan, walang ngiti sa mukha at alam ko na sa mga mata nito ang mensahe na gusting iparating.

        "Anong ginagawa mo dito?" diretsahang tanong ko sa kanya. Nanliit naman ang mata ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinunta niya dito sa bahay pero siguro may gusto na naman siyang iparating sa amin.

        Huminga siya nang malalim. "13 years na." sagot nito sa akin. Sa pagkasabi niya n'un, kinilabutan agad ako sa kanya.

        "Sino 'yan?" rinig kong sabi ni Harold na ngayo'y palapit na dito sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Harold sa lalaking 'to dahil medyo mainit ang dugo niya dito. "Sino ka?!" agad na tanong ni Harold kay Flyx.

StaircaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon