XVIII

835 30 0
                                    

XVIII

Hey don't lose hope

 

~Jewel's POV

"Uuwi ka na ba?" tanong ko kay Flyx. Kanina nang makita kasi namin siya na dala dala ang bangkay—o buto ni Maria ay nagulat kami lahat at hindi makapaniwala na mabilis niya 'yung nagawa at yung mga kaluskos din palang narinig ko kanina habang nagdadasal kami ay sa kanya pala galing 'yun. Nang buksan na nga lang namin ang sako ay inaagnas na buto na ang aming nakita, may masangsang na amoy pa rin ito at hindi pa rin kami makapaniwala na nagawa ni Flyx 'yun. Ang sinabi niya sa akin na gusting pasukin ang loob ng pinto sa hagdan ay sineryoso niya nga ang sinabi niya. Hindi ko rin naman kasi aakalain na gagawin niya 'yun. Akala ko ba takot siya, pero bakit niya nagawa 'yun?

            "Oo." Simple niyang sagot sa akin pero ngumiti siya at ang misteryo nang ngiti. May gustong sabihin pero hindi ko maipaliwanag. Sobrang makahulugan ng kanyang mga ngiti.

            "Kung ganun, paalam." Ngiti ko pa.

            Hindi na siya lumingon pa sa akin at tuluyan na siyang lumabas nang bahay. Siya na lnag din kasi ang natira sa mag bisitang pumunta dito. Sina Sir Joel at ang paring kasama nito ay nauna na ring umuwi. Ang mga kapitbahay naman namin dito sa barrio ay sinabi nila na aaraw-arawin na lang daw nila ang pagdadasal sa amin na sa oras na umalis kami dito ay maayos pa rin kami. Pero paano nga ba kami haharap sa mga bawat pamilya namin at tanungin kami sa mga pangyayari sa bakasyon naming ito. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil ngayon hindi ko alam kay Harold kung kailan pa kami aalis basta ang alam ko lang... malapit na.

            Tiningnan ko lang siya palabas ng gate ng bahay namin at sinara ang pinto nang bahay.

            Nararamdaman ko naman na malapit nang magwakas ang mga ito.

            Sumandal ako sa pinto at humarap sa mga kaibigan ko. Nakaupo sila at nanonood ng tv. Dito na rin kami kasi halos sa sala natutulog, yung mga damit namin ay narito na rin at ang iba naming gamit ay nakaempake na. Handa na kami kung ano man ang sunod na mangyari dahil lahat ng ito kailangan na rin wakasan.

            "Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Boisen. Si Boisen Eduardo 'yung taong tamad at minsan walang pakealam sa amin pero ngayon ay nag-aalala na siya sa amin, sa barkada. Siya 'yung dating hindi nagpapaniwala sa mag ganito at ayaw kaming paniwalaan pero nang siya na ang pakitaan. Ang dating Boisen na matapang ngayon ay unti unti nang binabalot ng kaduwagan. Si Jamela naman, ayun bumalik sa dati na kung titingnan mo ay parang nababaliw na.

            "We'll stay ofcourse." Harold said.

            "Alam mo Harold, hindi ka ba nag-aalala sa amin?! Lagi na lang sarili mo ang iniisip mo!" bulyaw ni Boisen kay Harold. Napansin ko naman na nag-igting ang panga ni Harold dahil sa mga sinabi ni Harold. This could be rumble if hindi ako pumagitna sa dalawang tao 'to. They could be bestfriends but in just a way na lagi na lang silang nagbabangayan pero we're still a group of friends naman hindi nawawala 'yun.

            "Stop arguing with each other okay?" I finally said it to them.

            "Hey Jewel," ngisi pa nito. "please can you shut your friends mouth! Sh*t!" Harold said. Saka siya lumabas nang bahay at syempre ang tungo na naman nito ay sa bahay ni Mang Remmuel, gabing gabi na pero lumabas pa siya nang bahay. Hindi naman sa delikado pero nakasanayan na dito sa barrio yun.

            Lahat kami ay napabuntong hininga na lang sa inasal ni Harold.

            "Boyfriend mo ba talaga 'yun Jewel? I cant even see the old Harold with him." Greg said to me. Hindi ko siya nasagot sa tanong niya kundi buntong hininga na lang din ang naging sagot ko. Hindi ko alam kung boyfriend ko pa ang isang 'yun tutal parang parang wala na rin naman ako sa kanya. So, should I stopped loving him? If its better, go.

StaircaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon